Chapter X: Old Photograph

314 13 20
                                    

ZEENA SANDERS

It's been two days since I escaped from prison. The news spread like wildfire, it's all over the net. Surprisingly, tahimik ang naging buhay ko sa loob ng apartment ni Somerset. Pagkatapos nila akong ilabas sa kulungan, wala nang kakaibang nangyari.

Ngayon ay may limang milyon na nakapatong sa ulo ko. Authorities are everywhere, searching for me. I admit, gusto ko ang kapayapaan na nangyari nang makalabas na ako sa kulungan. Ang mga taong kasabwat sa pagtakas ko, hindi ko pa sila nakausap nang matagal dahil sa kanilang mga trabaho. To stay safe, we decided to split for a while. Saka na lang kami mag-uusap kung hindi na masiyadong delikado.

I didn't look like myself any more than I felt it. Ang daming nangyari sa akin sa kulungan. Bruises from the jail painted my legs with deep scars and covered my knees, but it was the hollowness in my chest that hurt the most.

Isa lang naman ang gusto ko, mahuli ang mga kriminal. Sadly, I never even started yet, but I'm no longer in position.

"You shouldn't be here."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Somerset sa aking tabi. Ngayon ko lang siya makita matapos ang dalawang araw. Mag-isa ako rito sa apartment niya dahil babad sila sa NIS office. Ilang araw na nilang tina-track kung saan ako, not knowing that one of their member know where I am. I am not sure how to face her because I did an awful thing in the past. Si Somerset ang isa sa pinakanasaktan ko nang araw na 'yun.

"Coffee?" She raises one cup from her right hand.

Inayos ko ang suot kong wig. I secured my blond wig in place by a headband.

I awkwardly accepted the cup from her.

"Thanks." That's all I can say. I can't even formulate a long sentence to make the atmosphere lighter. Hindi nakatulong ang malamlam na panahon sa discomfort na nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry if I visited you unexpectedly. Tiningnan ko kasi kung may natitira pa na grocery. Hindi ka pa naman puwedeng lumabas. May gusto ka bang ipabili? Alas-singko pa lang naman ng hapon. Darating din pala mamaya si Aos kasi may kailangan tayong pag-usapan. Busy rin si Moe at Heijie kaya hindi sila ngayon makapunta," mabilis niyang paliwanag.

I smiled a little. Nagulat yata siya dahil sa pangngiti ko dahil natilihan siya nang bahagya. Her neck stiffened.
Hindi ganito ang isang Somerset na kilala ko. She's always been confident infront of everyone, regardless of whom that person is. She's reserved and never shows any emotions unless it's a bit too much to handle. But no matter how distant, she will always give a warm vibe.

"Hey, don't feel intimidated," I voiced out. "I should be the one to feel that way. Ako na nga ang gumawa ng gulo, parang ikaw pa 'tong humihingi ng dispensa." Napainom siya sa kanyang kape. Huminga ako nang malalim at umiwas ng tingin mula sa kaniya. I looked below the railings. Nasa roof deck kami kaya kitang-kita ko ang mga bahay mula sa baba.

Who would have thought that I'm hiding in a place where the authorities least expected?

Naramdaman ko ang pagsandal ni Sette sa railings. Ngayon ay pareho na kaming nakatingin mula sa baba. Sandali lang ang katahimikan dahil nagsalita siya.

"Hindi ko lang alam kung paano mag-reach out. I blurted a lot of words against your back. Ang dami nang nangyari kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

My lips quivered from the cold winds. I sipped from the cup before I answered. "I heard what you did from Aos. He told me everything about what happened in St. Vitus. Sinabi niya sa akin kung paano mo kinumbinsi ang lahat para tulungan ako. And for that, I am thankful. I know words aren't enough, but I will surely give it back to you when you need my help."

PRISONER'S BASE: RAVEN CONSPIRACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon