Chapter 61

316 13 0
                                    

Nagising ako sa pagkulo ng tiyan ko. Nang maalala kong buntis ako ay kaagad akong bumangon para maghanda ng makakain.

Ala sais na ng gabi kaya naman pala nagugutom na ako.

Nadatnan ko si Lucas sa kusina. Abala siya sa pagluluto. Nakaboxer lamang sya at apron.

Masama man ang loob ko sa kaniya ay parang nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan ng makita ang likuran niya.

Ngunit ganon pa rin. Hindi ko pa rin siya pinapansin.

Binuksan ko ang fridge at naghanap ng pwedeng kainin.

Nahagip ng paningin ko ang chicken fillet at hash brown.

Kinuha ko iyon at parehong isinalang sa oven. Habang hinihintay maluto ay naghanda ako ng lalagyan. Batid kong sinusundan ako ng tingin ni Lucas pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Dinner is ready."

Hindi ko siya tinignan.

Nang tumunog ang oven ay kinuha ko ang hash brown at fillet saka inilagay sa plato.

Nakaupo na si Lucas sa dinner table at tila hinihintay ako. Hindi ko siya pinapansin kahit lagyan niya ng rice ang plate ko.

Manigas ka diyan! Ulul!

Nagsimula akong kumain.

Batid kong nakatingin siya sa akin.

"Iyan lang ang kakainin mo?"

Hindi ko siya kinibo bagkus ay tumayo ako at kumuha ng strawberry jam.

Yummy.

Doon ko sinawsaw ang chicken fillet.

"The fuck." rinig kong bulol niya.

Banas man ako ay pinigilan ko pa rin ang sarili kong lingunin siya.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay pinagsalin niya ako ng orange juice.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Why?" tanong niya.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Tumayo lamang ako para kumuha ng isang karton ng gatas saka nagsalin sa baso.

Pagkatapos kong kumain ay napagpasyahan kong manood na lamang ng T.V.

Dinig ko ang tunog ng paghuhugas niya ng pinggan. Kumakanta kanta pa ang hinayupak.

Habang nanonood ako ng TV ay naupo siya sa tabi ko.

Umusog ako ng kaunti para lang huwag madikit sa kaniya pero talagang umusog din siya palapit sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Lumipat ako ng upuan pero bago pa man ako makaupo ay hinatak na niya ako at niyakap.

"Wife, I'm sorry. Nagselos lang ako dahil umuwi ka kay Orion."

Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Tinanong mo ba ako kung bakit ako umalis?"

Lumuhod siya sa harap ko.

"Wife. Wala akong ginawang masama. Kaya lang ako nalasing kagabi dahil naparami kami ng inom ni Bryle. Hindi na ako nakapagpaalam sa iyo dahil sabi ni Mom ay tulog ka. Sinamahan ko lang naman si Bryle dahil may problema siya."

"Then paano ka nagkaroon ng.. ng kissmark?"

Nagbaba ako ng tingin parang maiiyak na naman ako.

"Kaya kong patunayan na wala akong ginawagang masama."

Still In Love with the Devil (Book 2)Where stories live. Discover now