isa \\ star city

169 4 0
                                    

Nasan na ba 'yung mga 'yon?

One moment we were riding all the extreme rides we could see and the next, they're gone.

Pa'no ko naman sila mahahanap sa kalagitnaan ng Star City?

But I can't really say na hindi ko 'to inexpect. Palagi naman namin 'to nilalaro. Always the four of us - me, Bean, Babs, and Mich.

Biglang may yumakap sa'kin mula sa likod. And I figured na si Babs 'yon. "Babs! Mag-hunos dili ka nga!"

"Hindi ako si Babs." Sinabi ng isang lalaki sa likuran ko.

Sinipa ko siya.

Sa bayag.

Dahil lalaki siya.

At hindi ko siya kilala.

Well, akala ko hindi ko siya kilala.

Pero pagka-talikod ko para tingnan kung sino 'yung bigla-bigla na lang sumipot at niyakap ako, na-realize kong kilala ko pala siya.

Medyo pamilyar naman kasi 'yung boses niya kahit papaano.

Siya 'yung Perez na lalaki sa section ng Perseverance.

"Anong ginagawa mo dito?" Tinanong ko sa kaniya habang sinusubukan niyang bumangon ulit.

"Nakiki-field trip. Nagbayad naman ako ng mahal sa fee."

Ok.

Tiningnan ko lang siya. "Nakita mo si Bean?"

"Sino ba 'yon?"

"E si Mich?"

"Sino ba 'yon?"

"E si Babs?"

"Sino ba 'yun?"

Gago 'to, a. Nag-walk out na ko. Niloloko lang ako ng lalaking 'yon.

Balik sa paghahanap ng mga pesteng kaibigan.

Saan ba pinaka-posibleng puntahan ng mga 'yon?

Tapos na namin lahat ng extreme rides kaya kiddie rides siguro punta ng mga 'yon.

"Faith!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Hindi ko siya tiningnan.

"Faith saglit lang!" Papalapit na 'yung boses kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

Pero halos walang kwenta rin naman 'yung pag-speed walk ko kasi mabilis niya kong naabutan.

"Ba't ka ba bigla-biglang umaalis?!" Natatarantang tanong niya sa'kin.

"Ano ba kasing gusto mo sa'kin? Nakaka-asar na!" Nakipag-sigawan ako sa kaniya. Normally, I would never do this - never akong mag-i-iskandalo sa harap ng maraming mga tao. But seeing this guy... ewan ko kung anong nangyayari sa'kin.

Tatakas na naman sana ulit ako pero hinawakan niya ang siko ko saka niya ako hinila papalapit sa kaniya.

"Okay," Sinabi niya with matching hand gestures. "Nagloloko lang ako kanina. Alam ko kung nasaan sila."

"Saan?"

"Hindi ko matandaan, e. Basta kasama nila mga tropa ko."

Tiningnan ko lang siya. "Good luck na lang sa paghahanap sa kanila." Saka ko siya tinalikuran.

"Faith!"

"Ano na naman?"

Kinamot niya ang batok niya. "E... pwede bang sumama? Ayokong mag-isa, e."

Our Little MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon