TCK 11 - Regrets

3.5K 173 21
                                    

Third person's PoV
Nang gabing umalis si Saturn sa bahay ng nga santillan ay tumahimik ang bahay na ito.  Walang naglalakas loob na magsalita.  Kahit sino.  Kumain na din sila pero walang gana kumain si Shaun at Jupiter.  Kasabay nila ang nanay ni Jupiter

"We need to change his surname quickly,  para wala nang habol ang lalaking yon" wala naman magawa si Jupiter sa sinabi ng mama niya.  Kahit gaano siya kabarumbado at katarantado ay tiklop siya sa mama at papa niya dahil may pinapangalagaan siya...
Nakaramdam siya ng kaba at hindi niya alam kung bakit.  Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda.

Samantalang away naman ang nangyari sa bahay ng mga reyes kung saan huling pumunta si Saturn.  Sumisigaw ang nanay niya samantalang ang tatay naman niya ay tinatanggap lang lahat ng sigaw nito.  Hindi siya umiimik sa lahat ng sinasabi ng nanay nila.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay may naganap nang hindi maganda kay Saturn.  Nagtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa over pass

Agad kumalat ang balita na may isang lalaki ang nagtangkang magpakamatay sa may overpass...

Noong gabing iyon ay hindi inaasahan ni Brent na siya ang makakasaksi sa pangyayaring ito. Naisipan lang kasi niyang dumaan don. Pinagmamasdan niya ang picture noon ni Saturn na masaya at ngiting ngiti habang kumakain kasama si Shaun. Nasa pagmumuni muni siya nang biglang magsalita ang driver niya na parang natatakot.

"Sir,  may magpapakamatay" agad naman tumingin ito sa tinitignan ng driver niya pero ang mas kinagulat niya ay kung sino ito.  Si Saturn. 
Kitang kita niya kung paano ngumiti si Saturn pero bakas dito ang lungkot.  Kita din na umiiyak ito. 

"Itigil mo ang sasakyan" sigaw niya sa driver... Shit saturn wag mong gagawin please.

Pero nagkamali siya dahil nasaksihan niya kung paano tumalon si Saturn at mabilis na bumagsak sa kalsada.  Kasabay ng pagbagsak ni saturn ay ang panghihina ng tuhod niya.

Hindi ito maaari. 

Agad siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo papalapit dito,  madaming tao na ang nakapalibot dito,  lumapit siya kay saturn... Tumawag kaagad siya ng ambulansiya.

Halos panawan ng ulirat si Brent nang makita ang kalagayan ni Saturn,  punong puno ng dugo.
Nabalot ng kaba ang dibdib niya.  Hindi pwedeng mangyari ito.  Sabi niya sa isip niya.

Lingid kasi sa kaalaman ni Saturn na siya ang lihim na nagpapadala ng asul na bulaklak para sa kanya.   Matagal nang may gusto si Brent kay Saturn pero hindi nito maamin dahil naguguluhan din siya, dinadaan lang niya ito sa pagpapadala ng bulaklak upang maipaalam ang nararamdaman niya pero hindi niya pinapaalam na siya ito.
Una pa lang na makita ni Brent si Saturn sa garden ay magaan na ang loob nito sa kanya hanggang sa unti unting nahuhulong ang loob niya dito. Ung tawa niyang musika sa pandinig,  ung ngiti niya na mas maganda pa sa pinakamagandang tanawin sa buong mundo,  ung presensiya niyang masaya. Yan ang mga dahilan kung bakit lalo siyang nahuhulog dito.

Hindi niya magalaw si Saturn hanggang sa may dumating na ambulansiya.  agad naman sinakay si Saturn sa ambulansiya.  Sumama siya dito at sinabihan ang driver niya na umuwi na muna.

Habang nasa ambulansiya ay hawak hawak ni Brent ang kamay ni Saturn.
'Please Saturn,  wag kang bibitaw' pakiusap niya pero sa isip niya lang sinabi

Nanlulumo siya sa tuwing titingin kay Saturn. Kahit nakapikit ito ay bakas pa din ang lungkot sa mukha niya. 
Bakit niya kaya nagawa ito?  Paano na si Shaun?  Wait?  Nasan si Shaun?
Tinignan ulit niya si Saturn

Buhay pa siya.  Buhay pa si Saturn.  Pero mahina na ang katawan nito... 

Madaming agad na reporters ang nagpunta sa ospital na pinagdalhan kay Saturn humihingi ng mga impormasyon na mamaari nilang magamit para sa balita.

Despicable Men - The Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon