PROLOGUE

1.3K 24 37
                                    

"Pre, jingle lang ako."

"Bilisan mo at mag tabi-tabi ka rin pare," nakangising saad ng kasama ko.

"Gago! Hindi ako nagpapaniwala sa pamahiin na iyan." Tatawa-tawang tugon ko at saka ko siya tinalikuran.

Pasipol-sipol akong naglakad pabalik sa mga kasama ko ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay may namataan akong anino at hindi ko mawari kung tao ba ito o mabangis na hayop.

Dahil sa kuryosidad ay maingat kong inihakbang ang mga paa ko palapit sa anino na hindi gumagawa ng anuman ingay. Ngunit gayon na lamang ang gulat ko ng inisa-isang hilahin ng aninong iyon ang mga kasama kong nakabantay sa likuran. Walang awa nitong tinanggalan nang buhay ang mga ito.

Napapalunok akong nagtago sa malaking puno upang hindi makita o mapansin ng taong iyon. Sa tanan ng buhay ko ay ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong klaseng uri ng takot.

Gayunpaman, pagkatapos ng ilang minutong pagtatago ay naglakas-loob pa rin ako na lumabas sa pinagtataguan ko dahil nangingibabaw sa akin ang matinding pangangailangan sa pera.

"Anak ng!" Tinig ng lider na nanlilisik ang mga matang tinitigan ang taong nakaitim. Mahirap itong kilalanin dahil tanging mga mata lamang ang nakikita.

"You're next."

Napakalamig ng tinig niya at parang gusto ko muling bumalik sa punong pinagtaguan ko kanina at huwag ng umalis pa roon.

"Hangal! Mauuna kang mamatay bago mo ako mapatay!" Matalim na tingin ang ipinukol ng lider sa taong nakaitim bago kami nilingon nito. "Patayin ninyo ang hangal na iyan!"

Mabilis kong dinukot ang balisong nasa tagiliran ko at ganoon din ang ginawa ng kasama ko. Binabalak pa lamang namin na sugurin siya nang bigla itong pumihit paharap sa amin. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa direksyon ng kasama ko at saka siya tumigil sa harap nito.

"May lahing ninja ka ba?" Nakangising tanong ng kasama ko na hindi man lamang sumagot. "O baka naman idol mo ang mga ninja kaya ginagaya mo ang pananamit nila? Pero hindi ba ang mga ninja ay may espadang nakasabit sa likod, bakit wala kang espadang dala? Ha ha ha! Ulol, hindi bebenta sa amin yang trip mo."

Batid kong nililinlang lamang siya ng kasama ko upang makagawa ng hakbang ang lider naming nasa likuran ng taong nakaitim.

Hindi nga ako nagkamali dahil mula sa likod niya ay humugot ng patalim ang lider. Patraydor niyang sinugod ang taong nakaitim ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang mabilis niyang maiwasan ang ginawang atake nito.

Sa pangalawang pagkakataon, muling sumugod ang lider at nanggigigil nitong pinapatamaan ng patalim ang katawan ng taong nakaitim na agarang naiiwasan. Doon na kami nagkaroon ng pagkakataon ng kasama ko na sugurin ito ng sabay. Bagaman, kaliwa't kanan ang ginagawa namin pag-atake ay nahihirapan pa ring kami na tamaan ito. Para lang iyong hangin na mabilis niyang naiiwasan nang walang kahirap-hirap.

My Wife's Dark SecretWhere stories live. Discover now