Naglalakad ako sa pasilyo ng ospital nang may nakasalubong akong bangkay na dinadala patungo sa morge. Pumukaw sa aking pansin ang isang pamilyar na singsing. Magkaparis ito sa singsing na aking suot sa palasingsingan ng kaliwang kamay ko. Tumayo ang balahibo ko at bigla akong kinabahan.
"Anong nangyari sa kaniya," tanong ko."Inatake po sa puso, Doc."
Tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang bangkay; kaya, pumunta ako sa morgue at nakitang inaayos ito.
"Maari ko bang masilip?"
"Sige."
Lumapit ako sa bangkay at hinawakan ang telang nakabalot sa kaniya. Unti-unti ko itong itinaas, at ako'y napatulala. Rinig na rinig ko ang tibok ng aking puso at bahagya akong nanginig. Tinitigan ko siya. Ang kaniyang puting buhok, matangos na ilong, at ang puwang sa kaniyang baba - ang lahat ng ito'y pamilyar sa akin.
"Bakit kayo umiiyak, kilala niyo po ba siya?"
Saka ko lang din napagtantong tumutulo na ang luha ko.
"Ah, hindi. Hindi ko alam."
Agad naman akong lumabas ng silid habang pinupunasan ang aking luha.
"Kilala ko ang mukha niya, subalit 'di ko matandaan kung sino. Tila bang kami'y nagtagpo na rati," bulong ko sa sarili ko.
~Glimpse of me and you
Oh, you were a good dream~"KaaaaAaAaaKaaaaAaaAaa!!"
Bigla akong napabangon habang hinahabol ang aking hininga.
"Isa na namang panaginip."
Mag-iisang buwan na simula nang titigan ko 'yong mukha, at mag-iisang buwan ko na rin siyang nakikita sa aking panaginip.
Gabi-gabi siyang nagpaparamdam sa 'kin. Siya'y humihiyaw at maglalaho. Ang pinagtataka ko lamang ay kung bakit "Kaka" ang tawag niya sa akin. Ito kasi ang palayaw ko noong nasa elementarya pa lang ako. Para bagang may isang mahalagang tao ang nalimutan ko. Ngunit, sa tanda kong ito, hindi ko masisisi ang utak ko.
Bigla naman akong nabagabag nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at nakasalamuha ang isang kartero.
Tumaas ang aking kanang kilay dala ng pagtataka.
"Uso naman na ang e-mails ngayon ah," sabi ko sa sarili ko.
Ngumiti ang kartero at sinabing, "Isa pong liham mula kay Ginoong Wynnielle Ruaro."
Pagka banggit na pagka banggit niya ng ngalang iyon, agad na pumatak ang luha ko.
"HAHAHAHHAHA kulot!! Kulot salot! Kulot salot! HAHHAHAHA," asar ng isang grupo ng mga kalalakihan.
Napaatras ako sa sobrang takot. Halos magtago na ako sa isang sulok dito sa aming eskwelahan.
Hindi sila nakuntento at pinagsisipa-sipa pa ako. "Salot ka! Salot ka! HAHAHAHAHAHAH! Alis dito, kulot salot! HAHAHHAHAHA!"