Chapter 45

710 31 2
                                    

Chapter 45

GRAY'S POV

Tinatamad akong magsalita. Tch.

Author: Okay kung ayaw mo, di 'wag!

BRYLE'S POV

Yown!  Nadadalas ang eksena ko, ngunit ba bagong gupit lang e ganito na kadalas ang exposure?

As usual, nandito pa rin ang magpipinsang panget. Naglalaro kami ngayon ng Jengga habang hinihintay ang niluluto ni Krisha.

"Hoy Casie! Tumira ka na!" sabi ni Keisha. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka naghanap ng huhugutin sa Jengga. Ayokong matalo dahil baka kung ano ang ipagawa nila sa akin.

"Oh, tumira ka na daw. Hahahaha." - Dos
Ibang tira na naman ang iniisip ng putangna.

Dahan dahan kong hinila ang piraso ng kahoy. Kinikilabutan pa ang butas ng puwit ko dahil sa kaba.

"Magiba ka! Booo!" pang-aasar nila. Tsh. Akala mo mga hindi businessman ang mga gago.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakuha ko ng maayos at nailagay ang kahoy sa pinakataas.

Yeah beybe!

"Oh, ikaw na Dos. Tangina mo kung makapang asar ka. Kala mo ha. Nay naiisp na kong ipagagawa sa'yo. Mwahahaha!"

Inirapan lang ako ni gago at nagconcentrate na sa paghahanap ng ititira.

Boom! Laglag lahat

"Hahahhahahaha! Patay ka ngayon." - Evian

"Nakaisip na ba kayo ng ipagagawa natin?" - Summit

"Putanginaaaaaaa." - Dos

"Talagang putangina. Haha. Tara guys. Doon tayo sa high way. " yaya ko sa kanila.

Agad naman sumunod ang mga bugok. Nauna pa nga sa amin ni Keisha.

"Keisha, may phone ka bang dala? Kailangan mong i-video ito." itinaas lang niya sa ere ang phone niya.

"Huwag na kayong masyadong magtatagal at malapit na akong matapos sa niluluto ko." Sabi ni Krisha. Ang naiwan sa bahay ay siya, si Dark at si Manang.

Nang nakarating na kami sa high way ay hindi pa masyadong madilim kaya kita pa namin ang bawat isa.

"Ano na?" tanong ni Dos.

"Magtwerk ka sa gitna ng kalsada."

"Wahahahhaha. Nice one bro." sabi ni Evian na tawa ng tawa.

Puro iling at ngisi naman si Tsug tsug sa isang tabi.

"Tangina. Pano kung masagasaan ako?"

"Hindi 'yan. Kitang kita ang kapangitan mo kaya huwag kang mag-alala" - Summit.

Minura niya muna kaming lahat bago tumakbo papunta sa gitna ng kalsada. Ang mga tao sa paligid ay nakatawa at halatang kinikilig kay Dos.

Tsh.

Nilingon ko si Keisha at baka ready na ang video.

Tignan ko kung kiligin pa kayo.

3

2

1

Nagtwerk na si Dos at muka siyang palaka na nagkikikintod. Hahaha fuck. Pinagtatawanan din siya ng nga tao pero mas ginilingan pa ni gago.

Nang matapos sa kahihiyan si Dos ay bumalik na siya sa puwesto namin. Dahil sa nangyari ay wala nang may gustong maglaro ng Jengga.

Naglakad kami pabalik sa bahay. Malayo palng kami ay kitang kita ko na ang sasakyan ni Tanda mula rito.

Still In Love with the Devil (Book 2)Where stories live. Discover now