Chapter 7 - Lukresha

589 23 1
                                    

RED'S POV

Next week na daw ako magte train sabi ni Dad. Masaya sila dahil nakumbinsi nila ako. Willing naman talaga ako, si Dark lang ang inaalala ko.

About naman sa offer ni Orion na magtayo ako ng restaurant, tumanggi na ako.

Masyado nang marami ang tulong niya sa akin. Sobra sobra pa nga eh.

Narito ako ngayon sa kwarto ko. Namiss ko dito. Walang pinagbago pero nanatiling malinis.

Nasa dating ayos parin.

Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto ko, nadagdag lang ang ilang gamit ni Dark. Natigilan ako ng mahinto ang mata ko sa kama. Naroon pa rin ang malaking teddy bear na regalo sa akin ni Lucas noon. Si Lukresha. Nangiti ako ng mapait matapos kong lapitan ang teddy bear. Kinuha ko iyon at tinitigan. Agad akong tumayo at inilagay ito sa loob ng closet kung saan bakante.

Tinuloy ko na ang paglalagay ng gamit ni Dark sa closet at hindi na pinansin ang teddy bear. Mas isinara kopa ang pinto ng gawi na iyon ng closet para hindi ko na 'yon makita pa.

Matapos kong mag ayos ng closet ay nahiga ako sa kama. Naririnig ko mula rito ang ingay nila sa baba, sigawan, tawanan at kulitan. Mas dumoble ang saya rito sa bahay dahil sa anak ko.

Napangiti ako ng mapait ng maalala lahat ng nangyari noon. Napakalaking pagbabago ang pagdating ni Dark sa buhay ko. Nawala lahat ng masasakit na ala ala at napalitan ng bago at masasayang memories kung saan naroon ang anak ko.

Bumuntong hininga ako at lumabas ng kwarto. Naroon silang lahat maging si Demon maliban kay Sha-sha.

"Mommy! Look at this!" pinapakita niya sa akin ang drawing niya. Pitong hugis tao ang drawing niya. Isang matandang babae at isang matandang lalaki sa gawing kanan ng matandang lalaki ay isang babaeng naka pink at sa tabi naman nito ay nakagray na lalaki. Sa kaliwang tabi naman ng matandang babae ay isang babaeng nakapula at sa tabi nito ay lalaking naka asul at sa ilalim nila ay batang naka brief. Hahaha sa gilid naman nito ay unggoy? At sa tabi ng unggoy ay isang aso.

Sa taas ng drawing ay nakalagay ang pamagat.

FAMILY

"Teka bakit nagkaroon ng unggoy sa family? "takang tanong ko kaya nagsimula na naman silang magtawanan maliban kay Bryle na masama ang tingin sa anak ko.

Oh, now I get it. Tsk.

"Anak." seryosong tawag ko kay Dark. Nanlalaki ang mata niya sa kung anong sasabihin ko. Gusto kong matawa sa mga reaksyon nila, ang alam siguro nila ay pagagalitan ko si dark. "Next time, lagyan mo ng saging okay? " Nagtaka lang ang anak ko sa sinabi ko habang sila momny naman ay nakahawak pa sa tiyan habang tumatawa. Namiss ko ang ganitong moment.

"Nasaan nga pala si Sha-sha? " tanong ni Dad.

"Nasa kwarto Dad. Maybe she's sleeping." sagot ni Gray.

"Again?! " nagulat naman kaming lahat sa sigaw ni Bryle.

"Bakit? Pinupuntahan mo siya don noh?! "si Gray na may nanunuksong tingin.

"H-Hindi ah. Tch. Punta lang ako sa mall. " hindi na hinintay ni Bryle ang sagot namin at umalis na.

"Mommy antuk." Napalingon ako sa anak kong nakabuka ang mga kamay kaya binuhat ko na siya.

"Red, may duty ako mamaya. Kailangan ko na munang umuwi at matulog. " si Orion.

Tumango naman ako sa kaniya at nagpaalam na rin siya kila dad.

Mula kahapon na dumating kami ay palaging narito sa bahay si Orion. Aalis lang pag may duty o kapag kailangan siya sa hospital.

Nagpaalam ako kila mommy na aakyat na muna kami ni Dark. Tumango naman silang dalawa.

Still In Love with the Devil (Book 2)Where stories live. Discover now