Chapter V: Reunited

383 26 6
                                    

MOE CALICA

Tahimik. Sa sobrang katahimikan, nabibingi na ako. Why did Somerset chose this place anyway?

Mga sirang upuan at mesa. Mga sunog na computers at mga nagkalat na bubog ng salamin. Windows are broken. The ceiling that was once painted with white are now replaced by dust and black smoke.

Bumabalik ang mga alaala sa aking gunita. Nakikita ko si Aos na kumakain ng sorbetes habang seryosong nakatingin sa nakaparaming dokumento. Nakikita ko si Somerset na nagsusulat at nagkukumahog sa pagtapos ng program activities. Nakikita ko si Zeena na nakakunot ang noo habang naglalaro ng puzzles sa phone niya, ginugulo ito ni Heijie kahit wala nang pakialam ang huli.

And then I saw myself staring at Anitikos or Aos. I am smiling like an idiot for having a crush on him despite of his coldness. I can still remember Draco throwing an apple to me to snap me from watching Aos.

Good times. . .

Past. . .

Masakit balikan lalo na kung ang alaalang iyon ay nasira.

I smiled bitterly as those memories keeps replaying inside my head and then fades away. Nakakamis ang mga alaalang iyon. And this place brought so much pain. It keeps coming back. We're here in St. Vitus University's student office. Mula nang napasara ang eskwelanan na 'to, hindi na ako muling bumalik. After ten years, ngayon ko lang ulit ito nakita. At sa napapansin kong itsura ng mga taong kasama ko ngayon, ganoon din sila.

Pagpasok ko kanina, narito na sila maliban kay Zeena. Ngunit wala man lang nagsalita nang dumating ako. They just nod as a sign of greetings. Then woosh! Wala na. Parang wala kaming pinagsamahan nang ilang taon.

Ako lang kaya? Am I the only one questioning my decisions? For miles we walked together through thick and thin. And with every step, I wondered what we could have done differently. Like me, did they question themselves hundred times why did they give up fighting? Everything might have been different if we'd just heard each others' sentiments.

"Ehem." Someone spoke behind us. Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan. Ang kaninang tensyon na bumabalot sa buong silid ay bahagyang nabasag. I'm thankful for this guy's sudden appearance.

"Green!" Somerset exclaimed. Her voice felt relieved. Who doesn't? Ilang minuto na kaming nagpapakiramdaman. Kung hindi pa dumating ang lalaking 'to, aamagin na ang aming laway. Kanina, nakaupo lang kaming lahat. Si Aos, naglalaro sa kaniyang phone, tila walang pakialam sa nangyayari. Si Heijie naman, may binabasang libro. Si Somerset, may kinakalikot sa kaniyang computer. Habang ako, naghihintay kung sino ang unang magsasalita.

Ang pinagtatakhan ko lang talaga, wala si Zeena. I guess, they hate her that much. But I know why she left us. Kung hindi iyon ginawa ni Zee, Heijie probably died that day.

"Ma'am naman, bakit mo ako iniwan sa kotse kasama ang dalawang tao na 'di ko naman kilala? Nakakatakot," ani Green na parang bata.

Nakasimangot pa ito. He's cute. Napangiti ako sa itsura nito. Ang guwapo niya pero mukhang napakainosente. He seems like the young Heijie's vibes.

Pinanlakihan siya ni Sette ng mata. "I told you to stay there. Bakit ka ba narito?"

"Dapat ba hindi?"

Natawa ako sa sagot niya na dahilan upang mabaling ang atensyon ng lahat sa akin. I shrugged my shoulders.

"He's right on time," I said. Kung kaming apat--Sette, Aos, Heijie at ako- lang ang nandito, siguradong walang magsasalita.

"Hindi naman ako makikialam, Ma'am. Naiwan mo rin kasi itong laptop ko. Narito ang mga kailangan mo."

Nilapitan siya ni Sette. Bago pa niya ito kagalitan, may dalawang tao pa ang sumulpot mula sa pintuan.

PRISONER'S BASE: RAVEN CONSPIRACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon