CHAPTER FOURTEEN

101 5 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan mula sa labas ng bahay. Nang tingnan ko ang wristwatch ko ay alas does y media pa lang ng gabi. Masyado pang maaga kaya kailangang bumalik ako sa pagkakatulog. Pinikit ko ulit ang mga mata upang matulog, ngunit ayaw na yata ng mga mata ko. Sobrang bigat pa ng aking pakiramdam. Para itong pinipiga sa hindi ko alam na dahilan. Tila ba nasasaktan ako at nalulungkot.

Dumilat ako nang maramdaman ang naglandas na mga butil ng tubig sa aking magkabilang pisngi. Naguguluhan pa akong bumangon at humarap sa salamin. Dahil hindi malinaw ang mukha ko ay kailangan ko pang i-switch on ang ilaw saka pinagmasdan ang repleksyn sa salamin.

I looked so hurt, melancholic, and in despair. Tears were streaming down my face and my chest felt so heavy.

I stared at my reflection in the mirror in bewilderment. But answers why I am feeling this way won’t just appear in it and it’s aggravating.

Am I depressed again?

Last time na naging ganito ako, iyon iyong sariwa pa sa akin ang pagkamatay ng mga magulang ko. Pero iba ngayon dahil walang rason kung bakit ako nagkakaganito.

Napahawak ako sa aking dibdib at sinuntok-suntok iyon nang mahina—umaasang maibsan niyon ang kirot— ngunit tila ayaw niyon mawala at hindi ko na napigilan ang paghikbi.

Ano ba’ng nangyayari sa akin?

I looked like a mess right now: sabog ang buhok, namamaga ang mga mata, at namumula pa ang ilong. Pakiramdam ko’y tila may kulang sa akin; hindi ko matukoy kung ano iyon. Ang alam ko lang, gusto kong umiyak nang umiyak dahil sa pagkawala niyon. I was never like this when my parents died. Yes, I mourned nang mamatay sila at sobrang sakit niyon pero parang mas masakit ang nararamdaman ko ngayon at nafru-frustrate ako dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi saka pilit na ngumiti sa salamin. I tried to calm myself. Ilang beses akong nagbuntong-hininga upang kumalma at mapigil ang pagpatak ng aking mga luha. Ngunit mas lumala pa yata nang pinilit kong pigilan. Napahagulhol na naman ako.

Itulog mo na lang ’yan. Mawawala rin yan, Rayyih,” pangungumbinsi ko sa sarili saka bumalik sa kama at sinubukan muling matulog, ngunit hindi na talaga ako nakatulog pa hanggang sa tuluyan na ngang nanalo ang liwanag sa dilim.

Walang buhay na bumangon ako sa kama. Halata sa mukha ko ang puyat at ang pag-iyak. May pasok pa naman ako ngayon.

Tulala lang akong nakatingin kay Yna na nagsasalita sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano’ng pinagsasabi niya dahil liniipad na naman ang utak ko sa kalawakan at iba na naman ang iniisip.

What if there are other creatures whose physical appearance are like us humans but they have supernatural powers? What if vampires, mermaids and werewolves truly exist? What if there are wizards, witches, warlocks and sorcerers out there? What if―

“Yannarayyih del Grande! Nakikinig ka ba sa akin?”

Napaigtad ako sa malakas na boses ni Yna kaya naituon ko ang pansin sa kaniya. “Ha? Ano ba ’yong sinasabi mo?”

Bakas ang inis sa kaniyang mukha at nailing. “Sabi na, hindi ka na naman nakikinig.”

I gave her an apologitic look. “Sorry.”

Nagbuntong-hininga siya saka sumeryoso ang tingin sa akin. “May iba ka talagang mundo.” Natawa ako nang mahina at nagseryoso rin nang hindi man lang siya ngumiti. “Ano’ng ginawa mo sa two weeks at nawala ka? Pinupuntahan kita sa bahay mo pero wala ka naman do’n. The teachers were worried of you kasi baka kung ano na raw nangyari sa 'yo. Kailangan mo tuloy gumawa ng letter ngayon sa kanilang lahat. Need mo rin mag-take ng maraming quiz at kumopya ng notes sa mga past lesson natin since malapit na ang prelim exam. Sa’n ka ba kasi nagpunta?”

Summoned by Love [Agartha Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon