"Before you leave this room, we have to do something about your hair." Sabi ng professor.
"You can't show up at the academy with that apperance. It's not that I am saying it is inappropriate but it is rather unusual. The elemental users do not usually inherit their goddesses' image. It must have already shocked the exam takers." Dagdag niya ako at napatango ako.
"Hindi ko po alam kung bakit ito nangyari. Hindi ko rin alam kung paano itago ang itsurang ito." Sagot ko.
"That's okay. I'll help you." Sabi nito at nilapit sa kanya ang isang box na puno ng sa accessories.
"This accessories are here for a reason, just in case na may mangyaring ganito." Sabi niya. "What accessory do you prefer?Necklace?" Pahabol nitong tanong.
Agad naman akong umiling. Suot ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Aling Jenias kaya naman imposibleng kwintas ulit ang gamitin ko. "Bracelet na lang po." Sabi ko at tumango siya.
Hinawakan niya ang bracelet at nagcast ng spell. Lumutang ito sa ere at nagkaroon ng magic circles sa paligid noon. Unti-unting lumiit ang magic circles at dumikit ito sa bracelet.
"Try it." Abot nito sa akin.
Kinuha ko iyon sa kamay niya at sinuot. Maya-maya pa ay lumiwag ang bracelet. Napahawak ako sa buhok ko at nakitang bumalik ito sa itim.
"Itim na rin ba ang mga mata ko?" Excited kong tanong.
Napailing ito, "masyadong malakas ang kapangyarihan at hindi nakayanan ito ng bracelet. Brown ang kulay ng mata mo na mayroong hint pa rin ng kulay asul. Pero wag ka mag-alala. Mas normal naman itong tignan keysa kanina."
Tumango naman ako at nagpasalamat. Okay na ako roon kesa naman sa asul ang mata ko.
Nagbukas siya ng portal at sinabing dederetso ako sa harap ng dorm ko. Anf patch kanina na may number ay magiging dorm card ko raw once na madetect nito ang dorm room ko.
Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa portal. Hindi gaya kanina ay hindi na ako masyadong nahilo ngayon.
Agad akong napatingin sa pintuan na nasa harapan ko. Ito na ata iyon. Binuksan ko ang pintuan gamit ang card na mayroon ako. May kalakihan ang kwarto. Sobra pa nga ito sa inaasahan ko.
Napatingin agad ako sa kama at agad na humiga.
Napabalikwas pa ako at pagdilat ko na lamang ay umaga na. Ganoon ba akong sobrang napagod at hindi man lang namalayan na umaga na?
"Ophelia! Bumangon ka na. Malelate ka na sa klase mo!" Nagulat ako kay Kallista at napabangon agad nang magsink-in sa akin ang sinabi niya.
Agad akong napatingin sa closet sa dulo ng kwarto. Pagkabukas ko ay naroon ang uniporme at mga sapatos. Agad akong naligo at isinuot iyon. Nakita ko na rin ang itsura ko sa harap ng salamin.
Sa wakas ay normal na ulit ang itsura ko!
Bago ako lumabas ng kwarto ay agad na tinago ko ang kwintas sa loob ng uniporme.
"Tara na, Kallista?" Tanong ko at agad siyang nagbago ng anyo.
"Let's go!" Excited niyang sabi at nagsimula na kaming maglakad.
Mabilis kong hinanap ang room ko. Mayroong papel na nakadikit kanina sa uniporme ko at nandoon ang magiging schedule ko.
Hindi ko na masyado binasa ang schedule dahil matatandaan ko din naman yon. Ang tinandaan ko lang ay ang magiging room ko. Pero in case na may mangyaring kung ano, dinala ko na rin iyong schedule.
"Nasan ba room mo, Ophelia? Malapit ka ng malate." Sabi ni Kalli na nasa balikat ko.
Napabuntong-hininga ako. Wala ng mga estudyante sa hallway dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na.
"Hindi ko rin alam, Kalli." Sabi ko. Tumakbo na lang ako ng mabilis tinignan ang mga room plates.
Wala talaga! Nasan ba iyon? Limang minuto na lang magsisimula na ang klase.
Malapit na sana akong sumuko nang may nakita akong babaeng naglalakad. Mukhang late rin ata siya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya.
"Excuse me!" Sigaw ko kaya naman napalingon ang babae.
"What?" Mataray na tanong nito.
Napataas naman ako ng kilay. Napaganda naman ng sagot. Napabuntong-hininga ako. Wala akong time para sa katarayan niya.
"Alam mo ba kung nasaan yung room ng S+?" Tanong ko at tinignan niya ako mula sa ulo pababa.
"Anong kailangan mo sa S+? Don't tell me stalker ka ng elementals? Gosh, someone like you? Kahit pagiging stalker hindi ka pasado." Mapanglait nitong sabi
"Look, I have no time for that. Kaya pwede ba, paki-sabi na lang?"
"Kapal mo. Hanapin mo mag-isa." Inirapan niya ako at nagsimula ng maglakad.
Gosh! Wala akong oras para dito!
Tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan ang braso niya. Nagulat naman siya doon at maging ako dahil sa mabilis na paglabas ng kapangyarihan.
"What the hell?!" Irita kong sabi dahil nasugatan ako sa matulis na ice na dumaplis sa braso ko.
"Go away, freak!" Sigaw niya at pumasok sa isang room.
"Okay ka lang ba, Ophelia?" Tanong ni Kalli.
Napahawak ako sa sugat ko. Nagyeyelo ang paligid ng sugat. Napamura naman ako doon dahil unti-unting namamanhid ang braso.
"Bakit ba hindi ko pa natutunan i-heal ang sarili ko?"
"Self-healing is a stage higher than your level now kaya naman hindi pa pwede. You know that the most, hindi pwede v pabigla-bigla." Sabi nito sa akin.
"Hanapin na muna natin ang room mo. I am sure the professors will do something about that." Dagdag niya pa.
Tumango na lang ako at umakyat pa sa pangatlong palapag ng building. Sa sobrang tagal kong paghahanap, ngayon lang ako naka-akyat sa 3rd floor dahil hindi biro ang lawak ng building na ito.
Hawak-hawak ko pa rin ang sugat ko. Hindi ko na masyado magalaw ang itaas ng parte ng braso ko. Tumigil ako sa isang gilid at sinubukang palibutan ng kapangyarihan ko ang yelo para hindi pa ito kumalat.
Nag-bell na kanina pa kaya malamang ay nagsisimula na ang klase.
"Are you okay?" Napatingin ako sa nagsalita at mayroon doong isang lalaki na may hawak na libro.
"No. Can you tell me kung nasaan ang room ng S+?" Agad kong tanong.
"Nasa fourth floor, sa tabi ng greenhouse." Mabilis nitong sagot.
Napabuntong-hininga ako, "Thank you!" Sabi ko at nagpa-alam na sa kanya.
"Teka, yung sugat mo!" Sigaw nito habang papalayo ako. Hindi ko na iyon pinansin at agad na umakyat sa ika-apat na palapag.
Agad ko namang nakita ang greenhouse at sa tabi noon ay ikinanganga ko na lamang. May dalawang pintuan yon at may kalakihan.
Ngayon ko lang rin napansin na ang buong fourth floor ay rooftop na.
Mabilis akong kumatok sa pintuan at agad naman iyon bumukas. Una kong napansin ang mataas na ceiling.
Nang bumaba ang tingin ko ay may apat na estudyante at isang babaeng professor.
"I'm sorry I'm late?"
+++
BINABASA MO ANG
Ophelia
FantasyNagsimula ang lahat sa digmaan na kinatatakutan ng lahat. Kung saan naglaban ang magigiting na bayani ng Mundong Solarel at ang mga kampon ng kadiliman na hangad lamang ng kapangyarihan at teritoryo. Sa kabila noon, nagwagi ang mga tao ng Solarel ng...