=6th Mistake=

26 0 0
                                    

Mr. Alleje's POV

"Hoy! Vincent!" Tawag ko sa kanya. Pero ang  pasaway, nilagpasan lang ako! 0_0

"Hoy! Mr. Vincent Alleje, huminto ka nga!" Utos ko sa kanya. Batang to, o! Ang tigas ng ulo! >.<

Huminto naman siya sa wakas. "Mr. President, di mo kailangang magpasalamat." -___-

Aakalain ko sanang seryoso siya pero dahil sa Mr. President---

"Aray!" Binatukan ko siya.

"Hay naku! Kahit kailan talagang bata ka, sira-ulo ka talaga." *-*

"Kahit kailan talaga, ang boring mong kausap. Psh."-___-

"Oy, oy, oy. Di porket niligtas mo ko hahayaan na kitang pagsalitaan mo ko ng ganyan." Umiling-iling na sabi ko sa kanya.

"Pasalamat ka nga, iniligtas kita." Sabi niya -___-

Eh oo na! Ikaw na ang nagligtas saken! Sa katangahan ko ba naman eh nasali ako sa gulo. >__<

"Pasalamat ka nga, tinulungan kita." Sabi ko  -___-

"Ano naman ang naitulong mo sakin? Yung boring mong pagtuturo?"

"Hoy! Kung makapagkasalita ka.. Kala mo.. "Tumikhim na lang ako. "Oo nga pala, tinulungan kitang wag masuspend for two weeks dahil sa nangyaring gulo. Kaya lang, ang kondisyong hiningi ng principal, kailangan mong linisin ang maruming rooftop ng library."

Tahimik lang kayo ha? Ayoko kasing sabihin sa pasaway na to na muntik na siyang maexpel. Ayokong idiscourage ang bata, eto na kasi ang huling paaralan na tumanggap sa kanya. Sa ugali ba naman ng pasaway na to, marami na ang sumuko. (~_~)

"Psh. Yoko nga! Ano ako? Janitor?! Mas mabuti pang masuspend keysa linisin ang rooftop na yun!" Sabi niya sakin at maangas na nagwalk-out. 0_0

Hay.. Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon?

Mga dakilang pasaway?-____-

The Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon