CHAPTER FIFTEEN

116 8 1
                                    

Nakangiting bumaba ako sa stage nang matapos akong masabitan ng medal ni Yna. Nakasali kasi ako sa with honors at siya ang nagsabit ng medal ko. Akalain mo nga namang matalino pala ako!

Hindi mapaglagyan ang saya ko ngayon dahil sa wakas, naka-graduate na rin ako sa Senior High at with honor pa! Kahit lutang ako, may maibubuga pala ako kahit kaunti.

Yna congratulated me and invited me to come to her house because she wanted to celebrate with me. Wala rin naman daw kasi akong kasama sa bahay kaya dapat lang daw na pumayag ako.

Nginitian ko siya saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. “Hindi na, Yna.”

Sumimangot siya pero sa huli, wala rin siyang nagawa. Nang makauwi sa bahay ay dumeretso ako sa kiwarto saka nagpalit ng damit. Napakunot ang aking noo nang mapansing may nakapatong sa study table ko. Linapitan ko ito at napaawang ang aking mga labi nang matingnan kung ano iyon. Napangiti ako nang malawak.

Novels!

Kinuha ko ang mga ito at binilang. Nasa sampu lahat at makakapal pa. Bago rin ng itsura. Kung hindi ako nagkakamali, regalo ito sa akin. Uupo na sana ako sa kama upang buklatin ang isang libro nang makakita ng isang bouquet ng mga bulaklak na nakapatong sa kama ko. Kakaiba ang mga kulay nito—kasing kulay ng galaxy at tila lumiliwanag. Ang ganda pa ng pagkakaayos nito. Ngayon lang ako nakakita ng bulaklak na gano’n, pero nakapagtatakang pamilyar ito sa akin.

Nalalanghap ko na ang halimuyak nito kahit hindi ko pa nahahawakan. Nang kunin ito ay mataman ko itong pinahmasdan. Ang bango niyon at hindi masakit sa ilong.

“Pero sino naman ang magreregalo sa akin ng mga ’to?” nagtatakang tanong ko.

Baka si Yna. Siya lang din kasi ang may duplicate ng susi ko at labas masok siya rito.

Kinuha ko ang cellphone kong nasa kama at ida-dial na sana ang number ni Yna nang may napansin akong nakasipit sa isa sa mga libro. Umupo ako sa kama at binuklat iyon.

“Letter ba ’to?” Kinuha ko ang nakasipit na puting papel at binasa ang linalaman niyon.

“I hope you’re happy receiving these gifts. Congratulations, my little human. You made me so proud of you. I love you. It didn’t change... and I badly miss you. I miss you so much. I am watching you from here and I can see how you’re getting better. You’re slowly fulfilling your dreams and I’m happy for you.”

Nabitawan ko ang hawak na papel at natulala. There’s that longing feeling again. It did not leave me since I woke up that rainy midnight. I always felt l’m forgetting someone or something important to me and I’m missing it. I badly wanted to see it. My heart was throbbing with pain  and the only thing to ease it somehow was to shed tears.

Did I really forget something important to me? I had been asking that question.

Ilang buwan na ba akong nakararamdam ng ganito? Eight months? Ah, eight months na nga at ganito pa rin ako.

Eight months ago, I knew there was something weird happened when I disappeared for two weeks. Hindi ko lang alam kung ano iyon. Pero alam ko na ang pangyayaring iyon ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I forgot what happened to me during those weeks and I did not know why. Pero nararamdaman kong mahalaga iyon sa akin. Ang mga alaalang ’yon, I badly wanted to remember it—not just want, but need! I need to remember it—everything.

Halos gabi-gabi, nananaginip ako at nagigising na humihikbi. Naroon pa rin ang lalaking iyon sa panaginip ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang kaniyang mukha pero malinaw na malinaw sa akin na mahalaga ako sa kaniya, na mahal na mahal niya ako. He always said he loves me and he always made me feel it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summoned by Love [Agartha Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon