Chapter 5

3K 86 1
                                    

"BFF akala ko ba secretary mo ako? Eh bakit parang patabaing baboy lang naman ako dito?" Nagmamaktol na reklamo ko kay Cassy. Paano ba naman simula ng nagtrabaho ako kaninang umaga ay wala naman akong ginagawa. Kung hindi makipagchismisan sa bff ko ay kinakaladkad niya ako kung saan-saang department para daw makilala ko na ang mga tauhan ng kuya niya.

Hello? Ano namang pakialam ko sa empleyado nila. I'm here to earn at hindi para kumilatis ng mga tao dito.

"Yeah. You're my secretary kaya nga palagi kang susunod sakin dahil kapag hindi ililipat kita dun sa taas." tukoy ni Cassy opisina ng kuya nito. Agad naman akong kinabahan, susme! Hindi ako papayag na magkalapit pa kami ng mokong na iyon.

"Bahala ka nga." Saka iniwan ko mag-isa ang babaitang iyon. Nang makalabas ako ay sinalubong naman ako ng iba kong mga katrabaho. Mababait sila at maganda at gwapo din. Nagpakilala isa-isa kung kaya natuwa naman ako. Bigla nalang may humila sa kamay ko. Nilingon ko sya

"Hi Agatha. My name is Paul." Hindi pa nakuntento at hinalikan pa ang kamay ko. Hmm! Palekero!

"Hi Paul. Nice meeting you." Nginitian ko sya. Para namang nabaliw ang lalaki ng makita ang ngiti ko. Oo, secret weapon ko kasi ang ngiti ko. Effective yan sa mga taong galit lalo na kay...huwag nalang natin syang isali sa usapan.

"Alam mo bang napakaganda ng ngiti mo? May boyfriend kana ba? Asawa?Anak?" Sunod-sunod na tanong ni Paul na ngayon ay umakbay pa sakin. Bigla nalang tumahimik ang palagid kaya napatingin ako sa mga tao. Doon ko nakita ang galit na mukha ni Grey na nakatingin sakin, particularly sa mga kamay ni Paul na nakaakbay sakin.

Dahil sa naiinis ako sa kanya at gusto kong ipamukha sa kanya na hindi sya importante sakin kaya sinagot ko ang tanong ni Paul.

"Never had one Paul. NBSB ako eh." At nakipagtitigan kay Grey na ngayon at mukha ng leon na handang sumakmal.

Kahit sa bangungot hinding hindi ko ipapakita sayo na nasasaktan ako Grey. Kahit pride nalang, yun nalang ang naiwan sakin. 

"Agatha! To my office now!" Halos napalundag ang mga tao dito sa pagsigaw na iyon ni Grey. Nagpa-install ba sya ng megaphone sa lalamunan, bakit napakalakas naman ng boses ng halimaw na yun.

"Agatha sunod na dali. Baka magalit pa yun." Sabi ni Cherry ng mapansin niyang nakatayo parin ako at hindi sumunod sa halimaw na boss nila-- namin pala.

Agad naman akong tumalima dahil baka bumalik pa yun at kaladkarin ako. Ano na naman ang problema nun? Nang makarating ako sa floor niya ay agad kung nilapitan ang secretary nya na si Peter. Pinakilala sya sakin ni Cassy kanina.

"Pete, Nandyan boss mo?" ngumiti ulit ako sa kanya. Laglag panga naman si Peter saka sumagot.

"Oo Miss beautiful. Pasok kana." Papasok na sana ako ng biglang magsalita si Peter, "Agatha, sabay na tayo magdinner total malapit na mag-out." sasagot sana ako kaso umepal na naman tong si Grey. Naka-on na naman siguro ang megaphone niya dahil halos mabingi ako ng sumigaw siya.

"What are you doing there?! Ayoko sa lahat eh yung pinaghihintay ako!" Inirapan ko naman sya at hinarap ulit si Peter. Sinenyasan lang ako nito na pumasok na kaya yun ang ginawa ko.

Nang makapasok ako ay humarap sakin ang galit na galit na mukha ni Grey.

"So was it fun?"tanong ni Grey na nagsmirk pa. Ang gwapo nya kaya pinigilan ko ang sarili ko na kuhaan sya ng selfie.

"Fun?" tanong ko

"Flirting with my employees."

Ano raw? Flirting? Nag-init ang mukha ko sa sinabi nya, iniinsulto niya na naman ako. Pero hindi ako papatalo sa kanya.

"Ah yun ba? Yeah. Way much better than flirting with you." nagsmirk din ako.

Nakita kong namula ang mukha niya halatang natamaan ang ego ng lalaki nato pero kulang pa yan sa lahat ng pasakit na inabot ko sa kanya. Tumayo ito at hinawakan ang magkabilang braso ko. Grabe tong lalaki nato hindi niya ba feel na baka mabali nya yung katawan ko sa higpit ng hawak niya.

"I don't need a flirt employee here." Gigil na sabi nya. Sige aasarin pa kita ayaw mo akong bitawan ha!

"I think they dont need a flirt boss too." nagsukatan kami ng tingin.

"I'm the owner of this company you pay me some respect! Pwede kitang patalsikin dito ngayon mismo kung gugustuhin ko." Galit parin na sabi ni Grey sakin. Huwag nya nga akong matakot-takot.

"Eh di patalsikin mo. Sa tingin mo ito lang pwede kong pasukan na trabaho? FYI Mr. Sarmiento hindi ako pumasok dito para sayo. I'm doing this for your sister kaya pwede ba tigilan mo ko sa pananakot mo." Nasa ganun kaming sitwasyon ng humahangos na pumasok si Cassy kasunod si Lawrence. Halata ang pagkabahala sa mukha nila.

Nang makita ni Cassy ang mahigpit ang pagkakahawak ng kuya niya sakin agad niya pinitpit ang mga iyon bumitaw naman si Grey at saka ako nakahinga ng normal.

"Are you okay bff?" chineck up pa ako ni Cassy. 

"Yes. Huwag kang mag-alala hindi naman ako sinaktan "physically" ng kapatid mo." Pinatay nya lang ang puso ko. Gusto ko sanang sabihin iyon pero pinili ko nalang na manahimik.

Bigla namang may hitad na sumulpot kung saan at lumapit kay Grey at saka hinalikan ito sa mga labi. Parang piniga ang puso ko ng makitang tumugon naman ang lalaki sa mga halik nito. BWISIT!!!!

"Babe! Sinundo na kita sabay na tayo pumunta sa condo ko." malanding sabi ng babaeng hitad. At ang Grey mas lalo pang lumapit at hinalikhalikan ang babae. Kadiri lang talaga ha!

"Thanks babe. Let's go?" Mukha namang nakajackpot yung pagmumukha nung babae! Naaawa ako sa kanya kaya bibigyan ko sya ng friendly advice.

"Miss, ingat ka baka masaktan ka lang niyan. Minsan kailangan gamitin ang utak bago puso." Tumingin sakin lahat lalo na si Grey. Pagtataka ang bumakas sa mukha niya, bahala syang mabaliw wala akong pakialam kung anong iniisip niya.

"Let's go home Agatha. It's getting late." Putol ni Lawrence sa pagtitigan namin ng masama ni Grey. " Cassy, uuwi na kami ni Agatha." Hinila nako ni Lawrence palabas kasunod si Cassy.

"Isa lang yun sa mga babae ni kuya. Huwag kang mag-isip ng masama" Tinaasan ko naman ng kilay si Cassy. Anong akala niya affected ako? Hindi nga ba? Hindi nalang ako sumagot at tumuloy sa opisina ni Cassy para kunin ang gamit ko.

My sister's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon