Ate, Laro Po Tayo

4 1 0
                                    

"Ate, laro po tayo."

Isang nakaiiritang sabi sa akin ng aking nakababatang kapatid na si Anika.

"Doon ka na lang makipaglaro kay Browny. Tignan mo oh, naghihintay siya ng kalaro." Sagot ko habang nakatitig sa hawak kong selpon.

"Ok. Sorry po kung naistorbo ko po kayo," saad niya.

...

Si Anika ay anim na taong gulang pa lang, at labing-isang taon ang agwat namin sa isa't isa. Dalawa lamang kaming magkapatid na naiiwan sa isang kasambahay. Lagi kasing nasa trabaho ang aming mga magulang. Mayroon din kaming isang asong nagbibigay saya sa amin.

...

"Hello? Oh, Edgar, 'san mo ni-save yung defense natin?? 'Di ko makita dito eh... Na-save mo ba??!!" bulyaw ko sa telepono.

"Hala! Eh, k-kasi am... A-ano kasi..." sagot niya.

"Anong ano?!! Bukas na 'to Edgar! Nagawa mo ba 'yung pinagawa ko sa'yo??!" 

"Pasensya na. Sa totoo lang, hindi."

"Ano??!!! Tang-"

'Di ko na natuloy ang aking sasabihin nang may pumasok sa aking kwarto.

"Ate, laro po tayo. Please?"

"Ano ba naman 'yan?! Kita mo namang may ginagawa ang ate diba?!" sigaw ko.

Bigla namang umiyak si Anika.

"Huwag ka na ngang umiyak diyan! Tigil!" dagdag ko, ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak.

"Tigil na nga! Sabing tigil na! Halika na nga rito! Lab ka naman ni ate," sabi ko.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ko siya.

"Sorry na ah. Medyo stress lang kasi si ate," wika ko sa kaniya.

Maya-maya pa ay bigla namang dumating si Ate Ester, ang kasambahay namin.

"Oh, Raisha, ano'ng nangyari diyan sa kapatid mo?" tanong niya.

"Ah. Eh, wala naman. 'Di niyo ho kasi binabantayang maigi," sagot ko.

"Anika, doon ka na nga muna kina Ate Ester, marami pa talaga kasing gagawin si ate eh," sabi ko naman kay Anika.

Hindi na nakaimik si Ate Ester habang kinukuha si Anika at isinara na lamang ang pinto.

"Hayssss"

...

Kagabi pa nangyari iyon, ngunit hanggang ngayon ay binabagabag ako ng aking konsensya. Hindi ko pa rin lubos na maisip kung bakit ko nasigawan si Anika, at kung bakit ko sinagot nang pabalang si Ate Ester. Gan'on na ba talaga ako kasama? 

Maya-maya naman ay kinulit niya ako uli.

"Ate, laro po tayo." Aniya.

"Teka lang. Teka lang. Rank 'to...Ate Ester, pakikuha nga muna si Anika," ani ko.

Dali-dali namang kinuha ni Ate Ester si Anika.

Kinabukasan ng gabi, may kumatok sa pinto ng aking silid.

"Ate?"

"Ate, laro po tayo."

"Saglit. Gumagawa pa ng assignments si ate," sagot ko.

Narinig ko naman ang yabag ng kaniyang paa pababa ng hagdan.

...

"Ate, laro po tayo."

Hindi ako umimik habang nakatitig sa aking selpon.

"Ate? Galit po ba kayo sa'kin?" tanong ni Anika.

Maiikling kuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon