=9th Mistake=

20 0 0
                                    

Vincent's POV

*drip drip drop*

Hay! Ano ba ang problema ng ulan na to? Kanina lang to bumuhos, ayaw pa ring tumila.

*drip drip drop*

Psh. Nakakaasar. Ayoko pa namang sumulong kasi nilalagnat ako. Kaya ko nga tinanggihan yung pagpapalinis sa kin ni Pnoy eh. -____-

Nagsmirk naman ako nang makita ko ang principal na naglalakad papunta sakin.

"O, Mr. Alleje? Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat naglilinis ka ngayon?!" >.<

"Kita mo naman na umuulan di ba? Saka anong akala niyo sakin? Tagalinis? ESTUDYANTE lang PO ako. Di PO ako JANITOR." Diniinan ko ang mga sinabi ko para maintindihan niya.

Napailing naman siya. "Hay. Ewan ko ba kay Mr. Alleje kung bakit tinulungan ka niyang wag maexpel. Eh mas malambot pa ata ang bato sa ulo mo eh." -___-

Nabigla naman ako sa sinabi niya. "E-expulsion?" 0_0

"Bakit? Di mo alam?" Tanong niya sakin. Umiling naman ako. Ang alam ko lang kasi ay masususpend ako for two weeks.  "Alam mo bang dahil sa nangyaring gulo noong isang araw na sinimulan mo ay ipapaexpel na sana kita sa paaralang ito? Pero dahil sa pagmamakaawa ni Mr. Alleje, hindi ko itinuloy at binigyan ko siya ng kondisyon. Naawa ako sa tao kasi kahit di ka niya kaano-ano, lumuhod pa siya mismo sa harapan ko."

Hindi ko alam kung bakit pero biglang may kaba na bumalot sakin.

"Hoy! Sa'n ka pupunta! Kinakausap pa kita!" Tawag sakin ng principal pero hindi ko siya nilingon.

Agad akong tumakbo palayo.

Lumusong ako sa ulan.

Kaya ko pala nakitang may dalang walis tingting at mga sako si sir. May balak pala siyang linisin ang rooftop para sakin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya, kung bakit ginagawa niya ang mga bagay-bagay para sakin.

Pero isa lang ang nasa isip ko.

Kailangan kong malaman kung BAKIT.

The Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon