Baso

13 0 0
                                    

Kumakain kami sa isang restawran ng aking matalik na kaibigang si Lynn. Ika-20 anibersaryo na namin noon, kaya napag-isipan naming kumain sa paborito naming restawran. Dala niya ang basong ineregalo ko sa kaniya noong unang anibersaryo namin,  tanda daw ito ng aming pagkakaibigan.

"Ang tagal naman ng order." Naiinip na sabi ko.

"Hindi ka pa ba nasanay dito, Mary?" Sagot niya.

Wala naman akong nasabi at napangisi na lang. Habang naghihintay ng aming pagkain,  masaya na lang kaming nagkuwentuhan ng kung ano-ano. Pero sa totoo lang, gutom na gutom na talaga ako.

Lumipas ang mahigit kinseng minuto at sa wakas, dumating na ang aming order.

"Sa wakas!" Bulong ko sa sarili ko.

"Sabi ko na nga ba eh, gutom na gutom ka na kanina pa!" Pabirong sabi niya.

"Luh, hindi kaya." Sagot ko.

Inihanda ko na nga ang sarili ko at idinampot na ang kutsara't tinidor.

"Teka, huwag ka munang kumain." Wika niya habang akma ko nang kumuha ng kanin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Picture muna!" Aniya sabay kuha ng mga litrato.

Sa totoo lang, naiinip na talaga ako... Hmmpp..

"Maari na bang kumain?" Naiiritang tanong ko.

"Sige! Tayo na't kumain!" Sagot niya.

Kumuha na nga ako ng kanin at ulam. Ang sarap talaga ng mga pagkain dito! Walang pinagbago! Yung mga upuan, yung plato nila, yung amoy ng ulam at kanin, haysss, parang pagkakaibigan namin ni Lynn, walang pinagbago.

Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain nang ubuhin si Lynn.

"Pahingi nga ng tubig." Utos niya sa akin sabay abot ng baso niya.

Wala naman akong nagawa, dahil ang pinakamalapit na dispenser ay nasa akin.

Agad ko namang inabot sa kaniya ang tubig at nawala na ang ubo niya.

Dumating na nga ang aming dessert at akma na akong susubo nang biglang...

"Teka, teka!" Sigaw niya.

"Oh, ano na naman yun? Picture?" Naiiritang tanong ko.

"Hindi, pahingi ulit ng tubig." Sabay abot niya sa kaniyang baso.

Sa pagkakataon nun, ewan ko ba, pero wala akong ibang naramdaman kundi ang pagkainis. Meron pa naman ako, kaya naubos niya agad ang pasensiya ko.

Hayss...

Nilagyan ko na ng malamig na tubig ang kaniyang baso.

"Saglit, 'wag malamig bes, uubuhin na naman ako." Pigil niya sa akin.

Sa sobrang inis ko, nilgyan ko ng mainit na tubig.

"Ano ka ba tol, baka naman kumukulo na iyan ah!" Biro niya, pero hindi ako nabiro.

Nainis na talaga ako sa kaniya at nasagad na niya ang pasensya ko.

Hindi ko na nakontrol pa ang aking sarili at inihagis sa kaniyang mukha ang basong may mainit na tubig. Nabasa ang baso at nalapnos ang kaniyang mukha.

Oo, nabasag nga ang basong sumisimbolo ng aming pagkakaibigan, dahil lamang sa isang simpleng bagay. Nang nahimasmasan ako ay nagpatawad kaagad ako.

...

Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon. Halos naka-milyong beses na rin akong humingi ng tawad sa kaniya, ngunit hindi ganoon kadali iyon, lalo na't isa siyang modelo. Lubos kong pinagsisihan iyon. Nang dahil sa hindi ko pagtimpi, sa isang iglap, nawala ang pinakamamahal kong kaibigan sa aking tabi.

Maiikling kuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon