TCK 17 - Insinuation

3.1K 135 7
                                    

Saturn's PoV

Nagising ako dahil sa isang malakas na katok sa mula sa pinto ko kasabay nito ang pagbukas.

Si Jupiter, may dalang pagkain

"Breakfast in bed" dala dala niya ang pagkain nang may ngiti. 

Di ko rin maiwasan mapangiti sa ginawa niya pero agad din naman nawala nang maalala ko si Jacob.

Saturn umayos ka.  Wag kang magpadala sa kanya

"Nag abala ka pa.  Kaya ko naman na" sabi ko sa kanya

"Naaahhh... I know na kaya mo na.  Pero I want to do this" sagot niya habang nakangiti pa din

"Kailan tayo uuwi Jupiter?" tanong ko sa kanya.  I really need to go home.  May mga prior commitments ako at hindi pwedeng mapurnada un dahil pangalan ko bilang Architect ang nakasalalay don

"I dont know" sagot niya

"Jupiter please,  Im begging you,  I need to go, marami pa kong gagawin" sabi ko sa kanya

"You can go by yourself,  matanda ka na di ba? " sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

"Really!?  Bwiset ka.  Dinala dala mo ko dito tapos hahayaan mo kong umuwi mag isa.  Ni hindi ko nga alam kung paano nakapunta dito." reklamo ko sa kanya.  Grabe talaga takbo ng utak ng isang to.  Nakakairita na

"Yes,  dinala kita dito pero hindi ko pa gustong umuwi,  kung gusto mo, bahala ka" sabi niya pa sakin

"Fine,  uuwi ako.  Bahala ka rin" galit na sabi ko sa kanya

Iniwan niya ang pagkain sa table na malapit sakin at naglakad palabas ng pinto.  Narinig ko na lang ang malakas na pagsara nito na para bang isang bombang sumabog.

"Tss.  Siya na nga nagdala sakin dito nang walang pahintulot,  siya pa galit.  Aba.  Mahusay talaga! " inis na saad sa aking sarili.

Inayos ko na ang gamit ko saka lumabas ng kwarto, di na ko kumain ng umagahan,  agad akong bumaba. Nakita ko siya na nanonood ng tv.  Hindi na ko nagpaalam sa kanya.  Bahala siya.

Lumabas ako ng bahay. 

Ngayon Saturn,  san ka Pupunta?  Alam mo ba?

Tanong ko sa aking sarili.  Naglakad ako ng naglakad hanggang sa marating ko ang kalsada.

Tae naman.  Bakit ba kasi hindi ako nagpahatid dun sa mokong na un kahit hanggang dito man lang

Ihahatid ka ba?

Tanong nang aking utak.

Sabagay.  Hindi din ako ihahatid ng lokong un.  Naglakad lakad pa ako hanggang sa makakita ako ng isang tindahan.

"Ahh,  miss,  alam niyo po ba kung saan ang daan papuntang bayan? Ung papuntang manila? " tanong ko sa kanya

"Ah oo sir,  meron po jan sa pagliko lang na terminal ng jeep papuntang pagsanjan. Doon po may paradahan ng Bus papuntang manila.." turo ni ate

"Nako salamat ate,  salamat po sa tulong"

"Walang anuman sir pogi" sabi ni ate na kinikilig.  Naku ate.  Di tayo talo.  Hahahah

Nagsimula na ulit akong maglakad hanggang sa marating ko ang terminal.  Swerte naman at paalis na ang jeep na masasakyan ko.

Madali lang naman pala pumunta dito sa caliraya.  Dalawang sakay lang ang nangyari. Bumaba kasi ako sa pagsanjan then nag bus pa manila.

Mahabang biyahe...

Mga 8 hours na biyahe.  Dahil sa traffic.

Pagkarating ko sa bahay,  pagbukas ko pa lang nang pinto ay nabigla ako sa nakita ko. 

Despicable Men - The Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon