Chapter 15 - ICU

753 31 5
                                    

RED'S POV

Masaya kaming nagkukwentuhan, gabi na at tulog na si Dark. Kumpleto kami rito sa kwarto niya maging sila ninong at ninang ay narito mabilan sa anak nilang pinaglihi sa Diablo.

Nagdala si ninang ng cake, si Bryle naman ay nagpadeliver ng pagkain galing sa Mcdo.

Maluwang ang kuwartong kinuha ni Dad para kay Dark kaya naman kasya kami rito sa loob.

Sinamantala ko na ang pagkakataon na nandito sila para bantayan si Dark, naligo muna ako para makapagpalit ng damit.

Habang nagsusuot ako ng T-shirt ay binalya ng binalya ni Gray ang pinto.

"Ate! Ate! Si Dark! Please ate bilisan mo lumabas ka na diyan!" nanlaki ang mata ko sa pagkagulat dahil garalgal ang boses ni Gray kaya naman mabilis pa sa alas kwatrong binuksan ko ang pinto at iniwan nang nakakalat ang pinagbihisan ko sa CR.

Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung paano manginig at tumirik ang mata ni Dark. Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Lahat sila ay hindi na mapakali, dalawang doktor ang nagmamadaling pumasok at tiningnan si Dark.

"Dark!" saka ko palang nagawang sumigaw nang makitang nangingitim na ang mga labi niya.

Lumapit ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Baby.... Wake up." iyak ko sa kaniya.

Niyakap ako ni Mommy. Umiiyak rin sila ni Sha-sha.

"Red, nagse seizure si Dark at malamang kumakalat na ang infection sa katawan niya. Delikado kapag pati puso at utak niya ang naapektuhan." sabi ni Orion.

"Ano? Hinde?! Please gawin niyo lahat!" hindi ko na alam ang iisipin ko. Kung puwede lang na ako nalang ang nasa kalagayan niya ngayon.

"Misis we need to take him to the ICU, para mas mai monitor ang lagay niya. Kailangan rin niyang kabitan ng oxygen dahil nahihirapan siyang huminga." patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Bakit ba wala akong silbi? Wala akong magawa para sa anak ko.

"Please gawin niyo po lahat." iyak lang ako ng iyak habang nakatitig sa anak kong walang malay.

Nang maidala si Dark sa ICU ay agad akong sumunod pero bawal pumasok, may salamin na nakaharang sa pagitan namin.

Doon ay ilang beses pa siyang sinuri ng ilan oang doctor.

"Red, lakasan mo ang loob mo. Ipanalangin nating bumuti ang lagay niya. "sabi ni Mom.

"Matapang ang apo ko, kayang kaya niyang lagpasan yan." sabi ni Dad.

Patuloy lang ako sa pag iyak. Tama sila, matapang si Dark.

"Misis, kailangan pang obserbahan ang pasyente. He's in a state of coma. I'm sorry to say that. Napakabilis ng pagkalat ng infection sa katawan niya at iyon ang nagpapahina ng katawan niya. Kailangan din siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon." Napaupo ako dahil sa sabay sabay na masasamang balita na sinabi ng doktor. Hindi na kayang iabsorb ng sistema ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon para sa anak ko.

Tumayo ako at sinilip ang anak ko mula sa loob. Payapa siyang nakapikit at nakakunot ang noo.

'Alam kong nahihirapan ka ngayon anak. Please, wag mo akong iiwan.'

"Sinuri namin ang dugo niya, type
AB+ ang anak mo misis at mahihirapan tayong kumuha ng ganoong dugo, madalang ang supply ng ganoong dugo dito sa ospital. Simulan niyo nang maghanap sa Red Cross para maisagawa kaagad ang Blood transfusion." sabi ng doktor saka nagpaalam na.

"Ako na ang bahalang humanap at magrequest ng dugo. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay magpahinga. "sabi sa akin ni Orion.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang umiiyak. Alam kong nasasaktan din siya ngayon para sa nangyayari kay Dark. Malaki ang naging hirap namin ni Orion sa kaniya, lalo na ni Orion. Pinuno niya ng pagmamahal si Dark bilang isang ama. Tumayo ako at yumakap sa kaniya. Niyakap rin niya ako ng mahigpit.

Still In Love with the Devil (Book 2)Where stories live. Discover now