CHAPTER 3

1.2K 22 29
                                    

KAI'S POV

Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa kabilang kwarto. Pipikit-pikit pa ako napatingin sa orasang nasa tabi ng kama ko.

4:25am

Kung kailan kasarapan ng tulog saka naman sila nagtatalo.

Ang tinutukoy ko ay ang mga magulang ko. Para silang kabute lulubog at lilitaw. Mas may oras pa nga sila sa trabaho kaysa sa amin na magkakapatid, nakalimutan na nila ang pagiging magulang. Nasanay na kami na palagi silang wala kaya naman hindi na bago ang ganitong sitwasyon.

"Hindi nga maaari—mo Blake!"

Boses ni mommy iyon, halatang naiinis sa kausap.

"Gagawa—ko ng—paraan—yan!"

Boses naman ni daddy iyon na pilit pinapakalma ang sarili.

"Anong paraan naman ang magagawa mo, ha? Blake?"

Peste! Bakit naman kasi hindi nakasoundproof ang lahat ng kwartong 'to?! Ang yaman yaman nagtitipid!

"Makikiusap ako! Maski ang lumuhod ay gagawin ko Kirstine. Kung iyon lamang ang tanging paraan na maisalba ang kompanya ay magpapakababa ako!"

Inis na tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. May kaunting liwanag na galing sa kwarto nila mommy, bahagyang nakaawang din ang pinto. Marahan ang mga hakbang ginawa ko para hindi nila mapansin ang presensya ko. Gusto kong malaman ang pinagtatalunan nila at kung bakit sa ganitong oras pa sila nagtatalo kung pwede naman ipabukas.

Mula sa maliit na awang na pinto ay nakikita ko ang magulang ko. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako makikita.

"M-my God! Hindi ko na alam ang gagawin ko." Umiiyak na saad ni mommy. Dinaluhan naman kaagad siya ni daddy at saka mahigpit na niyakap.

"Sshh.. maging matatag ka para sa mga anak natin Kirstine." Pampalakas loob na sabi ni daddy.

"I know." Tipid na ngumiti si mommy kay daddy. Hinayaan niyang hagurin ni daddy ang likod niya.

"H-hindi ko kayang mawala ang kompanya natin B-blake.." Humihikbing anas ni mommy.

Bakit? Paanong mawawala? Nalugi na ba ang kompanya? Kelan pa? Paano nangyari yon?

Marami ang katanungan pumapasok sa isip ko at mga magulang ko lamang ang tanging makakasagot.

"Pinaghirapan ng Mama iyon, Blake.." Hindi ko man makita ang mukha ni mommy ay alam kong nasasaktan at nahihirapan ito sa mga nangyayari.

"I know honey, just please stop crying. Higit na nasasaktan ako sa ginagawa mo ngayon sa sarili mo." Nagmamakaawa at nagpapaintinding saad ni daddy.

"Si K-kai.."

Biglang nanlaki ang mata ko pagkabanggit sa pangalan ko.

What about me?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Wife's Dark SecretWhere stories live. Discover now