C H A P T E R 19
𝓚𝔂𝓵𝓪 𝓜𝓪𝓮'𝓼 Pᴏᴠ
Maaga akong nagising at agad na umalis, baka pigilan pa ako ni Adriel, hindi pa ako maka alis. Agad akong nakaratint sa portal at sumakay papuntang Mundo ng mga tao. Nang makarating ako sa Inn ay agad akong sinalubong ng ilan sa mga tauhan ni Tiffany atsaka syempre sya rin. Maayos na sya kesa noong huli ko syang nakita at ngayon na maayos na sya ay lumabas na ang natatagong ganda nya.
"Mukang maayos ka na" saad ko at inirapan nya lang ako
"Maayos?? Sa panlabas!! Maayos ang damit ko, buhok ko, katawan ko at lahat, pero ako? Yung sarili ko? Maayos ba? Hindi!! Nakatali lang naman ako sa walang kwentang hotel na toh" galit na saad nya
"Yan yung sinasabi ko sayo eh, pagbabayaran mo lahat ng kasalanan na ginawa mo, at ito na yun" nakangiting saad ko
"Hanggang kailan naman ako dito?" Tanong nya
"Hindi ba sinabing--- ayy Oo nga pala, pati pala ang mga tauhan sa Inn ay napalitan kaya wala silang alam sa dating namamahala, so? Ganito yan? Yung dating namamahala nito ay katulad mo din, makasalan--"
"Alam ko!!" Naiiritang saad nya
"Okay okay, yung dating namamahala ay tumagal dyan ng mga 30,000 years" sabi ko
"WHATTT?? Ganun katagal?" Gulat na saad nya
"Yupp, pero base na rin yun sa bathala kung hanggang kailan ka, maninirahan dito" saad ko
"Tsk"
"So? Kailangan mo daw ng tulong ko dahil madaming evil spirit dito" saad ko
"Oo, sobrang dami at ang iba nagiging evil spirit na" walang gana na saad nya
"Then, let's get started" sabi ko at nauna na maglakad.
Nang makarating kami sa loob ay agad kong tinanong kong nasaan ang evil Spirit at binigyan naman nila ako ng listahan ng lahat ng meron na evil spirit.
Agad akong nagsimula at pinasok lahat ng kwarto. Inabot ako ng isang linggo sa pagpuksa sa kanila. Sa sobrang dami ba naman nang nakalagay sa bawat kwarto. Pero hindi pa rin ako umalis dahil kailangan nya ang tulong ko kahit mataray sya at palaban , alam kong Kailangan nya nang tulong. Nang makarating ako sa office nya ay nakita ko sya na nakatingin sa bintana.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tiffany
"Gusto ko lang na makita kong okay ka lang" sabi ko at umupo sa sofa at nagsalin nang wine
"Parang sayo tong hotel noh?" Mataray na saad nya
"Ganyan ka ba mag pasalamat?" Saad ko at ininom ang wine
"At bakit naman ako mag papasalamat? Ikaw ang dahilan kong bakit ako narito!" Galit na saad nya
"Nope! You're wrong! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ka narito!! Not my fault kung pumatay ka, kung nagnakaw, kung nanloloko ka, bakit inutusan ba kita? Hindi naman ah!! Kaya wag mong isisi sa akin ang mga bagay na ikaw mismo ang gumawa, kung may sisihin ka man, sarili mo yun, ikaw ang nagdala sa sarili mo rito, Ako lang ang naging way para mapunta ka rito" saad ko at bigla nalang sya naupo sa sahig at nagsimulang humagolgol. Agad akong lumapit at tiningnan sya.
"Tama ka, ako ang may kasalanan, buhay ko toh, ako ang gumawa ng lahat, pero kahit ganun, nag sisi ako bawat araw na nabubuhay ako, hindi ko gusto na gawin ang mga yun, kailangan ko lang talaga, dala ng hirap sa buhay, wala akong mahanap na trabaho, hindi ako nakapag aral dahil ang mga magulang ko puro sugal, puro bisyo, tapos ang tatay ko, lasinggero at palagi nalang kaming sinasaktan, kailangan kung kumapit sa patalim para lang mabuhay, kahit gusto kong bagohin ang buhay ko, hindi ko naman alam kung paano" umiiyak nyang saad at agad ko syang niyakap.
"Alam ko, pero hindi naman talaga ito Ang parusa mo, itong Inn, or I mean is Hotel ay isang way para bagohin mo ang sarili mo, sa pamamagitan ng pag aayos ng hotel, at sa pag aalaga ng bawat kaluluwa na papasok rito, ang trabaho mo ay pasayahin sila bago sila pumunta sa langit, at dapat lahat ng kaluluwa ay makapunta sa langit, wag mong hayaan na mapunta sila sa Impyerno, wag mong hayaan na gumawa sila ng masama, may kapangyarihan ka para ayusin ang buhay nila at ibigay ang gusto nila bago sila kunin, pwede mo din bagohin ang sarili mo, at ang buhay mo, andito sa hotel lahat ng kailangan mo, pwede kang lumabas, pero hindi mo matatakasan ang hotel" saad ko
"Eh ikaw?" Umiiyak na tanong nya
"Isa akong guardian, isinilang ako para gawing payapa ang Shangri-la, isang parte ng langit na andun lahat ng namatay na tao, na ang ginawa lang ay maging mabuti, bata palang ako ay alam ko na, ito ang buhay ko, wala akong ibang dapat gawin kundi ang panatilihin na maayos ang Shangri-la" saad ko
"Mas masaklap pa pala sa inyo" saad nya
"Hindi naman, halika na, magpahinga ka muna" sabi ko at tinulungan ko syang tumayo at hinatid sya sa kwarto nya.
_____________________________
Isang linggo na ang nakaraan at tinulungan ko si Tiffany na maayos ang Hotel. Tinuro ko lahat ng dapat na gawin nya. Agad naman akong umuwi dahil alam kong na namimiss na ako ni Adriel.
Nang makarating ako ay agad akong pumunta sa mansion, pero wala si Adriel. Mukang nasa Akademya sya. Kaya naman ginawa ko muna ang trabaho ko ang pumuksa ng evil spirit.
Maaga akong natapos at agad na umuwi. Nang makarating ako sa mansion ay papasok palang ako ay biglang may humila sa akin at tinapon ako sa kama.
"Adriel!!" Sigaw ko at dinaganan nya naman ako
"Kyla naman!! Namiss kitang masyado at sabi mo babawi ka" sabi nya
"Yah yah yah, alam ko" sabi ko at agad naman syang ngumiti.
════════ ✥.❖.✥ ═══════
𝕿𝖍𝖊 𝕰𝖓𝖉
════════ ✥.❖.✥ ═══════
BINABASA MO ANG
𝕬𝖋𝖙𝖊𝖗 𝕯𝖊𝖆𝖙𝖍 𝕬𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 [COMPLETED]
FantasyISANG AKSIDENTE Na pagsisimulan ng isang pangyayari. Paano kung ang hinahangaan nilang BN7 (Blue Navy 7) ay masangkot sa isang AKSIDENTE at ang hinahangaan nilang SWEET FANTASY dahil sa isang babaeng nangangalang KYLA MAE na simpleng estudyante at...