Tatawa-tawa lang si Cassy at Lawrence sa harap ko ngayon. Samantalang ako kanina pa nakayukyok sa kama ko dito sa bahay ni Lawrence. Naikwento ko na sa kanila ang nangyari kaninang umaga. Wala rin akong nagawa kundi pumayag sa request ni tita.
Hindi ko inimik si Grey hanggang sa mahatid niya ako sa bahay. Baka kasi apoy ang maibuga ko sa kanya. Wala man lang syang ginawa kanina! at parang tuwang tuwa pa sya sa mga nangyari.
Nagsabi lang sya na lilipat na daw kami sa mansyon mamayang gabi kaya ihanda ko na daw ang mga gamit ko. Aba akala mo kung sino na makapag-utos sakin.
Agad kong tinawagan ang dalawang babaita bago pako mawalan ng bait!Sumugod naman sila pero imbes na makatulong ay panunukso lang ang inabot ko sa kanya.
"Still, I want to thank you sa sakripisyo mo para kay mommy." Seryosong sabi ni Cassy.
"Sakripisyo nga ba?" Tiningnan ko ng masama si Lawrence. Alam ko kung san papunta yang tabas ng dila niya.
"Bff bakit hindi nalang kaya ikaw ang lumipat dun. For sure mas matutuwa ang mommy mo." suggest ko kay bff pero binatukan lang ako.
"Gaga. Eh di mas lalong inatake si mommy kapag iniwan ko ang asawa ko." May point naman sya.
"E di isama mo." ako ulit
"Hindi pwede. Malayo ang bahay sa office ng mahal ko at ano kaba hindi kami makakagalaw ng ayos dun noh. Alam mo na, yung usual na ginagawa ng mag-asawa sa gabi,"Humagikgik pa ito na animo kinikilig.
"Ayoko dun. Basta huwag nyo ko sisisihin kung mapaslang ko man yang kapatid mo. Kasalanan niya tong lahat!"
"Choosy kapang babaita ka. Ang gwapo kaya ni fafa Grey. Gusto mo ako nalang ang pumalit sayo" Mas nainis pako lalo sa sinabi ni Lawrence. " Hoy huwag kang magselos jan! joke lang yun. Bangon na at nandyan ng yung mga alipores ng prince charming mo." Pinasundo na kasi ako ni Grey sa mga alagad nito.
Ayoko bumaba. Ayoko magkasolo kami ni Grey dahil unti-unting nabubuwag ang great wall of China sa puso ko tuwing nagsasama kami.
"Renz, kargahin mo naman ako pababa oh. Tinatamad talaga ako kumilos eh." Agad naman akong binuhat ni bakla. Sanay na sya sakin dahil noon pa ay palagi nalang akong binubuhat nito lalo na pag aatakihin ako ng hika.
Umuna si Cassy at nakasunod si Lawrence habang buhat ako. Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib ng babaita. Bigla tumalon ang puso ko ng kamuntikan na akong maihulog ni babaita. Agad ko syang tiningnan upang pagalitan sana pero napansin ko na namimilog ang mata habang nakaharap sa unahan.
Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Grey habang nakatingin samin. Akala ko ba wala sya? Agad naman akong bumaba sa braso ni Lawrence at lumapit kay Grey.
"Akala ko ba hindi ka pupunta?" Tumayo ako sa harap nya para itago si Lawrence. Mukha kasing hindi maganda ang timpla nito ngayon sa kaibigan ko.
"Sana. Pero buti nalang at nakapunta ako. I think kailangan na kita lagyan ng Tag ngayon Agatha ng wala ng umaaligid sayo." Ano daw? Sapakin ko kaya to.
"Anong tingin mo sakin aso?" Mataray na sabi ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot. Maya-maya nagpaalam na si Cassy, at kinuha na rin ng mga alipores ni Grey ang gamit ko.
"Halika na." Hinawakan ni Grey ang kamay ko pero bumitiw ako at hinarap si Lawrence.
"Renz, thank you for letting me stay here. Babalik pa naman ako." At niyakap ko sya. Bumulong lang si Renz sakin.
"Lumayas kana babaita hindi ko na kakayanin ang titig ng hilaw mong boyfriend." Kasuka naman tong pinagsasabi ni Renz. Kaya kumalas na ako bago pako maduwal sa mga kalokohan niya. Tumuloy na kami sa mansyon,. Sinalubong kami ng mag-asawa at sabay na rin kaming naghapunan.
Sa buong oras ay hindi nagsalita si Grey sa tingin ko panis na ang laway nya ngayon. Tahimik lang siya kaya ako ang nanguna sa kwentuhan.
Umakyat na ako sa kwarto na tinuro ni tita. Namangha ako kasi napakalaki niyon. Agad akong humiga sa kama at nagtext kay Cassy at Lawrence. Narinig kong may nagbukas ng pinto at walang iba kundi si Grey.
"Anong ginagawa mo dito?!" Asar na tanong ko. Gusto ko ng magpahinga.
"Matutulog na ako." Dumiretso ito sa walk-in closet paglabas may dala na itong damit at nagpalit sa harap ko. Tinakpan ko agad ang mga mata ko.
"Walanghiya ka talaga Grey. Bakit ba naghuhubad ka sa harap ko!Pwede ba lumabas ka dito." Nakapikit lang ako.
"Come on Agatha. Bakit pa ako mahihiya sayo eh nakita mo naman lahat ng to." Namula ako. Tama bang i-remind niya yun! Agad akong humarap sa kanya buti nalang nakapagbihis na sya.
"Shut up Grey. Nakalimutan ko na yun! May memory gap ako!" Ngumisi naman si Grey at biglang sumampa sa kama at hinarap ako.
"You want me to refresh your memory love?" Pinadais-is pa nito ang daliri sa braso ko pataas sa leeg ko. Bwisit na Grey, akala nya siguro hindi ko alam na inaakit niya ako. Tinulak ko sya at bigla akong tumayo. Kailangan kong makalayo bago ako makalimot.
"Huwag mo nga akong manyakin Grey. Lumayas ka nga dito. Dun ka sa kwarto mo." Tumawa naman si Grey na parang manghang-mangha sa paghihisterya ko.
"Nandito nga ako sa kwarto ko. This is my room at dito na rin ang sayo. Hep! wag kang mag-iisip na lumipat ng kwarto. Malalaman yun ni mommy. You dont want things to get worst right?" Mali talaga ang desisyon ko! Natrap ako sa kalokohan na ito. Hawak ako ngayon sa leeg ni Grey at pananggalang niya ang kanyang ina!
"Alam mo bwisit ka talaga Grey.Magpalagay ka ng sofa dito sa kwarto mo at dun ka matulog!" Lalo namang tumawa si Grey
"Eh ano bang big deal kung magtatabi tayo hindi naman bago iyon. Kagabi nga tabi din tayo."
"Hindi ako sanay matulog na may katabing panget! Kaya nga binangungot ako kagabi." pagsisinungaling ko.
"Whatever. Walang available sofa dito sa bahay. Kung gusto mo dyan ka sa lapag."
Umayos na ito ng higa at saka nagbalot ng kumot. Sa inis ko ay binato ko sa kanya ang cellphone ko saka nagmarcha palayo. Akala nya ba maiisahan niya ako. Hinila ko ang maleta ko at dumiresto sa banyo. Kailangan kong maligo para mawala ang init ng ulo ko sa lalaking iyon. Ulo nga ba ang umiinit sakin ngayon?
BINABASA MO ANG
My sister's Bestfriend
RomantizmGrey and Agatha's story. Ang big brother at BFF ni Cassy. He is my first love. He is my first kiss. He is my first everything. Minahal ko siya pero sinaktan niya ako,niloko at ginamit. Umalis ako,lumayo at nagtago. Nagalit ang lahat sa akin, gu...