4th Letter HI MISS

418 7 0
                                    


CHAPTER 4
"Jeyah's POV"

"Ran asan na ba yang boyfriend mo bat di pa dumadating?" Sabi ni Vam.

Kanina pa kami ready, antagal niya.

"Darating din yun" sagot ni Ran.

"Ok lang ba talaga ayos ko?" sabi ko, nakakahiya naman sa mga makakakita.

"Oo, bagay nga sayo" Ran sabay tingin ulit sa salamin dito sa living room nila.

"Oo nga, ang ganda kaya ng katawan mo" Vam.

"Ano ako hipon? Katawan lang maganda? pero joke lang panget talaga ako😔"

"Di kaya!!" Ran.

"Ang ganda mo kaya!! Nakatago lang sa likod ng salamin mo dati😉" Vam.

"Totoo?"

"OO!!" Sabay nilang sabi.

Sinuri ko naman ang mga damit nila Gravity ganyan naba kami ka liberated? Pero mukhang di naman mas malala pa nga ang sa America.

Naka suot si Vam ng Long sleeve red backless fitted dress at kalahati lang ng kanyang legs at red heels 👠. Naka lugay lang ang hanggang balikat na buhok niya. Siya kaya ang fasionista samin. Nag red lipstick siya. Kawawa naman nong iniwan siya, ang ganda ganda ng bes niya. Anyways.

Kay Ran naman is Long Sleeve Maroon fitted dress na 3 inch above the knee and white heels. Naka messy bun yung buhok niya. Nag lip gloss lang siya.

Ang akin naman ay... huwag nalang nakakatamad.

Joke lang ito naman ayy huwag nalang pala.

Last na talaga Ito na talaga alam kong gusto mo malaman kung ano suot ko. Ito na.

Nakasuot ako ng.... Bikini 👙 joke lang hahaha.

Naka suot ako ng black spaghetti fitted dress na half ng legs and black pumps. Nag tanggal din ako ng glasses. Smokey eyes ang makeup ko and red lipstick. Naka lugay na rin ang hair ko.

Diba ang laswa kita pa cleavage ko huhuhu.

*DING DONG DING DONG* doorbell

"Andiyan na siya" at nag madaling tumakbo papunta sa pinto malapit na nga siyang madapa eh buti na kakapit sa dingding.

"Wahhh Davey kooo" sabay yapos kay Dave. Yuckk lang ha Yuck.

"Andria baby" and kiss sa cheek ni Ran ang bruha naman kilig. Yuckkkkkkkkk.

"Yuck a nakakadiri kayo" at nag walk out na ako.

"Hahahaha" tawa nila. Buti naman masaya na si Vam. 😀

Pag labas ko.

😮 Hala bat siya andito?!

Nasa harapan ko ngayon naka poker face na si Kaizer kasama ang isa pa nilang barkada.

Ngayon naman kumunot ang kanyang noo.

"Bat ka andito?" tanong ko.

"Bawal?" cold na sabi niya at pumasok sa Car.

"Hi miss, The name is Lee Danler anong pangalan mo?" tanong nung guy at nag abot ng kamay, mukhang playboy pero gwapo and matangkad pero mas matangkad si Kaizer then maputi siya kagaya ni Kaizer.

"Jeyah, you can call me Jey😊" and inabot ko rin hand niya, ang lambot.

"Lee ano yan ahh wag mong landiin bes ko kukurutin kita" sabi ni Ran.

"Nakikipag kilala lang😉" sabi ni Lee

"Tara na? 😃" sabi ni Vam

😳 Na shock naman siya nung nakita niya si Vam.

"Uy Lee ha wag si Vam" sabi ko.

"Hi" nag smile si Vam kay Lee.

Mas nakanganga ngayon si Lee dahil sa Smile ni Vam.

"Ang ganda mo" Hala namumula pa si Lee.

"Thank you" nag blush naman si Vam.

Hay nako. Nauna na silang pumasok ako nalang hindi pa.

Pag pasok ko. Putekk katabi ko si Kaizer wala ng upuan nasa front seat kasi si Ran, driver namin si Dave, mag katabi naman si Vam at Lee na naguusap.

"Tae naman" bulong ko sabay upo.

"Tss" inaano ko nanaman to.

"May problema ba, suplado mo sakin ah?🤔" tanong ko.

"None" ang cold naman nito.

"Ewan ko sayo" sabay irap.

"What are you wearing?" bigla biglang sabi niya.

"Malamang damit" sagot ko.

"It's short and ahhh gross"

"Maka gross ediwow😛" sabay dila sa kanya.

"Tsk"

Naka rating rin sa bar.

Sabay sabay na kaming pumasok.

Sorang lakas ng tugtog as usual. Hindi kami sa bar ni kuya, sa iba kami na bar wala kaya si kuya sumama kina mommy.

Dumeritso na kami sa VIP room mahirap na.

"Ok ka lang Vam?" tanong ko.

"Oo naman, dala ko inhaler ko" tumango-tango nalang ako.

Kinukulit nanaman ni Lee si Vam hay nako at sina Dave naman ayun, tinatakpan si Ran sa mga lalake. OA, possessive naman ni Dave sabagay maganda si Ran.

Nag inom lang sila Vam at Lee dun, sina Ran at Dave ayun sa dance floor.

Uminom na rin ako, parang gusto kong sumayaw.

Pag-tayo ko....

"Aray!!"

My Letter To Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon