𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 15

44 6 0
                                    

C H A P T E R 15

𝓚𝔂𝓵𝓪 𝓜𝓪𝓮'𝓼 Pᴏᴠ

Dalawang linggo na ang naka lipas at Divine Festival Ngayon. Maraming pupunta na Divine at mangunguha sila ng mga kaluluwa na aalagaan. May mga Plant divine na kinukuha ang mga plant spirit, May Ocean Divine kung saan mga sea animals naman ang kinukuha nila, May Forest animal at syempre mga animals naman sa Forest ang kinukuha. Walang pasok ngayon dahil sa mga divine na parating. Kaya naman ang Akademya ay mababawasan ng mga ilan na estudyante at matitira ang mga tao. Ang mga Plant spirit ay mga tao din dati, kaya lang sila yung mga pinipili ang easy way at mga makasalanan at Easy way lang ang pwede para sa kanila. Marami pang klase ng divine, katulad ni Aimee, Protector Divine. Kapag Divine Festival, walang mga execrate dahil takot sila sa mga Divine dahil alam nilang talo sila, at ang mga evil spirit ay nagtatago na dahil kapag nakita sila ng divine ay mawawala na sila sa mundo. Dapat kasama ko si Aimee dahil divine ko sya pero pinasama ko nalang kay Zach dahil Monday ngayon, busy naman ngayon si Adriel kaya di ko sya pwede istorbohin. Naka tambay lang ako sa rooftop at pinapanood ang mga tao sa baba. Hanggang sa bigla nalang dumating ang isang Divine.

"Nag iisa ka ata Guardian Kyla" sabi nito

"Busy lahat eh" saad ko

"Ganun ba? May gusto ka bang hilingin?" Saad nito, isa lang ang gusto ko

"Maging isang guardian ulit, yun lang" sabi ko at ngumiti

"Panigurado ako na matutupad ang hiling mo, Guardian Kyla" sabi nya

"Alam ko, gagawa ng paraan si Bathala" sabi ko at ngumiti sya sa akin at biglang naglaho

Alam ko na matutupad ang hiling ko dahil isa syang Wishing Divine ngunit mga good wishes lang ang tinutupad nya. Kapag masama ay hindi nya tinutupad kaya nagagalit ang iba sa kanila at kunukolong sila. Madami ang humuhuli sa kanila para lang matupad ang hiling nila. Kaya nakaka awa ang mga katulad nila. Lalo na at madali silang mamatay kapag dalawang araw silang hindi nakapag tupad ng good wish ay mamatay na sila. Kapag Bad wishes ang tinupad nila ay agad silang mapaparusahan kaya ayaw nilang tumupad ny mga bad wishes. Kaya lang may mga kinukuha talaga sila para lang sa makasariling hiling nila.

Agad naman akong nabored at naisipan na pumunta kay Yuna. Nagteleport ako papunta sa kanya at nakita syang maraming papel sa office nya. Agad ko syang nilapitan at bigla naman syang sumigaw.

"AYY KABAYONG MABILIS" Sabi nya at agad ko syang nilingon, masama ang tingin sa akin

"Kyla naman, kung andyan ka mag sabi ka, aatakihin ako sa puso sayo" saad nya at napatawa ako

"Sige tawanan mo pa ako, ano ba ginagawa mo dito?" Tanong nya

"Wala, tatambay lang sana" sabi ko

"Hayy naku, hindi pwede dito, andami kong gagawin" sabi nya

"Ano ba kase yan?" Saad ko

"Edi ano pa, mga kahilingan nang mga spirit" sagot nya

"Andami naman" sabi ko habang binubuklat ang mga ito

"Paano hindi rarami yan eh divine festival ngayon, gusto nila magbigay ng handog sa mga divine" saad nya

"Ahh.. ok" sabi ko

"Alam mo, pumunta ka nalang kay Janneth, panigurado wala yun ginagawa ngayon, dahil sa araw ng Divine Festival, Eclipse naman sa Kabilang buhay at ang busy ay sina Charlotte, wala syang gagawin kaya, dun ka nalang" frustrated na saad nya

"Okay okay, easy, stress ka nang masyado" sabi ko at umalis na.

Janneth-Me

What?-Janneth

May ginagawa ka?--Me

Wala, why??--Janneth

Punta ako sayo, mga busy tao dito eh, may ginagawa ka ba?-Me

Wala, sige punta ka dito, para naman may kausap ako-Janneth

Agad akong pumunta sa portal at sumakay ng limuosine. Pagkadating ko sa Inn ay agad akong umalis at nang paalis na ako ay bigla syang sumulpot nagulat naman ako.

"Ayy kabayo" gulat na saad ko at tumawa naman sya

"Andito ka agad" saad ko

"Yahh, excited lang akong masyado, wala na kaseng bumibisita sa akin, except kay Falcon" sabi nya at napangiti ako

"So? Anong gusto mong gawin?" Tanong nya

"Ewan ko, ikaw bahala" sabi ko at agad naman syang ngumiti.

Natapos ang araw at agad akong umuwi, nakarating ako agad sa dorm at agad na nagpahinga.

════════ ✥.❖.✥ ═══════
T O B E C O N T I N U E
════════ ✥.❖.✥ ═══════

𝑺𝒐𝒓𝒓𝒚 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒉𝒐𝒓𝒕 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓

𝕬𝖋𝖙𝖊𝖗 𝕯𝖊𝖆𝖙𝖍 𝕬𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon