Samantala, magkasama sila Ram at Grey sa isang restaurant, Iniya nya ang bayaw upang ilabas ang sama ng loob sa pagtanggi ni Agatha. HIndi niya sukat akalain na kahit na may anak na sila at mahal niya ito ay tatanggi pa rin ang dalaga na magpakasal sa kanya.
"Ang hindi ko matanggap eh yung nagpahanap pa talaga siya ng mapapangasawa sa mga magulang niya. Malakas na sampal sakin iyon Ram.."
"Because you are a fool Grey. Sinaktan mo siya noon at matinding trauma ang nakuha ni Agatha. Sino ba naman ang hindi, she was young and fragile, she's in love with you at nalaman niya pa ang ginawa nating pustahan at hindi lang iyon, you got her pregnant, man"
"Kung sinabi niya noon sakin ang kalagayan niya at hindi umalis pakakasalan ko siya agad."
"Come on Grey, you think papayag syang pakasal sayo just because you got her pregnant? Iyon nga ang dahilan kung bakit sya umalis diba?"
"Hindi ko siya pakakasalan dahil nabuntis ko siya Ram, I love her, mahal ko siya noon pa ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi niya makita iyon. Lalo na ngayon, sala sa pula at sala sa lamig, minsan mabait minsan masungit. Hindi ko alam kung saan ako lulugar kaya pinili ko nalang na pabayaan muna siya." Napangisi si Ram dahil parang batang nagmamaktol si Grey sa kanya.
"Sinabi mo ba na mahal mo Siya?Ganyan talaga ang mga babae. Gusto mong mag-asawa then get used to it."
"I dont know what to do. Hindi ko siya maintindihan para siyang naglilihi kung makapagmood-swing siya,.." Then it caught him, maging si Ram ay nakuha ang atensyon sa huling mga sinabi niya. Could it be?
He noticed lately na palagi lamang tulog si Agatha kung gising man ay palaging natanod sa kusina. Lagi niya itong nakikita sa iba't-ibang parte ng bahay na palaging natutulog na tila ba hapong-hapo. Minsan pa ay pinanggigilan nito ang mukha niya o kung hindi naman ay kay Brandon.
"I need to go now." Mabilis siyang tumayo at lumabas upang hanapin ang sasakyan niya. Pagkasakay ay agad niyang tinawagan si Agatha pero hindi ito sumagot kaya ang kapatid niya nalang.
"Where is Agatha?" Napalakas ang pagkakasabi niya dahil kinakabahan talaga siya.
"Stop shouting at me! We are here at Lawrence's place, bakit ba?" Hindi niya na sinagot ang kapatid at nagmamadaling nagmaneho patungo sa sibdivision nila Lawrence. Buti nalang at hindi iyon ganoon kalayo sa restaurant nila.
Halos mabangga ang kotse niya sa gate ng bahay ni Lawrence agad siyang tumakbo sa loob at naabutan ang tatlo na nagtatawanan habang si Agatha, as usual ay nakahilata at nakaunan sa mga binti ni Lawrence.Kamuntik na niyang ibalya ang lalaki sa nakita kung hindi lamang malapit roon si Agatha ay baka ginawa niya na iyon.
"Love.." Pinilit niya magpakalumanay upang huwag atakihin ng topak si Agatha ngayon. May nais pa siyang gawin kaya kailangan mapasunod niya ito sa kanya. Lumingon ito sa kanya at mukhang nagulat sa presensya niya
"Bakit nandito ka?" instead of answering lumapit lang siya at saka binuhat ito palayo sa makasalang binti ni Lawrence na ngayon ay pinagpaplanuhan niya ng putulin.
"Let's go home love." saka niya kinintilan ng halik sa mga labi. Napasinghap ang dalawang tao maliban sa kanila.
"Kuya, ako na ang maghahatid kay Agatha, Susundiin na rin naman namin si Brandon ngayon."
"No Althea. Ikaw nalang ang sumundo sa anak ko and please bring him home. I need to have some time with my love." Natigalgal si Agatha kaya hindi na siya nakapagsalita at hinayaan nalang si Grey na bitbitin siya palabas.
"Grey, saan ba tayo? This is not the way home" she asked ng mapansing iba ang daan na tinatahak ni Grey.
"You will know love, for now huwag ka munang malikot dyan baka mapaano ka." Hindi na sumagot si Agatha. Bagsak panga ito ng makita kung saan siya dinala ni Grey.
BINABASA MO ANG
My sister's Bestfriend
RomanceGrey and Agatha's story. Ang big brother at BFF ni Cassy. He is my first love. He is my first kiss. He is my first everything. Minahal ko siya pero sinaktan niya ako,niloko at ginamit. Umalis ako,lumayo at nagtago. Nagalit ang lahat sa akin, gu...