CHAPTER SEVEN

138 9 0
                                    

“What’s taking you long, Yanna? Can’t you make it a little bit fast?”

Naikot ko ang mga mata nang marinig muli ang reklamo ni Luke at ang pagkatok nito mula sa labas ng kuwarto. Halata sa kaniyang boses ang pagkainip—hindi makapaghintay.

Wait lang kasi! I sighed, irritated. “You’ve waited for me in two years, and now, ilang minuto lang hinihingi ko, ’di ka makapaghintay‽ Isa pa talagang katok, Luke, iiwan na kita! banta ko sa kaniya kahit alam kong hindi ko iyon magagawa dahil hindi ko naman alam kung paano makabalik.

Luke was silent and he stopped knocking the door too. Was he offended of what I said? Was it offending though? Or he’s mad and just refraining himself from talking back?

I rolled my eyes and continued dressing up when I heard his voice again. “Sorry. Take your time. It was almost a whisper and gentle.

Naiiling na napatingin ako sa pintuan at nakagat ang labi. Alam kong nakasandal siya rito dahil narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya nang ilapat ko ang aking tainga roon. It wasn’t the first time though. I’d been here in this world for days and I did everything to be harsh on him so he would let me go. But that did not work. He would always say that I should give him two weeks to be with him, and if he could not convince me to stay, he would bring me back to my world.

I heaved a sigh as I looked at myself in the mirror. Ang sabi ni Luke, may mall daw rito sa Agartha and that’s where we’re going today. Naku-curios ako kung ano ang itsura ng mall nila rito-kung katulad lang ba ito sa mall sa mundo ko, o iba. Pero dahil Agartha ito, malamang na high-tech ang mall nila pati na ang mga gadgets dito. This world’s too advanced compared to my world. Mga gamit pa nga lang ni Luke dito sa bahay ay namamangha na ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip si Luke, ulo lamang ang nakikita at hindi buong katawan. I'm not comfortable with what I’m wearing. I looked like a little girl who’s wearing her father’s t-shirt.

Luke looked bewildered as he stared at me. “You’re done, right? Bakit nakasilip ka lang diyan?

Sumimangot ako. “Hindi bagay sa akin ang suot ko!

Natatawa niya akong linapitan, hinawakan ang aking mukha saka inangat ito. “You’re always beautiful whatever you’re wearing.

Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin saka dinampian ng halik ang aking pisngi. Nabitawan ko ang pinto sa gulat dahilan ng pagkawala ng balanse ko. Buti na lang ay maagap niya akong nasalo at nailabas sa kuwarto. “My little human, you’re clumsy as always, natatawang aniya.

Nag-iinit ang pisnging lumayo ako sa kaniya dahil sa kahihiyan at tumayo nang maayos. Naisimangot kong muli ang mukha nang mapansing nagpipigil siya ng tawa, at alam kong dahil ’yon sa suot ko.

Sumama ang tingin ko at inirapan siya. “You’re laughing at my clothes. Pinipigilan mo pa, e.

Kumunot ang kaniyang noo na animo’y may nasabi akong hindi maganda at hinila ako palapit sa kaniya. Nagtatanong ko siyang tiningnan ngunit hinawakan niya lang ang magkabilang pisngi ko, sinalubong ng seryoso niyang mga mata ang aking tingin, saka mahinang nagsalita. “Didn’t I tell you that you’re beautiful whatever you’re wearing? mahinang saad niya. “And you’re more beautiful wearing my clothes— Saglit niyang binaling ang tingin sa aking suot at ngumiti. “though my clothes, are bigger than you.

Linayo ko ang sarili sa kaniya nang magsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at umiwas sa tila nanghihipnotismo niyang mga mata. Magkaka-anxiety yata ako sa mga pinagsasabi niya. Lagi na lang niyang pinapabilis ang tibok ng puso ko. “T-Tara na. Bibilhan mo ako ng masusuot, ’di ba? Hindi ako komportable rito sa damit mong parang bestida na sa akin.

Summoned by Love [Agartha Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon