Chapter XII: Ladybug

526 25 46
                                    

                SOMERSET PRICE

Our head supervisor, Holy Belarde, is beyond mad. Lahat kami ay tahimik na nakatayo sa kaniya-kaniya naming cubicle. Ito na ang pangalawang beses na napasok ang aming security system. “This is unbelievable! Two times in span of two weeks?!” she hissed in frustration.

Ramdam ko ang galit niya. Noong una, napasok ang aming website at nagkaroon ng glitch ang mga monitor namin. Ngayon ay lumala. All accounting codes for different workgroups and departments of the government, as well as copies of the corporate directory of our Intelligence Department were corrupted.

“You are all stupid social engineers that lack of common sense and commitment!” she shouted angrily.

Gusto ko siyang sumbatan pero ayaw ko nang dagdagan ang badshot niya sa amin. We aren’t stupid. But we, being computer experts, are all vulnerable to being deceived because I believe that one of our colleagues is a member of Raven.

No one can beat my skill in computer inside this office but her. If a major errors occur, madalas ay ako, si Green at siya lang ang nakakaayos.

“Where’s Mr. Felo and Ms. Aglipay?” she asked, gritting her teeth.

“Magkasama po si Ma’am Portia at Sir Green na lumabas. May inasikaso lang po,” ani babaeng intern habang nakayuko.

“Bullcrap! Ngayon sila lumabas kung kailan may emergency?” she exasperated.

Napahawak siya sa kaniyang sentido, parang ‘di na nito alam ang gagawin. She stomped her feet and walked inside the monitoring room. Iniwan niya kaming nakatanga sa kaniya-kaniya naming puwesto. Hindi ko talaga mahagilap ang totoong pagkatao niya. Sometimes she’s concerned but oftentimes, I can see her evil intentions.

Sa ngayon, naghahanap pa ako ng ebidensya laban sa kaniya. Sabi nga ni Aos, in order to win, you have to plan your attack like a chess game, anticipate the move of your opponent so you can be ready whatever happens. You shouldn’t let your guard down.

Pero teka, saan ba kasi nagsusuot si Green at Portia? Akala ko ba wala munang kaniya-kaniyang lakad para mabantayan ang seguridad ng intel?

“Isinusumpa ko talaga ang detective na ‘yun,” rinig kong sabi ng nasa tabi ko. “Dahil sa kaniya, nagkandagulu-gulo na rito. Sigurado akong siya na naman ang may pakana nito. Tumakas siya para lang makapaghasik na naman ng gulo sa bansa!” saad niya.

I clenched my fist in anger. Ang bilis ng mga taong ‘to na maniwala sa balitang nakikita nila sa telebisyon. Kainis!

“Miss Price!” tawag sa akin ng isa sa mga kasamahan ko.

“Bakit?”

“Hindi ka raw matawagan ni Mr. Felo. Nasa linya po siya ngayon, sa landline ng office.”

Agaran akong gumalaw sa puwesto ko at naglakad papunta sa kabilang cubicle. “Hello? Green! Where are you?” bungad ko.

“Ma’am, nasa office ka ngayon? Bakit hindi kita matawagan?” nag-aalalang sagot niya.

“Sira ka ba? Malamang nasa trabaho ako, nasa impiyerno ngayon ang opisina! Don’t let me handle this alone,” I whispered harshly.

Since I was accepted in NIS, Portia and Green are the only people I trust inside the office. Sila ang nakakasama ko tuwing nagkakaroon ng problema. Wala na akong ibang pinagkakatiwalan dahil sa naranasan ko noon sa St. Vitus University. Kung gaano kahirap magtiwala, ganoon din kahirap umani ng tiwala.

“Ma’am, wala na sa computer ang problema,” aniya.

He’s right. Sa totoo lang, ang kahinaan ng NIS ay wala sa computer o sa mga network na konektado sa system. I believe that human factor is truly security’s weakest link. Security becomes worse when human’s gullibility, naivete, or ignorance come into play. Computer attacks can succeed when people easily trust or, more commonly, simply ignorant about good security practices.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PRISONER'S BASE: RAVEN CONSPIRACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon