2 MONTHS LATER ~
napagtanto ko na meron pala syang isang babae na inaasahan na magbabalik pa . at yun pala ay si seohyun . Oo , sya nga ! ang babaeng classmate namin na malandi . yung mangaagaw eh boyfriend ko na nga si mhelvin .
hindi maiwasan na masaktan ako . umiyak ako bago pa kami makabalik sa pilipinas
Hindi ko sa kanya sinabi ang nararamdaman ko . Ba't kaya nagiba ang trato nya sa'kin ? naging cold sya . mas iniisp na nya si seohyun sa ngayon .
~ nakauwi na kami sa pilipinas. back to normal nanaman kami ..
ang unang sumalubong sa'kin ay walang iba kundi si cheska , ang aking kaibigan .
sunod naman ay si cross na may dalang guitara at bulaklak ,
nakauwi na pala si cross bago pa'ko umuwi sa pilipinas ! buti nalang andyan sya . may madadamayan pa 'ko .~ Pumasok na ako sa school at 'di kami ngayon nagsabay ni mhelvin . 'di ko sya maintindihan sa ngayon .. parang nagiging malabo na'rin kami .
ngayon nga pala ang anniversary ng relation namin . kaya naman naghanda ako ng ibibigay sa kanya . isang relo .
~ nang makapasok ako ng room nasa loob si mhelvin at si seohyun . sila ang magkatabi ngayon sa upuan . naguusap silang dalawa ng personalan kaya naman 'di ko sila nilapitan .
Ni hindi manlang nya naalala ang anniversary ngayong araw na'toh .
Kaya naman naiyak ako at mas lalong nalungkot .
Nakita ko silang dalawa na magkahawak kamay kaya naman napilitan 'kong lumapit at ihagis ang relo kay mhelvin .
Oh ito .. happy anniversary ! *
Sorry *
Sorry ?! Sorry ? ! *
natapos ang usapan namin sa hindi pagkakaintindihan . sa relation talaga , laging nagkakaroon muna ng problema bago mahanap ang taong tama para sa iyo .Hindi ako ngayon tumabi kay mhelvin sa upuan nya . umupo nalang ako sa likod at tinitingnan ko silang dalawa . habang nakikita ng dalawang mata ko ang mga galaw nila , ang syang nagpapatunaw at nagpapadugo sa puso ko .
Agad na akong umuwi ng hindi sumasabay kay mhelvin ko .
Tinawagan ko si cross at nilahad ko ang mga nangyari , agad syang nakinig at pinuntahan kung nasaan man ako ngayon .
andito kasi ako ngayon sa park . kung saan tahimik at walang tao . iniiyak ko ang lahat ng nasa isip ko .mula sa malayo nakita ko si cross na nagaalala at tumatakbo palapit sa'kin . mas nalulungkot sya sa nangyari sa'kin
BINABASA MO ANG
When You Really Love Someone
RomanceHello Everyone ! samahan nyo akong mamantasya HAHA ! kidding . Sino dito ang naniniwala sa LOVE ? taas paa ! ^*^ well , huwag 'mong isara ang iyong puso kung nasaktan ka sa una . buksan muli at baka Makita mo ang lalaking karapat dapat at deserve sa...