PROLOGUE

657 30 2
                                    

“A-Ano’ng lugar ’to? B-Bakit ako narito?” naguguluhan kong tanong nang mapatingin sa paligid.

Napakaganda rito. Nagsisiilawan ang mga lumilipad na bagay na hindi ko matukoy kung ano at nasisiguro kong hindi iyon mga alitaptap dahil sa kakaiba niyong tingkad. Pati ang punong kahoy na nasa aking harapan ay umiilaw rin—lalo na ang mga dahon nito na kulay green. Ang ilog hindi kalayuan ay malinaw ko ring natatanaw dahil sa kulay asul nitong tubig na parang fairy dust dahil sa kinang nito.

Tumingala ako sa langit at bahagyang umawang ang bibig nang makitang dalawang naglalakihang buwan ang naroon ngunit walang mga bituin. Ang isa ay medyo natatabunan ng ulap.

Kakaibang lugar ’to,” bulalas ko sa mahinang boses at nagtatakang muling linibot ang tingin sa paligid

Paano ba ako napunta rito?

“Ah, panaginip lang ’to. Kailangan ko lang gumising,” pangungumbinsi ko sa sarili at ngumiti.

“Kung gano’n, i-enjoy ko na lang ang panaginip kong ’to!”

~•—✓

Title: Summoned by Love [Agartha Series #1]
Author: @METAMORPHOSE_UMBRAE
Genre: Fantasy-Romance
Language: Filipino-English

Summoned by Love [Agartha Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon