CHAPTER TEN

125 7 0
                                    

Nakakapit nang mahigpit ang kamay ko sa braso ni Luke habang namimili siya ng mga bagay na hindi ko naman alam kung ano ang tawag. Ang iilan doon ay mga halaman at may mga maliliit na boteng sa tingin ko ay potion ang tawag. Iba-iba pa ang klase at hugis niyon.

Tahimik lang ako sa tabi niya at ramdam ang mga mapanuring titig ng mga nilalang sa paligid na nagdulot ng aking pagkailang at takot sa kung ano man ang tumatakbo sa isip nila. Ang iba pa naman sa kanila ay hindi kaaya-aya ang itsura. May iba pa ngang iba ang kulay ng balat, mga mabalahibo, may iisa lang ang mata, at iba pang uri ng mga nilalang. Mabuti na lang at pinasuot ako ng balabal ni Luke kanina nang inaya niya akong pumunta rito. Natatabunan nito ang kalahati ng aking mukha at kaunti lang din ang nakikita ko sa paligid.

Tila kilala ng lahat si Luke dito. Iyon ang napansin ko sa ilang araw kong pananatili rito sa Agartha. Tila lahat ay binabati siya at nginingitian kapag nakikita.

Mas humigpit pa ang pagkapit ko sa kaniya nang makaharap namin ang babaeng hanggang balikat ko lang ang tangkad. Matinis ang tainga nito, isa lang ang matang kulay asul, at itim na itim ang balat. Nakangiti ito sa amin ngunit matutulis ang mga ngipin.

“Luke...” pabulong kong saad, bakas ang takot sa boses.

Binaling niya ang tingin sa akin at nang mapansin ang itsura ko’y linapit niya ang sarili sa akin at bumulong. “Do you want me to hold you to make you feel at ease?” Tumango lang ako. Mahigpit na hinawakan niya ang aking baywang. Kinuha niya pa ang kamay ko at inilagay sa baywang niya, saka bumulong sa aking tainga. “There. Don’t be scared, Yannarayyih.”

I just nodded slowly at him while my face was heating up. Then he talked to the girl in a language I could not understand and I just looked down on my feet to avoid gazing at the creature he was talking to.

Maya-maya pa’y may binigay si Luke dito na sa tingin ko ay pera nila rito sa Agartha, saka sinupot ng babae ang mga pinamili niya. Nakahinga lang ako nang maluwang nang tumalikod na kami rito at naglakad paalis. Saka ko lang din inalis ang kamay ko sa baywang niya at hinayaan na lang ang kamay niya sa baywang ko.

It’s my first week now here in Agartha. And like what Luke had asked me, I let him do what he wanted. Tutal ay aalis din naman ako, makalilimutan ko rin ang mundong ’to at si Luke.

“Nasaan ba tayo, Luke?” kyursyosong tanong ko.

Kaninang inanyayahan niya akong samahan siya sa pamimili, akala ko'y sa mall kami pupunta, ngunit dinala niya ako rito. Katulad ito ng palengke sa mundo ko. May mga witch din akong nakikita sa paligid, mga sa tingin ko’y nephilim, at bampira.

“We’re in a public market, Yannarayyih,” he answered.

“Are we going home now?”
He shook his head and beamed. “Not yet. We’re going somewhere else.” He fixed the hood of my cloak then he offered his hand, asking for permission to hold mine. I took it and he intertwined our hands. “Alright. Let’s go.”

“Saan ba ’yon?” tanong ko nang maglakad na kami palayo sa mga nilalang.

“It’s just near this market.”

Nagpatianod ako sa kaniya. Ayaw ko na ring pumalag dahil baka iligaw niya pa ako.

Nakanganga ang bibig na linibot ko ang tingin sa paligid nang marating na namin ang sinasabi niya. Tila isa itong napakalaking amusement park na may higanteng rides. May roller coaster, ferris wheel, flying chair, carousel, bumper cars at marami pa na magarang-magara ang pagkakaayos. Ibang-iba ito sa mundo ko pati na ang mga desinyo, kumbaga, pina-upgrade na amusement park.

Masayang tinignan ko siya at hinila na papasok. “Tara na, Luke!”

Natatawang nagpahila rin lang siya sa akin. Nang nasa loob na kami ay nag-isip na ako kung ano ba ang una kong sasakyan nang magsalita siya na ikinalingon ko.

Summoned by Love [Agartha Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon