Nakatitig lang ako sa kaniya.
Tangina, bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to?
Nakatitig din siya sa'kin, share ko lang.
I know, I know. Selos kayo 'no? Iilan lang sa inyo ang nakatitigan yung mga crush nila. Aside from the fact na may staring contest kami, nabighani ko siguro siya sa angking kagandahan ko. Kahit na medyo panget ako.
Okay, so hindi lan medyo.
Biglang may pumitik sa noo ko. "Tangina, ano ba?" Tinanong ko sa higanteng nasa harapan ko.
"Hoy, gago, kanina ka pa kumukurap-kurap dyan. Ako na panalo."
"Ang sakit kasi sa mata niyang pagmumukha mo."
Nagsitaasan ang dalawang mga gitnang daliri niya. "Ako panalo, ilibre mo na ko."
Inirapan ko siya bago ko tinanong, "Ano bang gusto mo?"
"Ikaw."
Tiningnan ko siya. Nakatingin lang din siya sa'kin. "Ako ba kinakausap mo?"
GInawa niya yung mukhang palagi niya ginagawa tuwing magpapa-cute siya. "Ikaw lang naman nandito 'di ba?"
Pakshet, nananaginip ba ko?
---------
di ko na tanda kung anong dapat ilalagy ko dito dati hahahah. pero popost ko para masaya
BINABASA MO ANG
Our Little Moments
Short Story[TAGLISH / ENGLISH] a compilation of scenarios i think about sometimes. most don't have plots and are just mundane snippets of life but they mostly revolve around love and heartbreak and those other things in between. some are written in taglish, so...