03

6 0 0
                                    

Ilang araw na akong naninirahan sa bahay nina Aling Jenias. Mabuti na lang at mabait si Tita. Siya mismo ang nagsabi na pwede muna akong makituloy sa kanila hanggang hindi pa ako nakakahanap ng titirahan.

Hanggang ngayon rin ay hindi ko pa rin tinatanggap ang kapangyarihan pero gaya nga ng sabi ni Kallista ay hindi niya ako iiwan hanggang sa tanggapin ko iyon.

"Ophelia, tanggapin mo na ako at ang kapangyarihan." Sabi ni Kallista sa anyong  diwata niya. Umalis sina Aling Jenias kaya naman nakapagpalit siya ng anyo.

Napabuntong-hininga ako. Iyan ang lagi niya sa aking sinasabi tuwing magkasama kaming dalawa.

"Ophelia, alam kong mabait si Aling Jenias pero sana ay isipin mo rin na hindi sila ganoong may kaya. Sapat lamang ang pangkain nila sa kanilang dalawa ni Mikaela pero dahil nandito ka, isinasama ka rin sa isipin niya. Huwag mo sanang
samantalahin ang bait na ibinibihay niya sa iyo kahit alam mong mayroon ka namang pupuntahan oras na tanggapin mo ako." Sabi niya patungkol sa akademya bago nag-anyong pusa muli bago iniwan akong mag-isa sa salas.

Naiintindihan ko ang sinabi niya. Alam kong tama lahat ng punto niya. 'Yun nga lang ay talagang mahirap isipin na tanggapin ko ang kapangyarihan. Alam kong sobra-sobra na ang natatanggap ko mula kena Mikaela at alam ko ring hindi ko dapat iyon samantalahin pero mahirap magdesisyon lalo na sa sitwasyon ko.

"Ophelia!" Nagulat ako sa sigaw ni Kallista.  Ito pa ay patakbong pumunta sa akin habang nag-iibang anyo pabalik sa pagiging diwata.

"Ang kampon ng mga kadiliman! Naramdaman na nila kung nasaan ako!" Bakas sa mukha niya ang takot. Ako rin ay kinilabutan sa pagbanggit niya noon.

Nagmadali akong lumabas ng bahay at napatakip na lamang sa aking nakita.

Ang unang parte ng bayan ay nasusunog na. Nagsisigawan ang mga tao habang ang iba naman ay umiiyak.

"Ophelia!" Sigaw ni Aling Jenias sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kalagayan niya. Sira-sira ang kanyang damit at namamaga rin ang kanyang mga mata.

"A-ano pong nangyari? Si Mikaela po, nasaan?" Kinakabahan kong tanong.

Naluluha itong umiling sa akin, "Hindi ko alam. Napahiwalay ako sa kanya."

"Hahanapin ko po siya. D'yan lang po kayo sa loob. Isara niyo po lahat ng bintana at pintuan!" Sabi ko ng may pagmamadali at aalis pa sana pero nagulat ako ng pigilan ako nito.

"Ophelia, wag mo ng isipin iyon. Ako ang hahanap sa anak ko at ikaw, kailangan mo ng umalis dito." Sabi niya habang hinahawakan ng mahigpit ang aking mga kamay.

"Halika." Hinila niya ako papasok ng bahay at nagimpake siya ng ilang damit.

"Ano pong ginagawa niyo?!" Naguguluhan kong tanong. "Kailangan mong umalis rito, Ophelia. Dalhin mo rin ang kwintas na ito. Huwag na huwag mo iyang pababayaan, naiintindihan mo ba? Sige na umalis ka na." Sabi niya at inabot sa akin ang isang bag at isinuot sa akin ang isang kwintas.

"Hindi po." Naluluha kong sabi. "Hindi po ako aalis ng hindi ko kayo kasama ni Mikaela. Tita, hahanapin natin siya at aalis tayong tatlo rito."

Umiling ito sa akin at hinawakan ang pisngi ko, "Ophelia, hindi kami pwedeng umalis ng bayang ito."

"Ano pong ibig niyong sabihin? Kailangan natin!"

"Makinig ka sa akin, Ophelia. Sa bayang ito, lahat ng nakatira rito ay hindi maaaring lumabas ng bayan. Sa kahit anong paraan man kaming tumakas sa bayan na ito ay mawawalan kami ng buhay." Sabi niya. Napatingin ako sa kanyang mga kamay.  Nanginginig ito pero matigas itong nakakapit sa akin bago ako hinila palabas ng bahay. Nagpupumiglas pa ako dahil alam kong dadalhin niya ako palabas ng bayan.

"Lahat ng tao sa bayang ito ay nabubuhay lamang dahil sa sentro ng bayan. Hindi kami normal na tao, Ophelia. Lahat ng nakatira bayan ay isang Normalis." Napailing ako sa mga sinasabi niya pero alam ko. Alam kong imposible iyon pero ayaw kong tanggapin ang mga sinasabi niya.

Nabasa ko iyon sa mga libro noon.

Ang tawag sa kanila ay mga Normalis. Wala silang taglay na kapangyarihan. Ang kanilang angkan ay tila ba parang sumpa. Hindi sila maaaring lumabas ng bayan. Sa presensya lamang ng puso ng Anova, isang  nilalang na hindi na nabubuhay ngayon, sila mabubuhay. Kapag lumayo sila sa presensya ng puso ng Anova ay kusa silang mawawalan ng buhay. Sa isang iglap lamang ay mamamatay sila.

"Kunin natin ang puso ng Anova." Makasarili kong sinasabi.

"Ophelia. Si Julius, ang nagtanim ng puso ng anova sa sentro ng bayan, lamang ang makakakuha noon. Tanggapin mo na, Ophelia. Ito ang propeta para sa mga Normalis." Sabi nito nang makarating kami sa kabilang entrada na pinasukan ko ng bayan.

"Pero-" Umiling siya na nakapagpatigil sa akin.

"Kasama sa propeta ang pagdating ng isang babae sa aming bayan. Ikaw la lamang ang pangalawang bisita ng bayan na ito, Ophelia. Masaya akong makilala ka. Alam kong ganoon rin ang nararamdaman ni Mikaela. Itong kwintas na ito. Bigay ito ng estranghero na dumating sa bayan namin noon. Siya ang nagbigay ng propeta. Alam kong may natatangi kang lakas para protektahan ang mundo. Kailangan mo ito. Tumakbo ka na Ophelia." Sabi niya at tinulak ako palabas ng bayan.

Tumakbo ako pabalik sa kanya pero natigil ako. Napailing ako. Hindi.

"Aling Jenias!" Naiiyak kong sigaw habang pilit na pasukin ang bayan pero hindi ko magawa. Nanlabo ang aking paningin nang makita ko siyang tumakbo na muli papunta sa sentro ng bayan.

"Papasukin niyo ako! Aling Jenias, papasukin mo ako. Nagmamaka-awa ako. Hindi ko kayong pwedeng iwan lalo na at alam kong ako may dulot nito." Iyak ko nang unti-unting bumagsak sa lupa ang aking katawan. "Nagmamaka-awa ako." Huli kong bulong.

"Ophelia, ito ang propeta para sa bayang ito. Sa pagkakataon mang magkaroon ng ganitong kaganapan ay kusang magiging aktibo ang bariyer ng bayan sa oras na makalabas ang hindi isang Normalis. Pinrotektahan ka ni Aling Jenias, Ophelia. Alam niyang sa oras na lumabas ka ng bayan ay magiging aktibo ang bariyer. Hindi makakalabas ang mga halimaw." Napalingon ako kay Kallista na ngayon ay nasa anyong diwata na.

"Kallista, diba may kapangyarihan ka? Bakit hindi mo nagawang tulungan sila?! Bakit hinayaan mo lang sila! Bakit? Bakit ang sama mo sa akin at sa kanila?!" Naiiyak kong sabi habang hinihila ang kanyang puting bestida.

Nalulungkot itong tumingin sa akin.

"Ophelia, limitado lang ang kapangyarihan ko sa anyong ito. Hindi ko kayang maglabas ng pang-atakeng kapangyarihan. Kaya ko lamang gumamot at para lamang sa iyo yon. Hindi ko siya magagamit para sa iba. Saka lang magiging atake ang kapangyarihan ko kapag tinanggap mo na ako." Nalulungkot nitong sabi habang pinapasadahan niyang kanyang daliri ang aking buhok.

"Pasensya na." Naluluha nitong sabi at niyakap ako.

+++

OpheliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon