=4th Mistake=

30 0 0
                                    

Vincent's POV

"O? Ano? Lalaban ka pa ha?!" Hamon ko sa mukhang aso na kumalaban sa kin.

Lang ya! Kung makalait 'to kanina, kala mo naman, pinagpala. -__-

"P*ta! Anong kala mo sakin?! Duwag?!" Sinubukan niya kong suntukin pero nakailag ako. Lumapit ako at tinuhod ko siya tapos sinipa. Tumilapon siya.

"Ha! Hanggang salita ka lang pala eh!" Sigaw ko sa kanya. Ang pa lakas ng loob nitong pumasok sa paaralan namin, kala mo kung sino. (*-*)

"Wuuuh! Iiyak na yan! Iiyak na yan! XD" Tudyo ni Josh sa lalaki.

"Iiyak na yan! Iiyak na yan!" Nakisabay na rin ang iba. Siyempre, napapalibutan kaya kami ngayon ng mga usisero't usiserang estudyante. Psh. -___-

"Ako iiyak?! Hinahamon niyo ba ko?!" Sigaw niya samin at nabigla kami nang kumuha siya ng patalim mula sa likuran niya.

"Oy, oy, ang daya. Nagpapalaban sa patalim? Ngek! XD" Pagpaparinig ni Thane. Nagtawanan naman ang iba.

Pero hindi nako sumali, alam ko kasing seryoso na ang aso-este ang taong to. Hay, ano ba yan. Desperado na talaga siyang wag mapahiya. -___-

"LANG YA!!!" Bumuwelo siya at sumugod sa kin.

Pero bago pa ko makakilos---

"Prrrrrrt! What's happening here?!!" Biglang lumitaw si Pnoy-este si Mr. Alleje.

Hay! Kahit kailan talaga.. Wrong timing ang taong to!

Napasinghap naman ang lahat nang bigla ko na lang iniharang ang sarili kaya ako yung nasaksak.

"Tsk.. H-haharang-harang k-ka k-kasi eh." Sabi ko kay Pnoy at natumba ako.

"Vincent!!!" Sigaw ng mga katropa ko. Nakita kong sinugod nila ang lang 'yang lalaking yun at pinagtulungan nila. Tss. Mabuti nga sa mukhang asong yun. +___+

"N-nak.. O-okay ka lang?" Tanong sakin ni Pnoy-este ni Mr. Alleje nga! 0_0

"Psh.. N-niligtas l-lang k-kita, k-kala mo naman, m-magulang n-na k-kita."Puna ko sa kanya bago ako unti-unting nawalan ng malay. x__x

Hindi ko alam kung bakit, pero para bang napanatag ako sa ginawa ko? Hay ewan. Ang gulo. Ako na nga yung nasaksak, ako pa yung napapanatag dito. Tokwa lang!!

The Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon