CHAPTER 1

1.2K 25 29
                                    

KAI'S POV

"KUYA!"

Bunganga ng kapatid ko yan.

"Kuya gising na.." Hindi ako sumagot. Ramdam ko ang marahan hakbang ng mga paa niya palapit sa kama ko. "Mukhang tulog na tulog ka, ah? Paniguradong magigising ka sa super power voice ko."

Anong super power voice naman yan?

"KU-"

"Brea Kaileigh," pagbabanta ko habang nakapikit pa rin ang mata. Alam kong sisigaw siya kapag hindi ako sumagot.

"Good morning kuya.." Malambing na bati niya na benalewala ang pagbabanta ko. "Pinapagising ka ni Ate Bree."

Napadilat ako at diretsong napatingin sa kapatid ko, "Why?"

"I don't know.." Kibit-balikat na tugon niya. "Ang sabi niya lang gisingin kita kaya kung ako sa'yo bumangon kana at maligo." Sabi pa nito bago lumabas ng kwarto ko.

Patalon akong bumangon sa higaan at diretsong naglakad papasok ng shower room para maligo.

Pagbaba ko lahat sila ay nakaupo na sa mesa.

"Mabuti naman naisipan mo pang bumaba dahil kung hindi pa ay ipagigiba ko na sana ang kwarto mo!" Bungad ng panganay kong kapatid. Umupo ako sa bakanteng silyang katabi niya.

"Why don't you do it? Hindi 'yung puro ka lang salita!" Iritableng sagot ko.

"Ha! So gusto mo talagang gawin ko?"

"It's up to you." Walang ganang sabi ko.

"Kuya, pupunta ba rito sila kuya Keiji?" Sabat ng bunso namin si Brea.

"No, why?"

"Wala naman.. sana pumunta sila." Malungkot na sambit niya.

"Magpapapansin ka na naman ba sa mga kaibigan ng kuya mo ha, Brea? Tigil-tigilan mo yan kung ayaw mong kalbuhin kita!"

Saan kaya pinaglihi 'tong panganay namin? Napakaingay ng bunganga.

"Hindi naman sa ganon ate, nagtatanong lang ako kay kuya. Masama na ba ang magtanong ngayon?" Nakangusong sagot ni Brea.

Nag-angat ako ng tingin at diretsong tumingin sa bunsong kapatid ko, "Do you want to come with me?"

Nagningning ang mga mata nito sa tuwa, "Where kuya? Where?"

"Where do you want to go?"

"Mall, I want to go to mall. Mas masaya kung kasama natin sila Kuya Liam."

"Allright. I'll call them."

"Yay! Thank you, kuya." Nakangiting aniya at napangiti naman ako.

"D'yan kayo magaling na magkapatid ang maglakwatsa maghapon bla bla bla..." Marami pa ang sinasabi ni Ate Bree na hindi ko na pinakinggan pa.

My Wife's Dark SecretWhere stories live. Discover now