Chapter 9 - He's back

754 20 2
                                    

Sa mga nagtataka po sa mga nangyayari. 'Wag kayong mag-alala, uso ang flashback. Doon naman sa naguguluhan kay Sha-sha at Bryle. Abangan niyo nalang po yung story nila, baka sakaling maisipan kong gawin. 😂

Salamat sa mga bonggang comments. Natutuwa akong basahin. I love you guyseseseseses. 😘

Happy reading!

RED'S POV

Ang bilis ng araw, katapusan na ng buwan ng marso. Bukas ay magsisimula na akong magtraining. Napgpasyahan nila dad na sa company ni ninong ako magte-training. Pabor naman sakin iyon.

Kinausap na ako ni Daddy tungkol sa magiging trabaho ko roon, gusto niyang magpakilala lang ako bilang simpleng mamamayan lang ng sambayanang pilipino. Ayaw niyang magpakilala akong inaanak ng may ari or anak ng pinakamalaki ang share. (Hambog tatay ko e) At ang kabilin bilinan nila, wag daw akong magpapakilalang ex ng anak ng may ari ng kompanya. O diba lakas makapambwiset. Si Bryle nagsabi niyan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin okay sila Sha-sha at si Mommy. Hindi pa ulit sila nagkakausap, nakakalungkot lang dahil masyado nang lumalaki ang gap nila.

Si Gray naman ay pa chill chill lang at isang butihing ehemplo at tagapag alaga ni Dark kapag nasa branch ako. Dahil nga tinanggal ko ang manager ay ako na muna ang namamahala nito. Pero bukas ay iba na ang hahawak, isa sa mga tauhan ni dad.

Si Orion naman ay busy sa hospital, madalas dito siya nakiki agahan. Minsan nga ay sinisingil pa siya ni Bryle ng pang share sa grocery at ang mas malala pa ay pinagdo donate niya si Orion ng isang sakong bigas kada linggo.

Balak ko sanang sa condo na tumuloy, pero mukang mahihirapan ako dahil kay Dark. Walang mag aalaga sa kaniya doon. Ayoko namang habang buhay nalang kaming nakikitira dito kay Mommy. Ayaw naman namin sa bahay ni Orion kahit ilang beses niyang o-offer, dahil hindi rin niya kami maaasikaso, saka kung titira pa kami roon ay magiging kalapit bahay lang din namin sila mom. So bakit lilipat pa. Tss.

Maaga akong matutulog dahil bukas na bukas ay magsisimula na ako sa training.

Sana maging okay. Kinakabahan ako.

Kinabukasan

6:00 AM

Isang malupitang tunog ng alarm ang nakagising sa akin.

Agad akong bumangon at naligo. Naging maingat ang bawat kilos ko dahil baka magising ko si Dark. Matapos kong maligo ay nagbihis ako ng coral pencil skirt na may slit sa gawing likuran at ni-tack in ko sa white blouse. Inayos ko ang buhok ko, ipinusod ko ito ng isa at ni-curl ang gawing baba. Naglagay lang ako ng moisturizer at kaunting powder saka liptint. Nang masiyahan ako sa itsura ko ay sinuot ko ang heels na binili sa akin ni mommy. Hindi naman ganoon ka taas pero may takong parin, pati iyong mga damit ko ay siya rin ang bumili.

Nang makaayos ako ay dahan dahan akong humalik sa noo ng anak ko at lumabas ng kwarto para gisingin si Gray at doon palipatin matulog sa tabi ni Dark. Mga 8 pa gising ng baby na iyon e.

Nang makababa ako ay nagkagulatan pa kami ni mommy sa kusina. She cooked for breakfast. Nagbatian lang kami ng good morning.

"First day ng princess namin kaya kailangan kumain ka ng marami. "
Nakangiting sabi niya habang inaayos ang pagkakapaloob ng blouse sa skirt ko. "You look pretty anak. "

"Thanks mom. " sabi ko at saka naupo na para kumain.

"Para kong nakikita ang sarili ko sa iyo noong first day ko as a secretary sa company ng Dad mo. " daig pa niya ang nagde daydream. Haha.

Still In Love with the Devil (Book 2)Where stories live. Discover now