apat \\ video call

30 4 0
                                    

"Gusto ka raw makilala nila Mommy," Bungad niya sa'kin nang masiguro niyang naririnig ko siya.

PUTANGINA.

"Dude," Nagaalinlangan akong tumingin sa medyo pixelated niyang mukha. "Sigurado ka ba dito?"

"Bakit?"

"E," Napakamot ako sa ulo ko. Kung ano-anong mga dahilan ang pumapasok sa utak ko, hindi ko tuloy maintindihan kung bakit. "Girlfriend lang naman ako, ah. 'Di mo naman siguradong ako yung mapapangasawa mo."

Tumaas ang kilay niya, at pumangit ang mukha niya. "Ows? Pa'no mo nasabe?"

Walangya 'to, pa-chill chill lang porket matagal na siyang kilala ng mga magulang ko.

"Ah basta!" Pagmamaktol ko ulit.

Nilapit niya ang camera ng cellphone niya sa mukha niya. "Sige na, baby," Lumabi pa siya kaya nagmukhang kinawawang aso. "Kakausapin mo lang naman sila mommy, e."

Shit, mommy pa niya. 'Yung pinaka-importanteng tao sa buhay niya.

"Ano ako? Nanliligaw? Ayoko nga."

Don't get me wrong, mabait naman mommy niya. Nakakatakot lang kasi, syempre, gusto kong maganda yung impression niya sa'kin.

Ang kaso lang, hindi ko alam kung pa'no maiimpress yung mommy niya sa isang tulad kong mukhang sampung taon nang puyat at walang tulog.

"Parang ganon na nga." Nakangiting sinabi ng lalaking nasa harap ko; lalaking nasa kabilang banda pa ng mundo. "Sige na, baby, please." Mas lalo pa siya lumabi. Ang kyut niya, taena.

Napabuntong-hininga ako. "Mag-jowa na tayo 'di ba? Bakit kailangan ko pang manligaw?" Hindi nga niya ko niligawan dati, e. Nang maging mag-M.U kami, parang konting landian lang tapos mag-syotabells na kaming dalawa.

And then, two years later, umalis siya papuntang Los Angeles. Nays.

Nagkasalubong ang dalawang kilay niya. "Ah ganon?" Lumobo ang dalawang pisngi niya. Mukha naman siyang baboy ngayon.

"Oo, ganon." Tinaasan ko siya ng kilay. Kala mo, ah. Di ako matatakot sa'yo. "Wala ka nang magagawa."

"Meron."

"Weh? Ano 'yon?"

"Break na tayo. Ligawan mo ko para magbalikan tayo."

"No thanks, masaya pong maging single." Sinabi ko sa kaniya at unalis sa harap ng laptop ko. For dramatic effects, syempre.

"Hoy, teka lang. Bumalik ka dito. balikan mo ko ples huhu."

At dahil marupok ako, bumalik ako sa kama ko, sa harap ng laptop.

"Seryoso ba 'yon?" Tinanong ko sa kaniya.

Mabilis siyang umiling nang umiling. "Hindi. Hindi tayo pwedeng mag-break. Kahit. Kelan."

"Pwera kapag nagkagusto ka sa iba. Maraming chicks dyan sa Amerika, oy."

Hindi niya ko sinagot at alam ko kung bakit. Nasaktan ko siya. Noong naging kami, sinabi ko agad sa kaniya na pwede niya kong iwan kapag may iba siyang natipuhan. Palagi siyang nagagalit kapag sinasabi ko 'yon.

"Hindi nga ako magkakagusto sa iba, by."

"Hindi mo 'yon alam."

"Alam ko kasi—" Natigil ang pagsasalita niya. May babaeng naghahanap sa kaniya. Hindi ko nakikita pero alam ko na agad kung sino siya.

Ang mommy niya.

PAKINGSYET

---

hi!

sorta whipped this outta nowhere lol

de, pero ano to, uhhh, naisip ko to dati pero yung conversations lang tapos pinakita ko sa prends ko, sabi nila aus lang daw.

(actually, sabi nila parang kami raw nung kalandian ko yung nag-uusap nyahaha.

yez, mah bebis, may kalandian na po akes. M.U raw kami, sabi niya. edi M.U. nyahahaha.

to be clear, ako yung unang nagka-gusto sa kaniya, and then sinabi niya sakin na trip din niya ko. so ayorn, di ako naniniwala ng slight hihi. kapag nabroken ako, alam na nating tokis si koyang M.U ko)

so, itech na yung short story haha.

sorry antagal kong di nag-update. mahirap pong maging grade 10 sa batch ng mga grade 10 na itu.

tokis yung mga nagsabi samin na pinakamahirap na raw sa JHS yung grade 9.

halerr, ANDAMI PO NAMING GINAGAWA AT NAIISTRESS NA KAMI KASI YUNG GRADE TEN LAST YEAR PA-CHILL CHILL LANG PERO NAPAKARAMI NAMING GINAGAWA BAKIT GANITO???

ayon, sana na-enjoy niyo 'to hihi




lablab,
-B.

Our Little MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon