TCK 22 - Solar Industries

2.9K 125 1
                                    

Saturn's PoV

Im here at a hospital room looking at jacob na mahimbing pa din na natutulog...  Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.  Takot,  guilt,  awa,  lungkot...  Ayaw kong makita siya na ganito. miserable na alam kong ako ang dahilan. Ayaw ko siyang iwan nang ganito...

Umalis muna sina Jupiter upang ihatid si Shaun kina mama at para na din bumili ng pagkain namin.

Maya maya ay nakita ko na gumalaw si Jacob at unti unting bumubukas ang mata niya

"J-Jacob!  Ano?  Anong nararamdaman mo?  May masakit ba sayo?  Gutom ka ba?  Uhaw?" sunod sunod kong tanong sa kanya

"S-Saturn" mahinang tawag niya sakin

"Saglit lang ha.  Tatawagin ko lang ang doctor" pero bago pa ko makaalis ay hinawakan niya ang kamay ko...

"S-Saturn... S-Sorry" hingi niya ng tawad... Nag umpisa na din tumulo ang luha niya

"Shhh... Magpahinga ka na muna.  Pagaling ka ha.  Saka tayo mag usap" sabi ko sa kanya

"S-Sorry kung naiipit ka na naman sakin...  Akala ko kasi kaya kong mawala ka.  Akala ko kaya ko na. P-Pero... Pero hindi pala...  Di ko kaya Saturn...  Hindi ko kaya" ramdam ko ang bawat sakit sa bawat salitang binibitawan niya

Nag umpisa na din tumulo ang luha ko.  Ngayon ko lang siya nakitang ganito...  Sobrang hina.  Parang walang pag asa

"B-Bakit mo nagawa to Jacob? B-Bakit? Pinag alala mo ko" sumbat ko sa kanya habang naiyak

"S-Sorry Saturn...  H-Hindi ko na kasi kinaya ang sobrang sakit...  M-Mahal kita.  Mahal na mahal kita" sabi niya

"P-Pero hindi sagot ang ginawa mo Jacob...  Sinasayang mo ang buhay mo...  Maraming nagmamahal sayo Jacob...  Yan ang narealize ko nang ginawa ko din yan noon .  Na maraming handang sumalo at magmahal sakin.  May pamilya ka pa Jacob.  May makilala ka pang iba...  Nandito pa ko.  Kahit hindi tayo ay nandito pa ko bilang kaibigan mo.  Sobrang halaga mo para sakin Jacob dahil isa ka sa mga dahilan kung bakit natuto akong lumaban sa buhay...  Isa ka sa mga nagbigay nang inspirasyon sakin...  Mahalaga ka samin.  Mahalaga ka sakin" sabi ko sa kanya

"S-Sorry kung nagpatalo ako sa lungkot at sakit. Naging mahina ako" sagot niya

"Ssshhh! Hindi ka mahina Jacob...  Nasaktan ka lang. At humihingi ako ng kapatawaran doon.  P-Pero wag mo na ulit gagawin to Jacob. Masarap mabuhay.  Dapat alam mo yan dahil isa ka sa mga nagturo sakin kung gaano kasarap mabuhay" oo.  Isa siya sa mga tumulong upang maging matatag ako sa mga hamon ng buhay

May sasabihin pa sana siya ng may pumasok sa kwarto...  Ang mama ni Jacob

"Ang kapal rin naman talaga ng mukha mong magpunta pa dito no bakla!  Kasalanan mo tong hayop ka! " sabi ng mama bi Jacob at agad lumapit sakin at binigyan ako ng isang malakas na sampal

"Sinasabi ko na...  Wala kang magandang maidudulot sa anak ko.  Isa ka lang walang kwentang salot na bakla...  " sunod na sumbat sakin ng mama niya

"Ma enough" kahit nanghihina ay pinipigilan pa din niya ang nanay niya

"Enough?  No!  Binalaan na kita dati pa Jacob na walang maidudulot na maganda sayo ang baklang yan.  Nagbubulag bulagan ka lang.  Look what happened to you...  You tried to kill yourself because of this worthless faggot? " napayuko naman ako sa kahihiyan dahil sa mga sinasabi ng mama ni Jacob.  I guess tama siya.  Kasalanan ko to. 

"It seems like we have a narrow minded old woman here" mula sa may pintuan ang boses na yon...  Si Jupiter na may kapit na pagkain

"What did you say?! " galit na tanong nang mama ni Jacob

Despicable Men - The Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon