𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 13

44 7 0
                                    

C H A P T E R 13

𝒦𝓎𝓁𝒶 ℳ𝒶ℯ'𝓈 𝗣𝗢𝗩

Maaga akong nagising ngayon at naisip kong tumambay sa rooftop, hindi ko na inabala na gisingin pa si Aimee dahil tatambay lang naman ako.

Nang makarating ako sa rooftop ay agad na umakyat papunta sa mataas na parte ng rooftop para umupo.

Habang nagmumuni ay nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid ko. Nanatili ako sa pwesto habang pinakiramdaman ang paligid. Ngunit may iba pa akong naramdaman, at mas malakas ang enerhiya ng isang toh kesa sa mga nakasagupa ko. Agad akong lumingon at nakita ang itim na babae na nakatutok ang palaso sa akin. Agad nya itong pinaka walan at agad akong tumalon sa kinauupuan ko. Natamaan nya ang edge ng palda ko kaya nagkaroon ito ng punit. Sunod sunod nya akong pina ulanan ng palaso at ang masasabi ko lang ay sharp shooter sya, kaya lang mas magaling ako sa kanya. Iniwasan ko ang mga palaso nya at ang iba ay kinukuha at tinatapon pabalik sa kanya.

Habang ginagawa ko ito ay nakita ang isa pang katulad nya. Kambal ba sila? Nakita ko itong naglabas ng espada at tinakbo ang pagitan namin habang ako ay abala sa pag iwas sa atake ng babaeng ito.

Inatake nya ako at ngayon espada at pana na ang iniwasan ko. Agad kong hinila ang kwentas ko at ginawa itong espada. Pinindot ko ang bungo sa espada ko at agad na nagpalit ng anyo. Ngunit di sila natinag, inatake parin nila akong dalawa at halatang magagaling at sanay na sa laban ang dalawa, hindi ko mapasok ang kanilang isipan at makita ang kanilang nakaraan dahil sa bilis ng kilos ng dalawa, para silang hangin. Pero di nila alam na sinanay na ako bata palang at mas matanda pa ako sa kanila, ilang taon na akong nakikipag laban at hindi ito ang unang beses na nakilag laban ako sa ganito kagaling na evil spirit.

Nang makakuha ako ng tyempo ay inatake ko sa ulo sana ang kalaban ko na may espada ngunit nagtaka ako ng may itim na barrier ang humarang sa espada ko. Nakita ko ang pag ngisi nito at aatakihin sana ako ng maka iwas ako ngunit ang palaso ng isa pang kalaban ko ay hindi ko na iwasan kaya, natamaan ako sa binti at sa dibdib ko, natumba ako at tumilapon ang espada ko. Sa-saksakin sana ako ng isa ng bigla nalang silang naglaho. Narinig ko ang boses ni Aimee na palapit ngunit bigla akong nawalan ng malay.

Aimee's POV

Nagising ako sa masamang pakiramdam na naramdaman ko kaya agad akong bumangon, ngunit paalis na sana ako ng may humila sa akin sa braso.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Irene na syang humila sa akin.

"Si Kyla, nasa panganib" sabi ko at agad na tumakbo, narinig ko ang pagtawag nila ngunit di ko pinansin, kailangan ako ni Kyla. Bigla akong napahinto nang maalala ko na nakaka teleport pala ako.

Mag teteleport na sana ako nang bigla sumulpot sina Samantha.

"Sasama kami" sabi ni Samantha kaya agad ko silang hinawakan, dalawa lang naman silang gising, si Trisha at Katty ay tulog pa.

Agad kaming nakarating sa rooftop at nakita ko si Kyla na naka handusay sa sahig.

"Mistress!!" tawag ko at nilapitan ko sya.

"Ang Guardian of Peace" sabi ni  Samantha

"Kaya nga, Nasaan si Kyla?" tanong ni Irene

𝕬𝖋𝖙𝖊𝖗 𝕯𝖊𝖆𝖙𝖍 𝕬𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon