Nanghahapdi na ang mga mata ko marahil siguro sa magdamag na pag-iyak. Sa loob ng limang taon parang nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay nagawang kong ilabas ang sakit na matagal kong iningatan sa puso ko. Pagtingin ko sa oras ay alas-sais pa ng umaga. Kinalabit ko ang tulog na tulog na si Cassy sa tabi ko. Nagising naman ito agad.
"Uy bakit ka nandito?" Pukaw ko sa kanya.
"Bakit masama ba? Nung ikaw nga tumabi sakin hindi kita tinaboy.."
"Don't tell me nag-away kayo ng asawa mo." Hindi ito makatingin saakin. Yumakap ito at saka marahang umiyak.
"I'm sorry bff.. sa ginawa ng asawa ko at sa ginawa ng kapatid ko." Nahabag ako dahil nararamdaman ko na nasasaktan ang kaibigan ko.
"It's Ok Cassy. Wala kang kasalanan." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya
"Inaway ko sila kagabi bff kahit papano na iganti na kita." Proud na sabi nito. Natawa naman siya dahil mukhang batang nanalo sa slot machine ang mukha ni Cassy ngayon.
"Baliw. Hindi ako nagtiis ng limang taon para lang sa ganito Cassy. I want you to be happy."
"Pero sinaktan ka nila Agatha.Paano ako makakatulog ng mahimbing kung alam kong ang mga taong mahal ko ang dahilan ng kasawian mo sa buhay?"
"Bff hindi porke malungkot ako dapat ay malungkot ka rin. I will forgive them soon, dahil ako rin naman, sa buhay ko nakagawa ako ng hindi tama. Siguro kung ibang tao ang gumawa ay mapapatawad ko agad Cassy pero iba si Grey. He is my first love at sa kanya ko nakita ang happy ending ng buhay ko pero I assumed wrong."
"Hindi ako papayag na lumapit pa sya sayo bff." Hindi na ako nakasagot kay Cassy dahil pumasok na si Renz sa kwarto at halatang namumutla.
"Agatha, may naghahanap sayo sa baba." Kinakabahang sabi nito. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may magaganap na hindi ko inaasahan ngayon.
Magkahawak kamay kaming bumaba ni Cassy at Lawrence pero dahil siguro ay maaga pa kaya hindi ko nakita ni anino ng mga lalaking kasama namin. Kinabahan ako ng makita ang dalawang tao na hindi ko inaasahang makikita ko mismo sa bahay na ito.
"Mama, Papa..." Tanging sambit ko. Lumapit si mama at niyakap ako.
"Anak. buti nalang at ayos ka natakot ako dahil hindi kita macontact ng makabalik kami ng papa mo sa Pilipinas sabi sa Isla ay umalis ka kasama sila Cassy kaya agad naming kinausap ang mag-asawang Sarmiento at sinamahan kami dito."
Parang sasabog ang utak ko ng mapag-alamang magkasama sila mama at ang mga Sarmiento. Ibig bang sabihin?
Sa di kalayuan ay nakita ko ang mama ni Cassy na palapit sa amin. Humigpit ang pagkakayakap ko kay mama.
"Mama.." bulong ko sa kanya. Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin kaya kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at saka hinalikan ako sa pisngi.
"I think it's about time.." sabi niya saka ngumiti. Tiningnan ko din si papa at ngumiti din siya.
Agad kong nilibot ang aking mata upang makita ang kanina ko pa gustong makita hanggang sa may makita akong pigura ng isang anghel. Agad akong napangiti ngunit nabawi iyon ng makita ko ang imahe ni Grey kasabay ang apat nitong kaibigan na pababa ng hagdanan.
Agad nagpalipat-lipat ang mata ko sa lalaking tumatakbo palapit sakin at sa lalaking nakakunot ang noo habang nakamasid sa amin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko nawala lahat ng dugo ko sa katawan. Tiningnan ko si Cassy na halatang naguguluhan maging si Lawrence ay pinili nalang ang umiwas ng tingin.
"Mommy!mommy!" Doon bumalik ang isip ko ng mabilis na yumakap sakin ang isang batang lalaki. Ang anghel ng buhay ko, ang naging dahilan upang bumangon ako sa pagkakadapa at tumulong sa akin na maging masaya muli. Agad ko itong kinarga at saka pinopog na halik.
"I missed you baby boy.." tawa naman ito ng tawa dahil sa mga halik ko na tila ba nakikiliti.
"I missed you mommy." Sabi ni Brandon -ang anak ko. Sabay halik sa akin. Napangiti naman ako likas sa anak ko ang pagiging sweet, marahil sa ama nya iyon nakuha. Dinala ito ni mama sa France last month ayoko mang malayo sa anak ko pero hindi ko ipagkakait sa kanya ang makapamasyal sa ibang bansa kaya pumayag narin ako dahil sa pakiusap ng mga magulang ko. Sabik sila sa apo dahil ang kapatid ko sa France ay kalahi ni Lawrence kaya wala na silang maaasahan doon.
"Did you do well anak? Baka pinasakit mo ang ulo ni granny at grappy?" Agad nito hinilig ang ulo sa dibdib ko.
"Yes mommy.I miss you that's why we are here to fetch you mommy." Pinilit kong huwag maiyak sa sinabi ng anak. Lumaking mabait na bata ang anak ko, matalino ito, gwapo, sweet at charming. Lahat na yata ng traits nito ay nakuha sa ama kaya minsan ay naiinis ako. Ako ang nagdala, ako ang umiri tapos wala man lang nakuha kahit isa sa akin.
"May anak kana?" napalingon ako kay Cassy na literal na nakanganga sa aming mag-ina. Dahil sa pananabik ko sa anak ko ay nawala sa isip ko na may poproblemahin pa pala ako ngayon. Agad kong hinarap si Brandon kay Cassy.
"Yes Cassy. He is my son, Brandon. Baby say hi to your ninang." Agad namang nilahad ni Brandon ang maliliit na braso kay Cassy hudyat na nagpapakarga ito. Agad tumalima si Cassy at kinuha sakin ang anak ko saka pinakatitigan ang mukha nito.
"Kuya..." Naluluhang sambit ni Cassy bago nilipat ang tingin sa kapatid na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng kapatid. "He is you son.." Bumilis ang pintig ng puso ko. Paano ko ba nakalimutan na sa isang tingin lang ay hindi na pwede ipagkaila na si Grey ang tatay ng anak niya. Mukha ni Grey ang nakuha ni Brandon isang dahilan kung bakit hindi niya kahit minsan nakalimutan ang binata.
BINABASA MO ANG
My sister's Bestfriend
RomanceGrey and Agatha's story. Ang big brother at BFF ni Cassy. He is my first love. He is my first kiss. He is my first everything. Minahal ko siya pero sinaktan niya ako,niloko at ginamit. Umalis ako,lumayo at nagtago. Nagalit ang lahat sa akin, gu...