=5th Mistake=

27 0 0
                                    

Mr. Alleje's POV

"Sir, bakit niyo po ako ipinatawag?" Tanong ko kay Mr. Palito-este Ponciano, ang terror na principal ng eskwelahang ito.

"Mr. Alleje, nabalitaan ko ang gulong dulot ng estudyante mo."

"Opo. Pero siya po ang nasaktan." Depensa ko sa bata. Alangan namang laitin ko pa ang pasaway na yun eh iniligtas niya nga ako di ba?O-O

Ang sama ko naman pag ganun.-___-

"Kahit na, siya pa rin ang nagsimula ng gulo." Napalunok naman ako sa seryosong mukha ni Mr. Ponciano. Nakakatakot nga! 0_0

"At dahil dun, gusto ko siyang tanggalin sa eskwelahang ito. Ayokong madungisan ang pangalan ng paaralang ito dahil lang sa isang basagulerong estudyante." +___+

Uy, di naman. Kahit mukhang sira-ulo ang batang yun eh alam kong mabait din yun. >__<

"Pero sir--"

"I'm sorry  Mr. Alleje but my decision is final. You may leave." Tumayo siya at itinuro ng pintuan. *_*

Nabigla siya nang lumuhod ako sa harapan niya. "Nagmamakaawa ako sa inyo, Sir. Bigyan niyo po siya ng isa pang pagkakataon. Alam ko pong mabait siyang bata dahil napatunayan ko po yun nang iniligtas niya ko. Maawa po kayo. Wag po nating sukuan ang isang katulad niya. Bigyan niyo po siya ng pagkakataong magbago. Alam ko pong medyo masama ang ugali niya pero nakatago pa rin po ang kalahati ng pagkatao niya." Pagmamakaawa ko sa kanya habang nakayuko. >_<

Nawalan naman ako ng pag-asa nang hindi siya umimik. Pero nabuhayan ako ng loob nang pinatayo niya ko at tumatango siyang nagsalita.

"Okay Mr. Alleje. Pumapayag akong bigyan siya ng isa pang pagkakataon." +__+

"Talaga po?! Yeeheey! Wuuuuh!" Yes! Grabe pala yung pagmamakaawa effect ko. Akalain niyo? Tumatalab pala. ^___^  Phew.

Tumalon-talon ako kaya lang he gestured me to stop. Hay, ang kj talaga ng mga matatanda kahit kailan.

Akala naman ng nagcomment, di siya tumatanda?XD

"Wag ka munang magsaya, Mr. Alleje." •_•

"Ha? Bakit po?" O_O

"Kapalit ng pagtatagal niya ay isang kondisyon.."

"Ano po yun?"

"..."

Ay ang grabe naman ng mga tao ngayon, o! Porket may pabor na hiniling, may kondisyon namang kapalit. Hindi pa sila nakukuntento sa pasasalamat ng iba.

Haaay. Ewan. Nakalimutan na ata natin ngayon ang kusang pagbibigay sa isang bagay na walang hinihiling kapalit. Gusto kasi nating agad-agad na makabawi. Minsan kasi, hindi natin iniisip ang iba, puro lang sarili natin.

Pff. Mahanap nga lang yung batang yun!

The Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon