Chapter 1

3.3K 83 1
                                    

Five years later....

"Hoy babae alam mo naba yung chismax" Nilingon ko si Jane. Ang kasama ko dito sa Private Island kung saan ako nagtatrabaho. Tagalinis kami ng mga magagarang bahay dito sa isla.May mga sampung malalaki at modern houses ang isla. Last year yun sinimulan ipatay, yun daw ang gusto ng bibili ng isla kaya imbes na caretaker ng clubhouse nalipat ang trabaho namin bilang tagalinis ng mga bahay.

After I left school, dito na ako nagtrabaho. For 5 years, wala namang naging problema.Nung una ay iyak lang ako ng iyak dahil hindi ako sanay kalaunan ay nakasanayan ko ng mamuhay na malayo sa mga taong mahal ko. I didn't keep my promise to mama and papa na I'll get in touch pero sa huling email ko ay ipinaliwanag ko naman at alam kong naiintindihan nila ako.

Sa loob ng ilang taong paglayo ko si Lawrence ang naging kasangga ko kahit thru email lang ay nacocomfort ako ng babaita na iyon. Hindi niya alam kung saang lupalop ako ng Pilipinas nakalagay ngayon. Sa kanya din ako nakakabalita ng mga bagay-bagay tungkol sa bff ko. Maliban kay Cassy ay wala na syang binabanggit na iba marahil ay alam nya na hanggang ngayon ay masakit pa rin ang nangyari sakin, Bitter na kung bitter pero hindi madaling kalimutan na pinagpustahan ka ng taong minahal mo. 

Nabalitaan ko rin na kinasal na ang bff ko, hindi ko napigilang maluha dahil sa tuwa. Sa wakas ay nauntog na ang babaeng yun at nagpakasal na kay Ram. Kahit papano ay masaya na rin ako na hindi ko nalang sinabi ang nangyari kay Cassy.

Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita na naman si Jane." Hoy nakikinig kaba?"

"Yeah.You were saying?"napakunot naman ng noo si Jane dahil sa pag-english ko. Hindi ko din kasi mapigilan minsan dahil nakasanayan na.

"Hay naku,dyan na naman sya. anyways highways,Nailipat na daw sa new owners yung pangalan nitong isla!"

"owners?"wala kasi kaming alam kung sino ang nakabili.

"Oo, marami sila. Ang balita ni Manong Gerry anim na magkakaibigan daw na taga maynila. Naghahanap daw ng pribadong lugar kaya sila yung bumili nito last year."

"Ah ganun ba?"

"oo, at balita ko puro gwapo daw friend. Pero yung isa daw kinasal na eh. Ok lang atleast may lima pang naiwan diba."

"Ewan ko sayo. Lalaki na naman ang nasa isip mo." binatukan ko nalang si Jane.

Mayamaya pumasok si Manang Teresa at pinalabas na kami.Kailangan na daw namin linisin ang mga bahay as in general cleaning dahil dadating na daw sa susunod na linggo ang mga may-ari.

...

Dumating ang araw na pinakahihintay ni Jane - tama sya lang ang naghihintay na dumating ang araw nato dahil excited syang makita ang mga gwapong may-ari ng isla. Wala naman akong pakialam dun, masaya na ako na hindi kami pinalitan at dinagdagan pa ang mga sweldo namin kahit na hindi na rin naman ako magtatagal sa lugar na iyon.

Nakahilera kami sa harap ng clubhouse at hinihintay ang mga "PANAUHIN" sa kanilang pagdating. Nagulat ako ng makita si Jane na parang kiti-kiti na tumakbo sa amin. Kanina katabi ko lang to ah san na naman kaya galing to.

"Andyan na sila!!! Bumaba na ng yate!" excited na sabi nito.

"Hoy Jane, manahimik ka jan kung gusto mong manatili sa trabaho" saway ko sa babaeng kiti-kiti. 

"Agatha, Naku nakalimutan ko yung mga bulaklak sa likuran pwede mo bang kunin. Tumakbo kana baka makarating na sila." utos ni Manang Teresa. Agad akong tumalima at nagtatakbo sa likuran ng makuha ko ang mga iyon ay tumakbo na ako pabalik sa clubhouse.

Hingal na hingal ako ng makarating buti nalang wala pa ang mga amo namin. Hinapo naman ni Jane ang likod ko. Susme, aatakihin pa yata ako ng hika ko. Tumalikod ako upang kahit papano ay itago ang mukha ko sa mga papalapit na amo. Kinalabit naman ako ni Jane tiningnan ko siya, straight lang yung tingin niya sa unahan niya kaya sumunod ako.

My sister's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon