=2nd Mistake=

59 0 0
                                    

Vincent's POV

Umuwi nako sa bahay namin. Pero pagkapasok ko pa lang, sermon na agad ang sumalubong sakin. Psh. (-_-)

"O?! Ang aga mo namang umuwi?! Nagcutting classes ka na naman?!" Salubong sakin ni Mama. +_+

O, masanay na kayo diyan. Walang araw na hindi niya ako tinadtad ng sermon. Para ngang sirang plaka eh.

"Malamang. Alangan namang nag-absent ako. Tss."-___-

"So ganyan ba ang pinag-aaralan mo ngayon?! Ang mamilosopo?! Bakit?! Sino ka ba para sagot-sagutin ako?!" Sigaw niya sakin.

Psh. Nakaririndi na.

"At sino ka ba para manlalaki?! Ha?! Ha?!" Sigaw ko pabalik habang tinuturo yung boypren niyang mukhang unggoy na kalalabas lang sa kwarto niya. "Yan ba ang gusto mong ituro samin?!" >:(

*Pak!* Sinampal niya ko. "Tumahimik ka! Wala kang alam sa pinagdadaanan ko ngayon! Hindi mo alam kung gaano kahirap palakihin kang mag-isa!!!" Namumula na ang mukha niya sa galit. 0~0

Pero wala akong pakialam. She deserves it.

"So ganun?! Akala mo may karapatan ka nang manlalaki dahil naghirap ka ng husto?! Galing mo rin eh no!!" Sarkastikong pinalakpakan ko siya.

Dinuro niya ko. "Tumahimik kang leche ka!! Kung makapagsalita ka, akala mo kung sino ka na?! Bakit?! May balak ka bang sundan ang yapak ng MAGALING MONG AMA na di na bumalik?!"

"Ikaw ang tumahimik!" This time ako na naman ang dumuro sa kanya. "Wala kang karapatan na banggitin si papa!! Dahil sa una pa lang, hindi ka na naging asawa sa kanya! Iniwan mo siya sa ERE! Hindi mo siya hinintay!!! Kaya tumahimik ka!" Naglakad ako palabas pero nakaharang ang mga tsismosang mga kapitbahay.

"*pabulong sa katabi* Ay grabe, salbahe talaga yang anak niya." -Tsismosa 1

"*pabulong* Oo nga. Di na nahiya."-Tsismosa 2

Pinandilatan ko sila. "O ano? Tapos na ba kayong magtsismisan diyan?! Kung wala kayong ibang magawa, ikuwento niyo sa iba ang walang kuwentang ugali niyo! Keysa ipagkalat niyo ang buhay ng ibang tao!" Agad naman akong binigyan nila ng daan at naglakad ako paalis.

"Tsk. Mga Tsismosa." Walang ibang ginawa kundi magkalat at gumawa ng kuwento. Tapalan ko kaya ng duct tape ang mga bungangerang yun?

Lahat ng tao ngayon, ang hilig nang manghusga. Pero pagdating sarili nila di nila masabi kung nagawa na ba nila ang tama.

They just know my name and personality.

But they don't know my story.

The Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon