𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 2

102 7 0
                                    

C H A P T E R 2

𝓚𝔂𝓵𝓪 𝓜𝓪𝓮'𝓼 POV
Isang week na ang naka lipas at masasabi kong medyo nasasanay na ako. Ang klase namin ay 7am-12pm walang kain kase kaluluwa nalang kami. Ang tulog namin ay may oras lang, 4 hours lang daw kase kahit daw kaluluwa kami dapat may pahinga parin. Ang higaan namin ay hindi din normal dahil may kakayahan ito na patulugin kami kahit kahihiga lang namin, kaluluwa kase kami kaya hindi kami inaantok o kaya nakakaramdam ng pagod.

Sunday ngayon at wala kaming klase, Monday to Saturday lang para naman daw kahit papano ay makalabas kami ng hindi lang palagi sa room namin. Nasa library kami ngayon nina Samantha, kanya kanya kaming mundo, bawal kase mag usap lalo na ang librarian ay isang octopus, isang ingay kahit upuan yan, malalaman mo nalang may nakadikit na sayong galamay at itatapon ka sa labas, kaya walang bubong toh. Ang katawan ng librarian ay octopus pero ang ulong hanggang beywang ay tao, matanda na ang mukha. Kukunti ang tao rito dahil takot sa librarian, ang sakit daw kasi maitapon HAHAHAHAH.

Nakaramdam naman ako ng may nakatingin sa akin at lumingon lingon ako, nakita ko naman Ang lalaki sa di kalayuan na naka tingin sa akin o di kaya sa iba. Limingon ako sa likod ko, baka si Samantha. Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko.

Nang gumabi na ay saka kami bumalik sa dorm, pero may kakaiba akong nararamdaman kanina pa sa library na parang may nakatingin sa akin at hanggang ngayon nakatingin at sumunod sa amin. Nang makapasok kami sa dorm ay nawala na ang nararamdaman ko.

"Goodnight Everyone" sabi ni Samantha

"G'night" sabi ko

"Night" sabi ni Irene at Nica

"Goodnight"  sabi ni Katty at Trisha

Nahiga na ako at agad na nakatulog.

KINABUKASAN ay nagising ako agad at lumabas ng dorm, No need to change, I'm a soul remember. Pumunta ako sa rooftop kung saan palagi ako tumatambay kapag maaga ako nagising, which is araw araw. Nakaramdam nanaman akong may nakatingin at lumingon ako. Nakita ko ulit yung lalaki at nakasandal ito sa pader habang naka pamulsa, diretso ang tingin nito sa akin, agad akong umiwas. Ngayon alam kong ako ang tinitingnan nya at hindi si Samantha o sino man. Agad akong umalis at bumalik sa dorm, dun nalang ako tatambay. Ramdam kung naka sunod parin ito sa akin. Normal lang ang lakad ko para di ipahalata na kinakabahan akong masyado.

Nang makarating ako ay agad kong sinara ang pinto at umupo sa sa sofa. Napatingin naman sila sa akin at nagtataka sa kilos ko.

"Anyare sayo???" Tanong ni Samantha

"Ahmm...may sumusunod na lalaki sa akin" sabi ko

"Sino??" Tanong ni Trisha

"Hindi ko alam, pero una ko syang nakita sa library, nung una akala ko iba yung tini-tingnan nya pero ngayon sigurado na ako na ako yun, andun sya sa rooftop, ako lang ang andun kaya alam kung ako, tapos sinundan nya pa ako dito sa dorm natin" kinakabahang saad ko

"Oh my!! Baka anong gawin nun, mas maganda kung sumama ka sa amin palagi" sabi ni Irene

"For safety narin" sabi ni Katty

"Hindi natin alam baka isa yang devil na nangunguha ng kaluluwa, bali balita na ngayon na may nawawala na daw na kaluluwa, kagabi ko lang nalaman, pinag uusapan nila yun na apat daw na kaluluwa ang nakuha, yung mga kaluluwa na mag iisa lang, kaya dapat nasa crowded kayo palagi" sabi ni Nica

"Hindi ka kaya mapagkamalan kang nangunguha ng kaluluwa sa itsura mo?" Sabi ni Trisha at sinamaan sya ng tingin ni Nica.

"I may look like a devil to you but I swear my personality is like an angel, so please don't judge and didn't you see my last death, I was an Alpha" sabi ni Nica

𝕬𝖋𝖙𝖊𝖗 𝕯𝖊𝖆𝖙𝖍 𝕬𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon