=1st Mistake=

95 1 0
                                    

Vincent's POV

"Class! Keep quiet." Saway samin ni Mr. Alleje at pinukpok niya ang blackboard. Natahimik naman ang lahat maliban samin.

"Ayan na naman si Pnoy, o! May balak atang magSONA." Sabi ko at natatawang nakipag-apir sakin ang mga katropa ko.

"Haha! Lagot ka pre! Baka ipakulong ka niyan! XD" Natatawang pananakot ni Thane.

"Imposible. Mauubos muna ang buhok niyan, bago niya ko mahuli XD." Natatawang nag-apir kaming dalawa.

Whuuuu! Eto ang gawain namin, mambwusit ng teacher. Boring eh. -_-

"O?! Ano ang tinatawa-tawa niyo diyan?" Lumapit sa min si Pnoy-este Mr. Alleje at pinameywangan kami.

"Wala."-Thane

"Ikaw."-Ako sabay turo sa kanya.

Pinandilatan naman ako ni Thane. O-O

"Mr. Vincent Alleje," oo magkasurname kami pero di ibig sabihin kalahi ko ang taong to. Naniningkit ang mga mata niyang itinuro ako. "Alam mo ba ang salitang RESPETO?" :°

I smirked then I stood up. "Ikaw? Alam mo ba ang salitang MATULOG? Matulog ka muna para lumaki ka! At baka sakaling IGALANG pa kita!" Sigaw ko sa kanya. Haha! Pinagkaitan kasi si Sir ng height. :D

Napanganga naman ang ibang kong mga kaklase. 0_0

Ang mga katropa ko naman walang ibang ginawa kundi pigilan ang pagtawa. (^±^) Mga loko-loko eh! Ayaw madamay. Tsk.

Matalim niya kong tinignan. "Mr. Alleje, GET OUT!" Itinuro niya ang labas. :*

I grinned. "Sino? Ako o ikaw?" Siyempre alam kong ako yun. Mahirap naman kung ang sarili niya mismo ang pinapalabas niya. -___-

"JUST SHUT YOUR MOUTH AND GET OUT!!!" Sigaw niya sa kin.

I smirked. "Mas mabuti pa, keysa makinig sa boring mong klase."

Kinuha ko ang mga gamit ko. Pagkalabas ko naman ay lumingon ako sa mga katropa ko.

"Tambayan. Mamaya." I mouthed to them and they nodded. Umalis na ko.

Psh. Wag niyo kong kainisan. Di porket ganito ako, huhusgahan niyo na ko. Hindi ako katulad ng ibang tao.

Lahat ng ginagawa ko ay hindi para magpapansin, kainisan o sumikat. Ginagawa ko ang mga kalokohang to dahil mayroon akong dahilan.

At ang dahilang yun ang nagpabago sa kin.

The Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon