Napamulat ako ng may tumatapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ay si Damon lang pala. "Baby, you are having a nightmare. Are you okay?" Alalang tanong nito. Tumango ako sakanya at kinuha ko ang bottled water na nilahad niya sakin at saka ko ininom yun.
Tungkol saan yung panaginip ko? Kapangalan ko yung babae sa panaginip ko. Hindi ko makita ang mukha nila sapagkat malabo ito sa aking imahe. Does my dream is connected on my past? Or it's just a dream? Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko na sumasakit ang ulo ko.
Napansin ni Damon na napahawak ako sa ulo ko. "Does your head hurt?"
"Oo eh. Aray!" Sobrang sakit ng ulo ko hanggang sa nilamon ng itim ang paningin ko.
"We have to stay here for a while. Just do what I told you. Gonna hang up. Bye." Napamulat ako ng mata ng marinig ang boses ni Damon. Dahan dahan akong umupo sa kama at mukhang napansin ni Damon kung kaya't dali dali niya akong dinaluhan para tulungan. "Salamat." kagat labi kong sambit dito at bigla siyang ngumiti.
"We have to postpone our trip. Your doctor says that you needed to rest. Thank God that you're okay now. You're just overfatigue baby. I'm so worried when I saw you closed your eyes."
I just smiled at him. He's always like that. This is not the first time I passed out so I understand why he acted that way. Naalala ko yung panaginip ko kanina. Gusto ko sanang itanong kay Damon kung sino si Ciara Kara. Nagbabakasakali lang na baka kilala niya. Pero natatakot ako dahil hindi pa ako masyadong handa para itanong ang nakaraan ko. Nung huling tinanong ko si Damon tungkol sa isang panaginip na nakita ko ay hindi ito nakapagsalita agad at bigla nalang umalis sa harapan ko. Binilin din naman ng doktor sa akin na wag kong pilitin na makaalala dahil malakas ang impact ang nangyaring aksidente sa akin.
"Maraming salamat sa lahat Damon. Pasensya na kung masyado na akong pabigat sayo. It's just that there's a part of me missing and I kept on thinking on it." hingi ko ng dispensa dito
"You don't need to be sorry baby, it's my job as a husband to serve you and I know what you've been through. Just let the time to recover the wounds and don't force yourself to gain your memories. It's not the first time you passed out, but again. Take care of yourself okay?" tumango ako bilang sagot sakanya. He hug me and kiss my forehead.
Mabilis lumipas ang araw at tuluyan na naging okay ang pakiramdam ko. May pagkakataon na may napapanaginipan parin ako na babae at hindi ko parin nasasabi kay Damon yun. Kasalukuyang kumakain kami ng almusal sa hapagkainan. Siguro ito na yung oras na sabihin ko sakanya.
"Damon?" tawag ko dito at bigla siyang tumingin sa akin. Napatigil siya sa kanyang ginagawa dahil kanina pa niya siguro napapansin sa akin na parang may gusto akong sabihin sakanya.
"What is it? Do you have anything baby?" Tanong nito sakin. Umiling ako sakanya bilang tugon. Huminga ako ng malalim. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan sakanya ang sasabihin ko.
"Damon, paano kung sabihin ko sayo na I've been dreaming this past weeks about someone named Ciara Kara?" Sa wakas nasabi ko rin! Nakita ko si Damon na parang tinakasan ng dugo ng marinig ang pangalan na yun. Gusto kong malaman kung sino si Ciara Kara! At kung may kaugnay ba siya sa nakaraan ko?
Tumitig ako sa mata ni Damon habang inaantay ko ang sagot niya pero nilihis niya ang tingin sa akin. Bumuntong hinga siya ng malalim. "Do you really want to know your past Ciara? It's too complicated to know. I've been protecting you. I don't want you to hurt again." pagsusumamo nito sakin.
"I have the right to know my past Damon! It's been how many months since the accident! I feel like I'm someone who's alive but there still missing part of me! I just know a little about who I am. That I'm Ciara Hemmingfield, that I was married to you. Yun lang ang alam ko Damon!" asik ko dito. Lumalabo ang mata ko dahil sa patuloy tuloy na luha na umaalpas sa aking mga mata. Tumayo si Damon upang daluhan ako. Pinahid niya ang mga luha kong kanina pa nagsisipaglabasan. Iniwas ko ang mukha ko sakanya. Labis ang galit na nararamdaman ko dahil para bang may tinatago siya sakin.
"I'm sorry baby. Just what I've said, I'm just protecting you." Hinarap ko siya pagkatapos niyang sabihin yun. Umalis ako sa harapan niya dahil sa inis na nararamdaman. Protecting my ass. I can protect myself! Naramdaman kong sumunod ito sa akin at tinatawag ang pangalan ko. Inis kong hinarap ito at sumagot sa sinabi niya.
"Pwede ko naman malaman kung sino ako at mag-iingat ako kung ano man ang malaman ko. Sabihin mo nga sa akin Damon yung totoo. Isa ba akong magnanakaw dati kaya ganyan ka? Kaya mo ako itinatago?" Umiling siya.
"Eh ano? Miski Tv dito sa bahay wala tayo. O kaya radyo. Nung huling nakanuod ako ng Tv dahil sa balita ay bigla mo itong sinira. May dapat ba akong hindi malaman? Please Damon. Kulang na kulang ako. Ang hirap gumalaw sa pang araw-araw na may parte sa buhay mo na nawawala." Napatungo ako. At humakbang paalis sa harapan niya. Sobrang sakit na pinagdadamot niya yung bagay na kailangan ko malaman.
Bumuntong hininga si Damon."Do you really want to know who you are Ciara?" Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya yun. Parang bumara ang hangin sa dibdib ko nung marinig ko ang sinabi niya. Handa kana nga ba Ciara kung sino kaba talaga? Tanong ko sa isip ko.
Buong tapang ko siyang hinarap. "Matagal na akong handa malaman yun Damon." Biglang ngumiti ito sa akin pagkatapos kong sabihin yun. Lumapit ito sa akin nang hindi naalis ang mga ngiti niya na para bang nakakatuwa yung sinabi ko.
Tumigil ito sa harapan ko. Inirapan ko ito. Bigla niya akong hinila palapit sakanya at mabilis hinalikan ang aking mga labi. Lumaki ang mga mata ko sa labis na pagkakagulat sa ginawa niya. Bahagya siyang ngumiti sa akin pagkatapos niyang gawin yun sa akin.
Naramdaman kong namula ang aking mga pisngi dahil sa kahihiyan at dali daling tumalikod at umalis palayo sa harapan niya.Hindi pa niya ako tinigilan ng pahabol niyang sinabi sa akin na "You're still the same Ciara." Narinig ko pa ang tawa nito pagkatapos sabihin yun. Agad akong pumunta sa kwarto at dali daling sinarado ang pinto. Sumandal ako dito at sapo sapo ko ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina kung kaya't napahawak ako sa labi ko at mariing pumikit. Pero hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako. Kinikilig ako!
