Chapter 12 - Her son

745 23 1
                                    

RED'S POV

Maaga akong nagising para takasan ulit si Dark, papunta na ako ngayon sa company nila Lucas para pumasok.

Speaking of the DEVIL, hindi ko alam kung papano siya haharapin. Nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi.

Bzzzzzt.

Nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito at binasa ang text. It's from Orion.

I'm sorry. Lasing lang ako kagabi.

Kakaibang lasing.

Tss.

Hindi ko na siya nireplyan at nagpatuloy sa pagda drive. Maaga pa nang makarating ako sa office. Wala pa si Lucas.

Inayos ko ang table ko at isinet up ang computer. Mukang mapapasabak na naman ako sa trabaho maghapon. Hindi pa naman ako nakapagbreakfast dahil nagmamadali ako dahil baka magising si Dark ay hanapin ako at magpumilit na isama, nangako pa naman ako sa kaniya na isasama ko siya kahit na hindi puwede.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng elevator at inilabas non si Ivan na may dalang mga files. NANAMAN.

"Miss Red. Tumawag si boss na ikaw na muna ang bahala rito dahil malelate siya. Heto ang gagawin mo sa ngayon. " inilapag niya sa harap ko ang ilang folders.

"Baka naman may idadami pa yan Ivan dalhin mo na rin dito 'wag ka nang mahiya." Sarkastikong sabi ko.

"Sorry, binilin kasi yan ni boss. Madaminka daw matututuhan diyan sabi niya." bumuntong hininga lang ako saka tumango.

Oo madami akong matututunan sa tingin ko at unang una na don ay ang magmura ng magmura.

PUNYETA!! Wala na talaga atang pag asang maging maayos ang trato sa akin ng lalaking 'yon! Letche!

Nagpaalam na si Ivan at ako naman ay nagsimula nang gawin ang mga dapat kong gawin.

Taena. Ganito lang ba ang gagawin ko rito? Sana pala yung offer nalang ni Orion na restaurant ang tinanggap ko. Hays. Kung hindi lang dahil kay Dad. Tss.

Nakakaisang oras na ako nang dumating muli si Ivan bitbit ang sangkaterbang libro.

Aanhin ko naman ang mga yan ngayon? Aba'y mas makapal pa sa muka ng Diablong Lucas na 'yon ang mga librong to ah.

"Pakisalansan daw sa loob ng opisina niya Miss Red. " sabi ni Ivan. Hindi ko na nga siya halos makita dahil nakaupo ako at nakaharang ang sangkaterbang libro sa muka ko.

"Bakit hindi siya ang magsalansan?! Nasaan ba 'yang boss mo?!" inis na tanong ko saka ako bwisit na tumayo.

"Looking for me?" Nakataas kilay na tanong niya habang masama ang tingin sa akin.

Paktay.

"S-Sorry." nauutal na sabi ko.

"Tss" sabi niya saka ako inirapan. Pumasok siya sa office saka pabalibag na isinara ang pinto.

"Pffft." napalingon ako kay Ivan na umuuga ang bilbil sa pagpipigil ng tawa.

Napaupo ako sa swivel chair saka nagpapadyak sa asar.

"Bakit hindi mo sinabing kasunod mo siya?" nanlulumong tanong ko sa kaniya.

"Malay ko bang sasabihin mo 'yon? Ikaw palang ang nakakagawa non sa kaniya. " saka niya pinakawalan ang tawa na kanina niya pa pinipigil.

Nagpaalam na siya sakin at naiwan akong nag iinit ang tuktok sa taong nagpapasalansan sa mga lintek na libro na'to.

Pumasok ako sa loob ng office bitbit ang libro. Lintek, sa laki at bigat nito ay dalawa lang ang kaya kong dalhin. Nakailang balik pa ako para lang mahakot lahat, at ang walanghiyang gentleman ay nakaupo sa table niya at nakataas ang mga paa. Isa isa kong isinalansan sa bookshelf ang mga libro.

Still In Love with the Devil (Book 2)Where stories live. Discover now