CHAPTER TWELVE

106 4 0
                                    

Nakaupo ako sa mahaba, malambot at kulay gray na sofa hawak-hawak ang maliit na unan na ganoon din ang kukay habang nakatutok sa pinapanood na palabas sa hologram na nasa harap ko. Limang metro ang layo nito sa akin at nakamamanghang tingnan na para talagang live ang pinapanood ko. Para akong nasa theatre at nanonood ng aktuwal na palabas.

Sa gilid ko ay si Luke na nakasandal sa aking balikat. Pakiramdam ko’y nababagot na siya sa pinapanood naming romance na may kasamang fantasy—kung fantasy nga ba talaga ito dahil totoong may kapangyarihan ang mga gumanap.

Isang lalaking nephilim ang bidang na-in love sa bampirang babae. May halong action din ito at nakakamanghang hindi na kailangan pa ng special effects dahil totohanan ang mga kapangyarihan, magical place, at iba pa.

“Quit it. Let’s go somewhere else, Yanna. I’m bored.” Hindi na nakatiiis si Luke.

Hindi ko siya binalingan ng tingin. Nakatuon ako sa pinapanood at nasa part na na maghahalikan ang mga bida. Tinakpan ko ang mga mata ngunit may kaunting awang iyon upang makita ang pinapanood. Hindi ko napigilan ang pagtili nang mag-kiss na nga sila at nahampas ko pa si Luke dahil sa kilig.

“Aw!” daing niya pa. “Stop it, Rayyih.”

Saglit na nabaling ang atensyon ko sa kaniya. Pinukulan niya ako ng naiinis na tingin at nairap lang ako saka bumalik sa panonood.

“Tss,” rinig ko pang turan niya.

Nasa part na na parang mamamatay iyong lalaki. Umiiyak na ang bidang babae at ang lalaki naman ay tila namamaalam na kung makapagsalita. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ngunit natigil din iyon nang biglang namatay ang hologram.

Naiinis na binalingan ko si Luke. “Ba’t mo pinatay?”

“You’re crying.”

“E, ano ngayon?”

Napapitlag ako nang punasan niya ang mga luha ko gamit ang panyong dinukot niya sa bulsa at seryosong tumitig sa akin. “I don’t wanna see you crying.”

Nakaawang ang bibig na napatitig ako sa abong mga mata niya at pinipigilan ang paghinga. Matapos niyang gawin iyon ay tumayo siya at linahad ang kamay sa harap ko. “Let’s go somewhere else.”

Hindi ko man alam kung saan kami pupunta ay inabot ko pa rin ang kamay niya at nagpatianod. Napunta kami sa likod ng bahay niya at nagtataka ko siyang tinitigan.

Ano ba’ng gagawin namin dito?

“Stay there. Gonna get something,” aniya saka ako binitiwan at bumalik sa loob.

Nakatayo lang ako roon habang hinihintay siya at pinagmamasdan ang paligid. Sa gilid ko ay may upuang hugis mushroom at nakadikit sa kakaibang punong-kahoy. Linapitan ko ito saka umupo.

Tiningala ko ang punong-kahoy. Kakaiba ang mga dahon nito. Iba-iba ang hugis nito: may hugis puso, hugis square, at iba pang mga hugis. Matingkad din ng kulay nito—neon green. Kaya siguro umiilaw sila sa gabi.

Nangunot ang aking noo nang mapansin ang maliit na taong nakaupo sa sanga at nakatanaw sa akin. Ngumiti ito nang magtagpo ang aming mga mata at napangiti na lang ako nang makilala ko ito.

“Ikaw ’yong duwende!”

Tumalon ito pababa at buti na lang nag-landing ito sa isa pang mushroom na upuan sa tabi ko. Nakatayo pa nga ito at kumaway sa akin. Iba na ang suot nito ngayon; naka-denim jumper ito at ang inner ay stripe na brown at yellow t-shirt.

“Hi, Yanna!” bati niya sa akin sa maliit at cute na boses.

“Hi rin!”

Summoned by Love [Agartha Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon