CHAPTER 2

1.2K 23 23
                                    

EERIE'S POV

"Kilala mo 'yon boss?" Tanong ng driver ko, si Jiro. Hindi ako kumibo.
"Sabi ko nga hindi mo kilala," nakangiwing sabi niya pa.

"Turn left."

"Bakit boss?"

Kakamot-kamot sa ulo ang driver ko. Hindi ko maiwasan maasiwa sa tuwing ginagawa niya yan. "May kuto ka ba?"

Gulat na napabaling sa gawi ko si Jiro, nanlalaki pa mga mata.

"A-ah eh wala naman boss," utal na sagot niya. "Dito na ba tayo?"

Sumilip ako sa labas ng bintana.

"Anong gagawin natin dito boss?"

"Let's go back," utos ko. Napapatitig siya sa akin. "What?"

"Kararating lang natin boss," nakayukong katwiran niya. Hindi na ako sumagot dahil kunting-kunti na lang mabibigwasan ko na ito.

"I'll take a nap," sinandal ko ang ulo sa sandalan ng upuan at saka pumikit.

"Sige boss."

Hindi na ako dumilat sa tugon ni Jiro. Kulang na kulang ang pahinga at tulog ko noong mga nakalipas na araw. Parang gusto kong matulog at mamahinga ng isang linggo o 'di kaya'y isang buwan. Lalo na't malapit na ang pasukan, paniguradong mas mapapagod pa ako ng husto.

When the days are cold and the cards all fold and the saints we see are all made of gold~~♪♪

Lintik! Paano ako makakatulog kung kumakanta na ang sintunado. Sinasabayan ang kanta sa player.

When your dreams all fail and the ones we hail are the worst of all and the blood's run stale~~♪♪♪

Feel na feel pa talaga ang kanta.

I wanna hide the truth I wanna shelter you, but with the beast inside there's nowhere we can hide~~♪♪

Anong klaseng kanta ba yan? Nakakapeste!

No matter what we breed we still are made of greed.
This is my kingdom come. ..
This is my kingdom come.. .♪♪

Kunot-noo kong pinapakinggan ang liriko ng kanta habang nakapikit.

When you feel my heat, look into my eyes. It's where my demons hide, It's where my demons hide. Don't get too close, it's dark inside.
It's where my demons hide. . .
It's where my demons hide. . .

The hell with that demons hide?

At the curtain's call, It's the last of all. When the lights fade out, All the sinners crawl~~♪♪

Napadilat ako, "Turn off the player." Natatarantang pinatay ito ni Jiro. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng kantang yan?" Tanong ko.

Umiling ito, "H-hindi boss."

"Never play that song again."

"Masusunod boss."

Fucking sinners crawl, huh?

Hindi ito tinanggap ng pandinig ko. Pakiramdam ko ay pinapatamaan ako ng bawat liriko ng kanta na kahit ang totoo ay hindi naman talaga.

My Wife's Dark SecretWhere stories live. Discover now