TCK 20 - Freed, Heartaches and Acceptance

3.1K 130 8
                                    

Saturn's PoV

Papunta kami ngayon ni Shaun sa bahay nila Bella. Gusto ko lang ng makakausap. Bukas pa ang uwi ni Jacob so bukas ko pa magagawa ng desisyon na kailangan kong gawin.

"Maaga pa kayo sa inaasahan ah. Ang bilis niyo naman" komento niya nang pagbuksan niya kami ng pinto ni Shaun. Ngumiti ako sa kanya nang alangan..

"Hi po tita bell! " bati ni Shaun sa kanya

"Hello baby, come in... Nandun si tito mo sa taas. Hinihintay ka daw niya. Dun daw kayo magplay" sabi ni Bella saka niya hinawakan ang ulo ni Shaun at ginulo ang buhok

"Ok po tita." Agad naman pumasok di Shaun papasok at tumakbo paakyat sa kwarto ata ni Brent.

"Halika, sa sa living room tayo" yaya sa akin ni Bella

Mabilis naman naming tinungo ang living room

"So, anong gusto mong pag usapan" tanong niya

"Ah. Eh. Wala lang. Kahit ano lang. Gusto ko lang ng kausap" sagot ko sa kanya pero mukang hindi siya naniwala sa sinabi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Nako Saturn, tigilan mo ko. Kung kailangan mo lang pala ng kausao eh di sana sa cellphone na lang tayo nag usap" inis na sabi ni Bella sabay ikot ng mata nito sakin... Naoabuntong hininga naman ako saka sinabi sa kanya ang gusto kong sabihin...

"H-Hindi ko kasi alam kung paano siya harapin, t-tapos hindi ko pa nakakausap si Jacob. Bukas pa kami magkakausap pagdating niya galing ng Batanes. Haist! " nalilito kong sabi sa kanya. Tinignan ako ni Bella na para bang sinusuri ako... Sa huli ay bumuntong hininga din siya na para bang hindi din alam ang gagawin sa sitwasyon ko.

"Hindi ko din alam kung ano ang dapat mong gawin dahil hindi ko naman alam ang nararamdaman niyo exactly. All I know is lahat kayo is in pain but I dont know the level of your pain. Let me just say this" lumapit siya sakin at hinawakan niya ang dibdib ko kung saan ang puso ko.
"Trust your heart... Lagi kasing utak ang pinapagana mo Saturn. Nakalimutan mo na sa pagmamahal ay puso ang ginagamit at hindi utak. Trust your heart lang and hayaan mo na ang mangyayari. Kung ang kakahantungan niyong lahat ay heartaches, at least makakamove on ka na agad kayo kasi may closure na kayo sa feelings ng bawat isa, mas mabilis tanggapin, Kesa naman na magstay ka lang jan na everyday na nagkukunwari sa isang damdamin na hindi naman totoo dahil lang sa ayaw mo siyang masaktan, hindi yan maaalis if hindi ka magpapakatotoo sa sarili mo.. Kaya mo yan Saturn, nandito lang kami for you" payo ni Bella. Ewan ko ba kung magagawa ko ba ang gusto niyang mangyari.
Tahimik lang ako after magsalita ni Bella. Maya maya iniba ko na ang usapan namin. Ayaw ko muna isipin kung anong mangyayari samin pag nagkataon. I hope, makabuti ito para sa aming lahat... I am really hoping...

Maghapon magdamag akong hindi pinatahimik ng mga sitwasyong maaaring mangyari... Iniisip ko pa lang na masasaktan si Jacob ay parang masakit na din sakin. Nakita ko kung paano binago ni Jacob ang sarili niya para sakin. Kung paano niya ako pinaglaban kaya mahirap. Mahirap para sakin na saktan siya. Kaso, si Jupiter. Si jupiter talaga eh.

Kaya buo na ang desisyon ko. I wanna be free. Kung hindi man maganda ang kakahantungan nito. I will gladly accept it.
.
.
.

Dumating na ang araw nang pagdating ni Jacob.

Ilang araw din kaming walang contact. Ayaw ko sana siyang biglain abouy sa sasabihin ko pero parang kailangan na. Ito na ang tamang pagkakataon...

Pumunta ako sa condo niya pero wala siya doon. Triny kong tawagan pero hindi siya nasagot. Nagstay ako sa condo niya for awhile para hintayin siya. Dumaan ang mga oras ay walang Jacob na nagpakita. I texted him kung nasan siya pero hindi siya nagrereply, paalis na sana ako, nandito ako sa elevator nang bumukas ito at bumungad sakin si Jacob

Despicable Men - The Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon