Pagkatapos ng araw na yun ay hindi kami nagkaimikan ni Damon nung hapunan dahil nahihiya ako sakanya sa tuwing naiisip ko yung ginawa niya. Iniiwas ko na hindi ko siya matignan sa mata pero sa tuwing napapatingin ako dito ay nakangiti siya sa akin kaya agad kong binabalik ang tingin ko sa aking pagkain. Binilsan ko ang pagkain ko nung gabing iyon at saka inilagay ang aking pinagkainan sa lababo para hugasan iyon. Hindi ko na inantay na matapos pa si Damon dahil rin sa kagustuhan kong iwasan ito at makapag-isa ako.
Kasalukuyan akong nasa tabi ng dagat. Gustong gusto ko ang parte na ito dito sa probinsya. Nakakalma ang tunog ng dagat sa aking pandinig. Dahan dahan akong umupo sa mala-puting buhangin at nakatingin lang ako sa buwan.
I feel so calm.
Kailan ko kaya malalaman kung sino at ano ako? Kung sino yung mga malalapit sa puso ko? Kung may pamilya paba ako? Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko. Marahil gusto ko ng malaman ang kasagutan sa mga tanong na nasa isip ko.
Humiga ako sa buhangin at pinagmasdan ang mga bituin. Napangiti ako sa dami nito at gaano kakislap ang mga ito sa aking paningin. Napapikit ako nang maramdaman ko muli ang pagsakit ng ulo ko at nakakabinging tunog sa tenga ko.
"Nasaan ba tayo?"
"Just close your eyes Ciara. We're already near. Wag mong subukan na sumilip ha!"Wala ako makita dahil sa nakapiring ako. Patuloy ang paglalakad namin. Nararamdaman ko na bumabaon ang suot kong heels sa buhangin kung kaya't naisip ko na nasa isang beach kami. Mula din nang pagkadating namin dito ay naamoy ko na ang maalat na amoy nang dagat. Naramdaman ko nalang na bigla kaming huminto sa paglalakad. Siguro ay nandito na kami sa dapat puntahan.
"Thad! Tell me what's happening. And also take off what's on my eyes!"
"Chill! Heto na nga oh" i roll my eyes sa ilalim ng piring ko. Duh! Higit 2 oras din na nakapiring ako at medyo mahigpit pa ang pagkakalagay nito sa akin para daw na masiguro siya na hindi ako sisilip. Naramdaman ko ang pagtanggal ng piring ko sa aking mga mata.Sinasanay ko pa ang aking mga mata sa liwanag na nakapaligid sa amin.
Namangha ako ng nasa tabing dagat kami nakapwesto ni Thad. Nakita ko rin sa harapan namin na may telang nakalatag at napapaligiran ito ng mga kandila na nagsisilbing liwanag sa paligid namin. Mayroon ding pagkain na nakahain sa lapag na masasabi ko ay dinala ako dito ni Thad para kumain kami, sa ilalim ng buwan at bituin."Do you like it?" Tanong nito sa akin.
"No. I do love it. Thank you." sincere na pagkakasabi ko dito at ngumiti ako sakanya.Thaddeus Miguel Gonzales. Ang lalaking nasa harap ko at dinala ako papunta sa hinanda niyang dinner para sa aming dalawa. Siya ang lalaking nagpapasaya sa buhay ko. My first love. Since childhood when we met and here we are, a childhood bestfriend into a couple.
Matapos ang dinner ay kasalukuyan kaming nakahiga sa ilalim ng buwan. Nakahiga ako sa kanyang braso. Walang nagsasalita sa amin at maririnig mo lang ang pag-alon ng dagat.
"I wish we're still together until we get old" napatingin ako dito pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.
"Why you even thinking like that? Ofcourse we will." tumingin din siya sa akin at saka hinalikan ang aking noo.
"Yeah. I mean, what if kung may mangyaring hindi maganda sakin or sa atin?" Napatigil ako nang sabihin niya iyon. Ang himig ng boses niya ay parang namamaalam na siya.
Narinig ko ang pagtunog ng dila niya at binago ang aming usapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/188846741-288-k853895.jpg)